Happy 1st anniversary, Unang Sayaw!
This is for you.
Sophia Ivory Nolasco
What's good about being a 20-year-old? A lot.
Now that I am 20 years old, I can do more things independently. Hindi na rin gaano kahigpit sa akin si Dad. They let me explore the world more.
"Ivory, let's eat," sabi sa akin ni Mom.
"Wait lang po!" sabi ko at inayos ang mga gamit ko. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba. I saw my parents on the dining area. Nag-uusap sila habang nilalagyan ni Dad ng tubig ang baso ni Mom.
Dad's phone suddenly rang. Kinuha niya ito at tumayo para sagutin ang tawag. Iniwan niya si Mom sa dining area mag-isa kaya naman sinamahan ko na si Mom.
"Work?" Mom asked when Dad came back. Umupo siya sa upuan niya.
"Yes," simpleng sagot ni Dad. Tumingin siya sa akin. "Maupo ka na."
Tumango ako at sinunod siya. We all settled and started eating our dinner peacefully. Walang ibang nagsasalita sa amin. Binabalot kami ng katahimikan at hindi ako sanay. I cleared my throat and I was about to speak when my dad said, "Flynn is planning a vacation."
"Vacation? Kayo-kayo lang?" Mom asked.
"No, for all of us," Dad answered. "This weekend ata. Kanina lang niya sinabi. Can you leave your work?"
"Of course, I can. Minsan na lang naman tayo magkakasama."
"Kasama po mga anak?" I asked. Sabay silang napatingin sa akin.
Dad chuckled. "Oo naman. Makikita mo na ulit si Romeo."
"Dad!"
"Bakit?" he laughed. "Papuntahin mo na yon dito at umakyat na siya ng ligaw. Ang tagal niya baka maunahan siya."
"Mom, si Dad oh!"
BINABASA MO ANG
Unang Sayaw (UPD Series #1)
Romance[UNEDITED] As their families agreed, Mikael and Cera, the top students of UP Diliman, are bound to marry each other after college. And as Cera tried to stop the agreement, Mikael came up with a deal that they both agreed. If they would not fall in...