CHAPTER 13: SINUNGALING

17 0 0
                                    

6:30 pm na at wala pa rin si Roven. Naisipan kong balikan ang niluluto para pagdating niya ay handa na ito. Habang chinecheck ko it, may biglang nagtext. Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ito.

KYLIE:

I saw Roven with Zariyah kanina sa isang restaurant. Seriously?! Alam niyang kasal na yung tao makikipagkita pa siya dito?!

Huminga ako nang malalim. Well, wala naman akong magagawa diyan. Siya yung mahal ni Roven. Kinuha ko ang niluto ko at tinapon ito sa basurahan. May nagtext ulit, agad ko itong binasa.

KLAIDE:

Where are you? Dinner tayo?

Napangiti ako. At least nandito siya.

ME:

Sure. Sunduin mo ako please

KLAIDE:

HAHAHA of course. Anong gusto mong kainin?

Bigla akong natakam. Gusto kong kumain ng barbeque.

ME:

Barbeque:>

KLAIDE:

Magbihis ka na. Malapit na ako.

Tumakbo ako papuntang kwarto at agad nagbihis. May bumusina sa labas, alam kong si Klaide yun. Literal na malapit lang talaga siya. Lumabas ako ng bahay. Hindi na ako nagdala ng pera. Malabangko 'tong kasama ko.

"Hindi ba magagalit yung asawa mo?" biro niya sa'kin nung nakalapit na ako sa kanya.

"Wala siya dito. May date," ani ko at tumawa. Kumot ang noo niya.

Hinila ko siya," Halika na. Gutom na ako, libre mo ha,".

"Lagi naman ei," aniya at tumawa.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at sumakay na ako. Umikot siya at sumakay na sa driver's seat.

"May alam akong masarap na kalenderya," wika niya ,"Magugustuhan mo dun," dagdag pa niya.

"Kahit saan na, bilisan mo lang kasi gutom na ako," sabi ko.

"Oo na, buntis," ginulo niya ang buhok ko at tumawa.

Pinaandar niya ang sasakyan. Mabilis kaming nakarating sa sinabi niyang lugar. Medyo malapit lang kasi ito sa'min. Naunang lumabas si Klaide. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Lumabas ako at agad akong inakbayan ni Klaide.

"Klaide!" isang matandang babae ang sumalubong sa'min.

"Manang Felisha," wika ni Klaide at niyakap niya ang matanda.

"Buti nalang at naisipan mo ulit dumalaw dito," sabi nung matanda.

"May kasama po kasi akong gustong lumamon ng barbeque," biro ni Klaide at inakbayan ulit ako.

Pinasadahan ako nang tingin ng matanda. Ngumiti siya sa'kin.

"Ito ba si Raven?" pilyong tanong nung matanda.

"Manang naman!" saway naman ni Klaide. Tumawa ang matanda at tumingin ulit sa'kin.

"Pagkagandang dalaga," aniya at iniwan kami.

"Sabi ko naman sayo na maganda ako,"pagmamalaki ko. Inirapan lang ako ni Klaide. Bakla!

"Upo tayo," wika ni Klaide at ginaya ako sa isang lamesang may dalawang upuan.

Umupo ako at umupo rin siya sa harapan ko.  Lumapit ulit yung matanda sa'min.

"Manang, yung paborito ko po. At tyaka sampung isaw," ani ni Klaide.

Napangiti ako. Alam talaga ni Klaide kung anong paborito ko.

"Sige, maghintay lang kayo. Sanay ka naman diyan Klaide, diba?" biro ulit nung matanda.

"Ang dami mo pong alam," aniya at tumawa silang dalawa.

May nagtext bigla. Kinuha ko ito at binasa. Sunod-sunod na text galing kay Roven.

ROVEN:

Where the hell are you?!

ROVEN:

Bakit mo tinapon yung pagkain?

ROVEN:

Nasaan ka , Raven? Damn it! Diba sabi ko sayong wag kang aalis ng bahay?

Pinatay ko ang cellphone ko. Mahirap na baka tumawag pa yun.

Lumapit ulit yung matanda at may dala na itong pagkain. Inilapag niya ito sa lamesa. Parang nabuhay lahat ng bulate sa tiyan ko. Kinuha ko agad ang isaw at kinain ito.

"Dahan-dahan lang iha baka mabilaukan ka," wika nung matanda. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nagsimula na ring kumain si Klaide. Panay sulyap niya sa'kin at tawa. Ewan ko ba sa moklong 'to, parang may saltik. Dumighay ako nang malakas.

"Sorry hehe," ani ko. Uminom ako ng tubig. Busog na ako. Ang dami ko nang nakain. Tapos na ring kumain si Klaide.

"Alis na tayo? 7:30 na baka hinahanap ka na," wika niya. Tumango nalang ako.

Alam kong kanina pa tumatawag si Roven sa'kin ngunit nakapatay yung cellphone. Naunang tumayo si Klaide at sumunod naman ako. As usual, siya yung nagbayad. Naglakad kami patungong sasakyan niya. Pinagbuksan ulit niya ako ng pintuan.

"Salamat nga pala, Klaide," wika ko.

"Wala yun," aniya. Pumasok na ako. Sinarado niya ang pintuan at umikot na. Pumasok siya at umupo sa driver's seat.

Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Nauna ulit siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pintuan. Lumabas na ako.

"Next time ulit," aniya.

"Sige ba! Basta libre mo," biro ko.

"Lagi naman ei," may tumikhim sa likuran ko.

Nakita ko si Roven na nakasandal sa pintuan namin. Nag-aalab ang mga mata niya at nakaigting ang panga.

"Mauna na ako. Galit na yung asawa mo," bulong sa'kin ni Klaide at tumawa. Tinampal ko yung braso niya.

Sumakay siya sa sasakyan niya at pinaharurut na ito. Dahan-dahan akong naglakad patungo kay Roven na galit na galit. Nakatitig lang siya sa'kin. Para siyang halimaw na handa akong atakihin ano mang oras.

"San kayo galing?" tanong nito. Nilagpasan ko lang siya at pumasok na sa bahay.

"Kinakausap kita, Raven," may diing sabi niya.

"K-Kumain lang," sagot ko.

Hinila niya ako at hinarap sa kanya.

"Diba sabi ko sayo na huwag kang aalis ng bahay? Tas tinapon mo pa yung pagkain," may diing sabi niya.

"Nagugutom ako. Kaya sumama ako kay Klaide," ani ko.

"Buntis ka na nga, naglalandi ka pa," wika nito.

Para akong sinaksak ng isang libo sa sinabi niya. Ako pa ngayon ang naglalandi?! Isang malakas na sampal ang dumapi sa mukha niya.

"Huwag mo akong matawag-tawag na malandi! Bakit? San ka ba galing ha? Diba kasama mo rin naman si Zariyah, nagreklamo ba ako?!" sigaw ko na ikinagulat niya.

"Tyaka wala kang pakialam kong saan ako magpupunta," dagdag ko pa.

"Asawa kita kaya dapat kong malaman," aniya.

"Asawa mo nga ako pero ang tanong, mahal mo ba ako?" bigla siyang natahimik sa tanong ko.

Unti-unti nang namumuo ang luha sa'king mga mata. Raven, huwag kang iiyak!

"Hindi, diba? Pwersahan lang tayong pinakasal, Roven. Pananagutan lang natin tong bata. Malaya nating gagawin lahat ng gusto natin, tutal hindi naman natin mahal ang isa't-isa," wika ko at tinalikuran siya.

Pumasok ako sa kwarto at tuluyan ng umiyak. Napakasinungaling mo, Raven.

ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon