Chapter 20

3.7K 83 46
                                    


---

Marami pa kaming activities na pinagkaabalahan sa lugar.  Mostly water activities. We're already on our last week here in Jeju. Ngayon ay nasa loob kami ng submarine. We're gonna explore the abundant marine species in its natural habitat.

We'll spend the whole day on this pero hindi buong araw kaming nasa submarine.  The students will have their own schedules when getting in.

Kaming lima ang magkakasama dahil dinepende ang pag schedule at mga kasama sa kung sino ang kasama mo sa bahay.

By five lang rin kasi ang pwede sa submarine kaya sakto.

It looks so amazing nga eh. Ramdam ko na agad ang kagandahan habang papababa palang. Nakatingin lang ako sa may bintana sa tapat ko, ganon rin si Dirv na katabi ko sa upuan kaya hindi maiwasan ang pagka kalapit ng mga mukha namin.

Hindi rin ako makaiwas at makalayo dahil may sandalan ang upuan. Nakadikit na doon ang likod ng ulo ko.

Sa kaiisip ng pagkakalapit ng mga mukha namin ay nalipat tuloy doon ang tingin ko. I gulped.

Ang lapit nga talaga and in this angle, ang ganda tignan ng mukha niya. Ang ganda tignan ng ilong niya!

May bump kasi sa taas. Hindi ko maiwasang maamaze. It suits him so much.

Napasinghap ako ng bigla itong lumingon sakin. Now our face are just an inch away. Napaawang ang labi nito, mukhang nagulat na nakatitig ako.

His eyes trailed down to my features. Napalunok ito ng mapunta sa labi ko ang tingin.

I blinked a few times before looking away and sa bintana na lang tumingin. Siya naman ay napaayos ng upo at natahimik.

Hindi ko siya magawang lingunin dahil hindi ko maiwasang mahiya lalo na nung nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

Now, I can't help but wonder what's going on in his mind right now. Alam kong he's getting confused with my actions towards him pero hindi siya nagtatanong.

Hindi ko maiwasang masaktan para sa kanya. I feel so sorry for confusing him. Ayaw ko man gawin at parang nagdadalawang isip na rin akong ipatuloy ang ginagawa ay minsan hindi ko na rin maiwasan.

Parang nagkukusa nalang rin ang katawan ko gawin ang mga bagay bagay. And I know that's what's confusing him. Mataray ako sa kanya pero ang katawan ko, nagiging clingy .

Napa buntong hininga ako.

Unti unti ay may mga nakikita na kaming magagandang bagay na nasa ilalim ng tubig.

Napangiti ako ng makita ang napakaraming isda na sumisilip sa bintana, facing me. Napa kurap kurap ako habang nakikipag titigan sa mga ito.

Habang mas tumatagal ay hindi ko na maiwasang maweirdan sa mga ito. Napaiwas tuloy ako ng tingin.

Nang tingnan ko si Dirv ay naabutan ko ito nakatingin sakin at parang pinagmamasdan ako.

"You want to look?" I asked.

"Nakikita ko naman dito."

"Ang layo ng pwesto mo."

He scrunched his nose before leaning to the window. Ang kamay niya ay nasa gilid ng bewang ko at doon naka tungkod iyon para hindi siya dumiretso sa bintana pag may sudden movement.

Yung isa naman ay nakapatong sa may bintana at nakapangalumbaba siya. He was also staring at the fishes na ngayon ay unti unti nang nag sisialisan sa pwesto namin.

This time I can see corals from outside too. Ang gaganda. may ma pink, orange, red, ang dami at iba iba ang kulay.

Habang papalayo kami ng papalayo ay hindi ko maiwasang magandahan lalo sa lugar, nakaawang na ang mga labi ko habang pinagmamasdan ang iba't ibang klase ng isda na lumalangoy rin.

Vagary Demeanor (T.R.A.V.E.L SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon