Nandito kami ngayon sa isang 5 star hotel. Dito raw kami magbibihis para sa kasal ko bukas.
"Owemji! Di pa rin ako makapaniwala! Kaya pala bigla kayong nawala ni Roven nung gabing yun kasi may ginagawa na kayong milagro!" tili ni Myne.
Walang filter talaga 'tong bunganga ng babaeng 'to.
"May tanong ako," seryosong wika ni Vivian.
Bigla akong kinabahan. "A-Ano yun?".
"Malaki ba?" tanong niya. Bigla namang nagsitawanan sina Myne at Kylie.
Jusq!
Tumayo ako,"magpapahangin lang ako saglit," ani ko.
"Naiinitan ka?" pilyong tanong ni Kylie. Takte talaga 'tong mga 'to.
Iniripan ko sila at lumabas na ng kwarto. Alam kong pinapagaan lang nila ang loob ko. Kanina ko pa hinahanap si Roven. Asan kaya yun? Galit ba siya sa'kin dahil pwersahan siyang ikakasal sa'kin?
Sinibukan kong kumbinhisin si papa na iurong ang kasal pero ayaw niya patinag.
"R-Roven, ayaw ko na!" sigaw ng isang babae sa di kalayuan.
Sinundan ko ang boses nito. Nakita ko sina Roven at Zariyah na nag-uusap. Nagtago agad ako.
"Z-Zariyah please," nanginginig na wika ni Roven.
"Ikakasal ka na! Kalimutan mo nalang ako! May nangyari sainyo, Roven! Akala ko ba mahal mo ako?! Pero ba-"
"Lasing kami nun! Hindi ko yun sinasadya! Please Zariyah, don't leave me! Mahal kita!" para akong tinusok ng isang daang karayom.
"N-No. Kung mahal mo ako sana hindi mo yung ginawa!" sigaw uli ni Zariyah.
"Fuck! Sana pinahid ko nalang yun sa dingding!" sigaw ni Roven. Humagulhol na ako.
"Zariyah, pwede ko silang takbuhan. Mangingibang bansa tayo," mahinahong dagdag niya.
"No. Anak mo ang dinadala ni Raven. Kung gusto mong balikan kita, dapat wala na yung bata," wika ni Zariyah.
Bigla akong nanlamig. Sinapo ko ang tiyan ko. Papatayin nila ang anak ko? Sinilip ko ulit sila. Dahan-dahang pinahid ni Roven ang mga luha ni Zariyah.
"Gagawin ko lahat ng gusto mo," aniya.
Pinunu ng galit ang puso ko. Tumakbo ako pabalik ng kwarto. Mabuti nalang at tulog na ang mga kaibigan ko.
Wala akong tulog at nakasimangot lang. Ayokong ngumiti. Sinong tao ang matutuwang ikasal sa isang demonyo?
"Ba't nakasimangot ang bride na'tin ngayon?" tanong ng make-up artist ko.
Today is the day, ikakasal na ako sa demonyong yun.
"Pupunta na sa simbahan!" may sumigaw sa labas.
Dahan-dahan akong tumayo. Ang haba ng wedding gown ko. Nakasimangot lang ako papuntang simbahan. Pagpasok ko nakita ko na agad na umiiyak na sila. Naglakad ako sa aisle kasama si papa. Pagdating naman sa harap ay tinapik niya si Roven na nakasimangot din.
Napatingin ako sa paligid. Walang kulay, hindi masaya. Umiiyak nga sila pero hindi dahil sa saya. Nakita ko si Zariyah na umiiyak habang niyayakap ng ina ni Roven. Napatingin din ako kay Roven. Walang emosyon ang mga mata niya. Kinawayan ako ng mga kaibigan ko kaya napalingon ako sa kanila. Nagthumbs up sila sa'kin. Si Myne ay naghulma pa ng smiley face.
Sobrang lungkot ng paligid. Hindi nagpakita si Klaide kaya mas lalo lumungkot. Alam kong siya ang lubos na nasaktan sa'ming magkakaibigan. Siya yung taga-protekta sa'min. Siya yung kuya sa grupo namin. Alam kong ayaw niya rin akong makasal kay Roven. He may knew that I used to like Roven before, but he also knew that I will not be happy in the future with Roven.
Nagsimula ang seremonya. Para akong robot na walang buhay. Well, si Roven din naman. This isn't my dream wedding.
![](https://img.wattpad.com/cover/311134756-288-k20241.jpg)
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)
RomanceRaven's young heart fell in love with a boy younger than her. After she confessed her feelings,she was immediately rejected. To move on, Raven left. But when she came back, an accident happened that will change Raven's life. A life that she never wa...