CHAPTER 22: FUN

12 0 0
                                    

Nakapikit ang mga mata ko pero pakiramdam ko may nakatitig sa'kin. Dahan-dahan akong dumilat. Napabalikwas ako nang bangon. Roven's staring at me. Chineck ko ang mukha baka may muta.

"Ang tagal mong gumising," aniya.

Napatingin ako sa orasan. It's already 11:30 am.

"Maligo kana't magbihis. May bata diyan sa loob ng tiyan kaya kumain ka na," dagdag pa niya.

Mabilis akong nagtungo sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako. Nagsuot ako ng simple above the knee white dress. Lumabas ako at nadatnan ko si Roven na nakatayo bitbit ang iilang bag.

"Ba't ang daming bag?" tanong ko.

"We're going somewhere. Don't worry I already packed your things, señora," he answered and smirked.

"May trabaho tayo bukas," ani ko.

"Nagleave muna ako ng three days. Huwag ka munang pumasok sa trabaho. Nangako ako sayo na babawi ako,"

"Okay. Bayaran mo ako, sayang yung three days,".

"Mukha kang piso,"

Tsk! Nagtungo akong kusina at kumain.

"Damihan at bilisan mong kumain. Malayo ang pupuntahan natin," wika pa niya.

Binilisan ko ang pagkain. Halos lumubo na ang pisnge ko dahil sa dami. I heard Roven chuckled. Kinuha niya ang cellphone niya and he took a picture of me.

"You look like a hamster," he laughed.

I stopped eating. This is the first time I saw him laughing. Seryoso kasi siya lagi. Tumayo na ako. Aakmang huhugasan ko na ang pinagkainan ko nang bigla akong pinigilan ni Roven.

"Ako na diyan. Check mo nalang kung may nakalimutan akong dalhin," tumango ako.

Chineck ko ang mga bags. Wala siyang nakalimutang gamit pero may nakalimutan siyang pagkain. Tsk. Nagtungo akong kusina. Binugsan ko ang ref at kumuha ng maraming chocolates. Roven smirked.

"Tara na!" hinila ko na siya palabas. Aba ang gago nagpahila pa.

Kinuha niya ang mga bags at isa-isang nilagay sa sasakyan. Sumakay na rin kami. Napansin kong maraming pagkain sa backseat. Sobrang layu ba talaga ng pupuntahan namin?

"Pwede kang matulog kong gusto mo", aniya.

At ginawa ko nga. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto kong matulog ngayon. Nagigising naman ako paminsan-minsan at tinatanong siya kung malapit na ba. Sinasagot niya lang 'huwag kang makulit. Ang ingay mo' amp! Kaya ayun, natulog nalang talaga ako.

Nagising ulit ako dahil huminto ang sasakyan. Napatingin ako sa labas at madilim na.

"Anong oras na?" tanong ko.

"7:10 pm," sagot niya.

"Ha?! Pitong oras ang biyahe?"

Tinakpan niya ang bibig ko, "ang ingay mo,".

"Nasan ba tayo?" tanong ko ulit.

"Probinsya kung saan nakatira sila lola't lolo,".

Medyo kinabahan ako. I haven't meet his grandparents. Hindi rin ito nakadalo sa kasal namin. Siguro dahil malayo at unexpected yung kasal. Bumaba na kami sa sasakyan. May mga lalaking sumalubong sa'min.

"Sir, kami na po ang magdadala ng mga gamit niyo," tumango si Roven at tinuro kung san nakalagay ang mga gamit namin.

"Hi ma'am," bati sa'kin ng binata. Nginitian ko siya.

Bigla akong inakbayan ni Roven. Psh!

"Tara na. Naghihintay na sila lola sa loob,".

Kinuha ko ang cellphone ko dahil tumunog.

roven_verdadero added a new post.

Clinick ko ang post niya. Nag-init ang mukha ko. Picture ko kanina ang pinost niya. Ang taba ng pisngi ko. 'My hamster' yan yung caption.

"Roven, idelete mo 'to," ani ko.

"Ayoko nga," nauna na siyang maglakad. Aba!

Hinabol ko siya. Sarap sapakin ng lalaking 'to. Ang pangit ko sa picture jusq! Ba't ba walang angry react 'tong instagram ha?

"Roven!" salubong sa'min ng dalawang matanda.

"La, lo, good evening. By the way, this is my wife," aniya.

"H-Hi po," medyo nahihiya pa ako.

Hinawakan ng lola niya ang mukha ko. Ganun na ba talaga ako kapangit?

"Ang ganda mong dalaga," ei?

"Hamster yan, la," wika ni Roven tyaka tumawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. Lagot ka sa'kin mamaya.

"Kain muna kayo," aya ni Lolo.

Kumain kami sa kusina habang nagkwekwentuhan sila. Nakikinig lamang ako. Medyo makulit daw si Roven ng bata pa siya. Isang araw daw ay kumuha siya ng mga manok at hinagis mula sa puno dahil akala niya lilipad ito ng mataas. Napatawa ako dahil dun. Pagkatapos kumain ay nagpapasyahan na naming magpahinga. Nagbihis lang ako ng pangtulog ko at natulog na.

Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil ililibot daw ako ni Roven sa farm. Naglalakad kami ngayon. Naka above the knee blue dress ako ngayon habang si Roven naka black shorts at blue t'shirt. Hawak hawak niya ang kamay ko dahil ayaw niyang madulas ako.

"Kamukha mo oh," aniya sabay turo sa kambing.

Sinapak ko siya. Kahapon pa 'to ei!

"Mas kamukha mo yan!"

Tumawa siya. Marami kaming pinuntahan ni Roven. Ang laki kasi ng farm ng lolo't lola niya. Halos nalibut na namin ang buong lugar at itong si Roven walang ibang ginawa kundi asarin ako.

Pagkatapos naming maglibot ay nagtungo agad akong kusina. Yung chocolates ko! Aakmang kukunin ko na yun nang unahan ako ni Roven.

"Huy, akin yan!"

"Abutin mo nga," tinaas niya ito.

Aba ang sama! Tumingkayad ako para maabot ito kaso nilayo niya agad ito.

"Ang liit mo!" tumawa siya nang malakas.

"Ede ikaw na ang matangkad! Akin na nga sabi yan ei!" sigaw ko.

"Abutin mo muna kasi,"

"Ang bully mo!"

"Ang liit mo!"

Saktong may harina sa lamesa. Kinuha ko ito at tinapon sa mukha ni Roven. Tumawa ako ng malakas.

"Para kang multo!"

"Ah, multo pala ha," kumuha rin siya at tinapon sa mukha ko.

Nagtawanan kaming dalawa. Naghabulan kami sa kusina na parang mga bata. Ang sarap sa pakiramdam. This day I'm really sure that Roven and I were having fun.

ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon