CERA
I was talking to my friends when the electricity suddenly turned off. Brownout pa ata. I opened the flashlight of my phone immediately. Bakit naman biglang nagbbrownout? At wala bang generator dito sa condo?
"Bad trip naman," I said to myself. Gabi pa naman na at mag-aaral ako maya-maya.
I heard a loud thud from our room. The next thing I heard was Mikael shouting.
"Mikael?!"
Tumakbo ako papunta sa kwarto. Mabuti na lang at wala masyadong gamit ang nakaharang sa daan. Nagulat ako nang makita ko siyang nakahiga sa sahig at naiyak. Sa tabi niya ay ang basag na lampshade namin.
Lumapit ako sa kaniya. I kept on shaking him. Marahan ko siyang pinaupo. "Mikael!"
"Madilim..." he cried. "L-Lola... wag..."
"Mikael! Mikael!" I lightly tapped his cheeks. Patuloy lang siya sa pag-iyak.
"It's dark here... Lola... please..." Hinahabol niya ang paghinga niya habang naiyak.
"Mikael." Buong lakas ko siyang tinulungan tumayo at pinaupo ko siya sa kama. Madali kong kinuha ang malaking flashlight na nasa closet namin.
"No... Lola... M-Masakit..." he kept on repeating the same words.
When the light hit his hands, I saw that it's bleeding. Sigurado akong dahil ito sa bubog ng lampshade.
"Mikael, si Cera 'to. May sugat ka," sabi ko sa kaniya.
"S-Sugat?" he asked. Kitang-kita ko ang pagpatak ng luha niya at ang namamaga niyang mata. Fear and pain are also evident in his eyes.
BINABASA MO ANG
Unang Sayaw (UPD Series #1)
Romance[UNEDITED] As their families agreed, Mikael and Cera, the top students of UP Diliman, are bound to marry each other after college. And as Cera tried to stop the agreement, Mikael came up with a deal that they both agreed. If they would not fall in...