Chapter 11

62 1 0
                                    



MIKAEL




Tito Joseph messaged me earlier. Kinamusta niya sa akin si Cera at kung pwede raw ba siyang pumunta dito habang natutulog pa si Cera. Sinilip lang talaga ni Tito ang anak niya tapos umalis na rin siya agad. After a few minutes, she woke up.





"Good morning," I greeted her. "Let's eat."




"Wala akong gana," sabi niya at uminom ng tubig. Naglakad siya papunta sa living area at naupo sa sofa.




"You need to eat. Tara na, nagluto ako."




"I said, wala akong gana." Sumandal siya sa upuan at nagsimulang magcellphone.




I sighed. "Okay. Marami tayong pagkain dito. Kumuha ka na lang pag nagutom ka."




Pumunta na ako sa kwarto at nahiga. Mabuti na lang at Sabado ngayon at wala rin pinapagawa sa school. I still haven't gotten a proper sleep since last night. Pinanood ko lang si Cera na matulog.




I closed my eyes and after a few minutes, I fell asleep. Nagising lang ako dahil nakarinig ako ng tunog na may nabasag.




"Miel?" Tumayo ako at lumabas. I went to the living area and I saw her holding a piece of broken glass.




"Miel!" I ran towards her. Dahan-dahan kong kinuha sa kamay niya ang bubog at tinapon ito.




"What are you doing?" I asked. Marahan kong hinawakan ang braso niya at pinaupo siya sa sofa.




Nilinis ko ang mga bubog na nasa sahig pa. Nang matapos ay lumapit ako sa kaniya. I squatted to be on the same level as her.




It's the same expressionless face again. "Cera—"

Unang Sayaw (UPD Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon