Chapter 27

3.2K 75 27
                                    


---

Hindi ko alam kung nakailang irap na ba ako dahil sa Jaylen na to!

Panay pang asar, ang ingay ingay rin. Nakakairita siya.

Pero nakaka enjoy rin ang company niya kahit ganon. Dahil hindi naman ako pala imik, so his noisy personality is kind of okay for me.

I'm 'trying' to be okay with it. Dahil papakasalan ko siya.

Nag pahatid kami kay Kuya Ian, my driver, to the church. Sunod ay sa bahay daw nila Trisha.

She's with Christian, hindi sila umattend ng graduation sa Korea pero umattend sila sa Pilipinas.

After they turn 18, they'll get married na daw. I don't really know, iyon lang ang sinabi niya saking plano nila.

Hindi naman kasi kami nag uusap lagi, I barely reply to people dahil masyado akong busy sa college life. Kay Jaylen lang dahil... he's my groom. Soon.

I have to.

I heave a deep sigh. Mukhang narinig iyon ni Jaylen kaya nang kausap na naman.

"Ang daldal mo." I told him.

"I was just sharing, wag na nga!" He sounded like he's sulking pero ngayon lang iyan.

Mamaya niyan ay wala na naman at ang ingay ingay na naman. Nasanay na lang ako sa kanya.

Pero pag nag seseryoso siya, he's always making sense. But it's rare.

Sa ilang beses kaming nag kasama noong bakasyon, isa o dalawang beses lang ata siya nag seryoso.

"You better treat me on a restaurant after this." Sabi nito, tunog pagtatampo pa rin kaya napangiwi ako.

"May pagkain doon."

"I prefer restaurants."

"Ang arte mo!" Pagtataray ko dito.

Hindi naman siya sumagot dahil nakarating na kami sa simbahan. Hihintayin lang kami ni Kuya Ian dahil mabilis lang naman ito.

And pupunta pa kami sa bahay nina Trisha.

Nang makalabas kami ng sasakyan ay naglahad ito ng kamay. Napaikot ang mata ko, lalampasan sana siya when he talked.

"Spread the word, remember?"

"As if people will know immediately that we'll be engaged." Inabot ko ang nakalahad na kamay niya kahit kabaliktaran ang sinasabi ko.

"We're already engaged."

"May singsing ka?" Sarcastic na sabi ko.

He smirked, "Are you telling me to propose right now?"

Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang may kinuha sa bulsa. Nang makita iyon ay isang red na box.

Kinabahan ako dahil doon kaya bigla ko siyang hinila papasok!

"Don't you dare, Jaylen!" Pikon na bulong ko dito. Not wanting to make a scene.

He laughed, "Singsing nga to. Inabot nina Mom, isuot daw natin ngayon."

"Really, in front of the altar pa talaga?" Masama ang tingin ko sa kanya.

Minsan ay nakakangalay na nga eh dahil matangkad siya. Abot labi niya lang ako!

"Doon rin naman bagsak natin." Nakangisi nitong sabi kaya napairap ako.

He pulled me to the side, lumabas muna kami doon para walang tao.

"Oh," abot nito.

"Bakit ako ang magsusuot?" Inis na sabi ko dito.

Grabe, mas stress pa ako sa kanya kesa sa college life ko! Para akong kumakausap at nag aalaga ng bata!

Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon