"Sa right side ka matutulog habang ako naman sa kabila," wika ni Roven pagkalabas niya ng banyo.
Katatapos lang ng kasal namin. Binilhan kami ng bahay nina mama. Wedding gift daw nila ito sa'min.
"Sa kabilang kwarto na ako matutulog," kumento ko.
Ayaw kong tumabi sa kanya. Pagkatapos kong marinig ang usapan nila Zariyah ay agad akong nawalan ng tiwala. Baka bigla niya akong sakalin habang natutulog ako.
Aakmang lalabas na sana ako ng kwarto nang biglang hinigit niya ang kamay ko.
"Mag-asawa na tayo kaya dapat tayong magkatabi. Alam kong hindi mo rin ito ginusto pero kailangan natin 'tong tanggapin," aniya.
Lumunok ako at dahan-dahang tumango. Humiga ako sa kama at tinalikuran siya.
Pinagdarasal ko nalang na walang masamang mangyayari sa anak ko habang tulog ako.
Kinabukasan ay nagising ako at tumakbo agad ng banyo. Halos nasuka ko lahat ng kinain ko kagabi. Napasapo ako sa tiyan ko. Buti nalang at walang masamang nangyari sa'min kagabi. Nanghilamos ako at nagtungong kusina. Buti nalang at marunong akong magluto.
While cooking, I feel sudden movement behind me.
"Morning," Roven greeted me with his cold eyes. He's now wearing a black plain t'shirt and a gray fitted-jeans.
I smiled at him in respond.
"Mauna na ako," aniya.
"Hindi ka ba kakain?" tanong ko.
"Hindi na," tinalikuran na niya ako at tuluyan ng umalis.
Inubos ko lahat ng niluto ko. Pero walang kwenta lahat ng kinain ko dahil sinuka ko lang lahat. Umupo ako sa sofa at nanood ng tv. Wala akong magawa hanggang sa humapon na. Nakakainip!
Bigla akong natakam dahil sa chocolates na pinalabas sa tv. Naglalaway na talaga ako. Tinext ko si Roven pag-uwi niya. Ayos lang naman siguro sa kanya, diba?
ROVEN
: I'm busy. Lumabas ka nalang at bumili ka mag-isa.
Parang dinurog ang puso ko dahil sa reply niya. Napakasama niya talaga! Humiga ako sa sofa at naiiyak na. Ayokong lumabas! Napagpasya akong magpost sa facebook baka mapansin ng mga kaibigan ko at bilhan nila ako.
CRAVING FOR CHOCOLATES
Myne: I'm sorry, Raven pero may lakad kami ngayon ei. Promise bukas dadalhan kita ng chocolates, okay?
Kylie: Raven, I'm really sorry busy ako ngayon sa trabaho. Pero padadalhan din kita bukas.
Vivian: Omooo! Nandito kami ngayon sa probensya nina lolo. Pero pag-uwi ko I promise, dadalhan kita ng pasalubong.
Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Feeling ko naging pabigat ako sa mga kaibigan ko. Ang sabi nila, kapag hindi raw nakuha ang gusto ng buntis makukunan daw ito. Umiyak na talaga ako ng tuluyan.
Tumigil ako sa pag-iyak dahil may nagdoorbell. Dahan-dahan kung pinunasan ang mga luha ko at bumangon na. Magiging balwena na ata ako kakahiga ei. Nagtungo akong pintuan at binuksan ito. May agad bumungad sa'kin.
A man standing in front of me carrying a box of chocolates. Biglang gumaan ang pakiramdam ko.
I smiled. Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya.
"Klaide"
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)
RomanceRaven's young heart fell in love with a boy younger than her. After she confessed her feelings,she was immediately rejected. To move on, Raven left. But when she came back, an accident happened that will change Raven's life. A life that she never wa...