---"Desisyon ka talaga."
Inirapan ko ito ng matawa siya.
"Well..." He shrugged his shoulders.
Hindi naman kami nagtagal doon at nauna na kaming pumuntang bus, sina Trisha ay naiwan pa doon.
"So, when's the date?" I asked him.
"Sa susunod na araw iyong concert." I nodded, "Ano... Do we go there only or do you want to spend the day with me?"
Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nito. Bakit masyadong straight forward ang pagtatanong, yung puso ko hindi handa!
"Kung ano gusto mo." I said in a casual tone.
"Ikaw ang gusto ko."
Napanguso ako sa sinabi nito para magpigil ng ngiti.
"Nag breakfast na tayo pero binubusog mo pa rin ako..." I looked at him, he looked confused. "Binubusog mo ako ng kalandian mo."
He chuckled, "It comes out of my mouth on its own."
Hindi nalang ako nagsalita dito. Nakapangalumbaba lang ako habang nakatingin sa labas ng maramdaman ko ang pagsandal ng ulo ni Dirv sa balikat ko. Hinawakan niya rin ng mahigpit ang kamay ko.
"Inaantok ako." Mahinang bulong nito, nakapikit na siya ng lingunin ko ito.
Hindi ko siya sinaway at hinayaan nalang.
Nakatulog nga ito, ginising ko lang siya nung lilipat na kami sa barko. We're gonna go back to Seoul na.
Siya ulit ang nagdala ng luggage namin though I was helping him this time. Buhat ko iyong babang parte ng luggage ko.
Nang makaakyat ay dumiretso kami sa assigned room samin. Nahiga agad ito sa kama while I fixed our luggages on the side.
Nang lingunin ko ito ay nakapikit na ulit siya.
"Hindi ka ba natulog kagabi?" I asked him. He looks so sleepy kasi.
"I can't sleep." He murmured. "Kaya hindi nalang ako natulog dahil mag four na."
"Huh? So wala ka lang tulog?!"
"Wala."
"Why can't you sleep?"
"I heard... something." Mahina ang boses nito, mukhang makakatulog na anytime soon.
"Like?" I asked but he didn't talk anymore.
Tuluyan na nga siyang nakatulog. Kinumutan ko nalang siya bago naupo sa sofa at nag phone. Hindi naman nagtagal nung pumasok si Trisha. Kasama niya si Christian.
Pagkatapos ng ilang minuto ay si Ethan naman.
"I was waiting for you, akala ko hindi ka pa nakakaalis ng bahay." Biglang sabi ni Ethan kaya napatingin ako.
I saw him looking at Trisha.
"Kanina pa ako nandito, kasama ko si Christian." Sagot nito.
Ethan just nodded before laying down on the bed too. Mukhang antok rin.
Si Trisha ay naupo sa space pa sa sofa while Christian sat at the nearest solo sofa to Trisha. I looked away nang makita kong ipatong nito ang paa niya sa legs ni Trisha.
"Kanina pa tulog si Drake ah?" Sabi ni Christian.
"Hindi daw nakatulog kagabi."
"He's awake last night?!" Gulat na tanong nito kaya nanlaki ang mata ko at napalingon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)
RomanceShiarre Emiliana Ortega is a girl who only follows her parents, she doesn't complain because she doesn't find the need to. Until Drake Irvin Lardizabal entered her life. But it's too late, she knows for a fact that things are complicated for the bot...