Chapter 34

4K 85 12
                                    


---

Hindi ako nakapagsalita dahil sa tanong niya. Hindi naman sa gusto kong mawala siya sa buhay ko pero kailangan!

We can't be together, at iyon lang ang naisip kong paraan para mapalayo kami sa isa't isa!

"So everything's already planned out huh?" Sarcastic nitong sabi.

I closed my eyes at inayos ang pagkakasandal sa headboard ng kama.

"Just... that one." I admitted.

Totoo naman, iyon lang naman ang plinano ko, everything after that were all vagaries.

Ang unexpected na magkikita ulit kami pagkatapos non. Especially since I'm thinking he's in Iceland. All my actions and words just came out of me without me thinking about it.

"Sa Korea pa lang, plinano mo na iyon?" Paninigurado nito na parang hindi narinig ang sinabi ko.

"Yes," I whispered.

Natahimik siya, kami. No one dared to talk. Hindi ko minulat ang mata ko at hinayaan lang ang sarili na pakiramdaman ang mga galaw niya.

"Why?" Tanong nito kaya napamulat ako. I looked at him and found him staring intently at me. "Bakit, Shiarre?"

Napatiim bagang ako ng marinig ang Shiarre. Maging iyon ay nagbago na rin, huh? Hindi ako sanay, siguro sa mga susunod na araw ay masasanay rin na ako.

"Because I'm getting married."

He raised me a brow, "Yes, to me."

"I'm not referring to right now. Before, kay Jaylen! Good thing he was successful with his plan."

"If he wasn't?"

"Matagal na sana kaming kasal."

I saw him gulped. He then fixed his position, ngayon ay nahiga na sa kama.

"Goodnight." Mahinang sabi nito at tumalikod na.

I bit my lips while looking at his back. Umayos na rin ako ng higa at pinatay ang tv gamit ang remote na ibinigay niya kanina.

Tumalikod ako sa kanya, preparing to sleep but I can't. Matagal lang akong tulala sa kung ano ang nasa harapan ko. I sighed.

I turned around, hindi ko maiwasang magulat ng makita si Dirv na nakaharap na sakin, mukhang nakatitig rin sa likod ko. Ni hindi ko man lang naramdaman ang paggalaw niya?

I blinked a lot of times before reaching for a pillow. I hugged it before placing my head over it.

Hindi siya umiwas ng tingin, hindi ko tuloy alam kung iikot ulit ako para hindi siya makita or pipikit nalang. Ang awkward!

I hugged the pillow tighter, inilalabas doon ang stress na nararamdaman at ibinaon ang mukha doon.

I sighed before closing my eyes.

I felt him fix our blanket. Mukhang naglagay rin ito ng pillow sa malapit kaya napamulat ako.

I furrowed my brows when I saw two pillows near me.

"If you want something to hug." Sagot nito ng makita ang reaksyon ko.

"One's enough."

"Okay," he shrugged before getting the pillow again.

Siya na lang ang yumakap non, ang isa ay inilagay niya sa uluhan.

"Matulog ka na." I told him.

"I'm not yet sleepy."

"But you already said goodnight." I raised him a brow.

"Goodnight ang sinabi ko hindi matutulog na ako."

Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon