CHAPTER 1: 'TIL WE MEET AGAIN

18 0 0
                                    

Tahimik akong kumakain ngayon kasama ang pamilya ko.

"Sa Canada kayo magpapatuloy ng pag-aaral niyo," ani ni papa. Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Tapos na final exam namin at malapit na rin ang closing namin.

"Sasama kayo sa papa niyo dun," wika ni mama. Tumango lang ako bilang sagot. May bagong negosyo kasi kami sa Canada.

Aalis kami ng Pilipinas. Ibig sabihin nito hindi ko na ulit makikita si Roven! Binilisan ko ang pagkain ko at pagkatapos ay tumayo na. Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko. Aamin na talaga ako bukas. Ayokong umalis na hindi man lang niya alam yung nararadaman ko. Pinaghandaan ko ang lahat ng sasabihin ko bukas. Medyo kinakabahan ako, knowing na masungit si Roven. Baka hindi na talaga ako pansinin non habang buhay! Huminga ako nang malalim at sinubukang matulog.

Maaga akong nagising. Nagmamadali akong naligo at nagbihis ng magandang damit. Dapat presentable ako no. Bumaba na ako at dumiretsong lumabas ng bahay. Tumakbo ako papunta kina Roven. 7 am pa lang ngayon at mukhang kakagising pa lang ata nila.

"Ate Emily, gising na po ba si Roven?" tanong ko sa katulong nila.

"Opo, tawagin ko lang," sagot nito at pumasok sa loob ng bahay ni Roven.

"Sir Roven! Hinahanap ka po ni Ma'am Raven!" rinig kong sigaw ni Ate Emily. Ang pormal naman nila masyado.

Nakita kong lumabas si Roven sa kanilang bahay. Halata sa mata niya na kakagising niya pa lang. Ang cute!

"Anong kailangan mo?" malamig na tanong niya sa'kin.

"M-May sasabihin s-sana ako," nauutal kong sagot. Tinaas niya ang isang kilay niya.

"Ano kasi.... matagal na akong may gusto sayo," nahihiyang ani ko. Tinitigan ko ang mukha niya. Hindi man lang siya nagulat.

"Umuwi ka na," malamig na ani nito.

"Roven, gusto kita! Gusto ko lang tong sabihin sayo kasi-"

"Umuwi ka na!" nagulat ako sa sigaw niya.

"A-Ayaw mo ba sakin? Galit ka ba?" sunod-sunod kong tanong.

"Raven, you're not my type. Matatangkad, mapuputi, payat, at magaganda ang tipo ko. Look at yourself. Ang layo mo dun," wika niya at tinitigan ako na para bang nangdidiri sa'kin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Ang sabi ni Klaide maganda ako. Nagsisinungaling ba ang bestfriend ko?

Naiiyak akong umiling. Tinalikuran ko siya at tumakbo pauwi. Umakyat agad ako sa kwarto ko. Ansakit!

Simula ng araw na yun hindi na ulit ako lumabas ng bahay namin. Nirequest ko na rin sina mama at papa na huwag na kaming umattend sa closing namin. Pumayag din naman sila.

"Raven! Bilisan mo diyan! Mahuhuli na tayo sa flight!" sigaw ni Kuya Race sa labas. Ngayon ang flight namin papuntang Canada. Huminga akong malalim at kinuha ang mga gamit ko.

Bumaba na ako at bumungad sa'kin ang nakangiting Klaide. Tinulungan niya akong dalhin ang mga gamit ko. Lumabas kami at sumakay sa sasakyan. Sumama na rin si Klaide dahil gusto niya.

Pagdating namin sa airport ay nagsimula ng maiyak si mama. Sila nalang kasi ni Riva, bunso namin, ang maiiwan dito sa Pilipinas.

"Mag-iingat kayo dun ha?" wika ni mama habang umiiyak. Niyakap siya ni papa.

"Dapat pagbalik ko dito, hindi ka pa rin nagbago Klaide. Ikaw pa rin yung Klaide na kilala ko," nakangiting ani ko kay Klaide. Hindi alam ni Klaide ang nangyaring pag-amin ko kay Roven. Masakit pa rin. Para bang pinapahiwatig niya sa'kin na hindi ako maganda.

"Oo naman," wika niya.

"Promise?" nakapout kong tanong.

Ginulo niya ang buhok ko,"I promise," natatawa niyang sagot. Mamimiss ko yung dimple niya.

"Tara na," ani ni papa. Tinalikuran na namin sila at naglakad na. Mamimiss ko talaga sila. Mabuti nalang din at medyo lumayo-layo ako. Gusto kong magmove on kay Roven kahit hindi naman naging kami. Ang sakit nung mga sinabi niya sa'kin.

Liningon ko ulit sila mama. Kumaway sila sa'kin. Napangiti ako. Asahan niyo pagbalik ko, ibang Raven na ang sasalubong sainyo lalo ka na Roven. Mapait akong napangiti.

'Til we meet again, Roven.

ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon