---"What are you talking about?" Nakangiwi kong sabi.
Soccer his ass. Baka madapa lang ako jan tapos pagtawanan pa ko, kawawa naman dignity ko!
"Wala, sabi ko sipain mo pa ko. Sige lang, tutal ito lang naman ako, ganto lang yung paa ko, sinisipa sipa mo lang Emiliana." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito.
I then looked at him in disbelief. What the hell is he saying, god. Nababaliw na siya!
"Abnoy." Nasabi ko nalang bago binitawan na ang bag at nauna na sa paglalakad.
Bahala siya magdala niyan kung gusto niya.
"Bawal na pala ako magdrama? Sige, ayos lang. Ako lang naman ka—"
Napatigil siya sa paglalakad ng bigla akong humarap sakanya at ilapat ang palad sa bibig niya.
Dalawang palad ko ang nakalagay doon. Ramdam ko rin ang lambot ng labi niya na priness ko. Kitang kita ko pa ang panlalaki ng mata nito. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi bagay sayo kaya tumigil tigil ka." Banta ko bago siya binitawan.
"Grabe, malinis ba yang kamay mo, Emiliana." Nakangiwi nitong sabi at pinatong pa ang siko sa balikat ko bago mag simulang maglakad.
"Ano ba, nakikiliti ako." Medyo natili na sabi ko dahil nakikiliti sa siko niya. Inalis ko pa ang siko niya sa balikat ko.
"Saan tayo kakain?" Tanong nito, ngayon ay nakapamulsa na. Nasa kanya pa rin bag ko.
Pink iyon, ang bag niya gray.
"Ayoko nga kasing sumama." Sabi ko dito kaya tinaasan niya ako ng kilay.
"Wala kang choice." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi nito. "Samgyup tayo."
"Ayoko."
"Bahala ka, di mo makukuha bag mo." Sumama ang mukha ko dahil sa sinabi nito.
"Are you threatening me?" Nakataas kilay kong sabi.
He looked at me and raised a brow, he also smirked kaya napairap ako.
"Why, do you feel threatened my Emiliana?" Pang aasar nito.
"Not really," nakangisi kong sabi. Kahit medyo oo.
"Hmm, top 1 lang naman target kong kunin, don't worry."
"As if you'll get that."
"We'll see,"
Napangiwi nalang ako. We'll see ka jan, I won't let you!
Hindi pwedeng hindi ako ang top 1 or else I'm really really dead.
Gaya nung mga nakaraang araw, nayaya niya na naman akong kumain sa labas! Kainis, lagi nalang niya akong nahihila kung saan saan.
It's either we'll talk about our investigatory project or he'll get my bag and bring it. Tapos wala akong choice kundi sumama!
"G na ba samgyup?" Napairap nalang ako sa sinabi nito.
Dun naman na kami papunta bakit nagtatanong pa siya. It's just nearby, konting lakad lang.
Hindi ko siya sinagot kaya nilingon niya ako. Tinaasan niya ako ng kilay, expecting an answer. Napabuntong hininga nalang ako.
"G," maikling sabi ko.
Napanguso siya and looked at me as if he's amazed. "G? May natututunan ka na sa akin ha."
Nginiwian ko siya, "I have nothing to learn from you."
![](https://img.wattpad.com/cover/305998797-288-k459351.jpg)
BINABASA MO ANG
Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)
RomanceShiarre Emiliana Ortega is a girl who only follows her parents, she doesn't complain because she doesn't find the need to. Until Drake Irvin Lardizabal entered her life. But it's too late, she knows for a fact that things are complicated for the bot...