"Burabog ka! Ba't mo binili yan?" galit kong tanong kay Roven habang nilalagay niya ang mga chocolates sa bagong ref.
Hindi ko talaga inaakala na bibilhin niya yan. Hindi niya ako sinagot. Nakangiti lang siya na parang timang.
"Tsk!" padabog akong kumuha ng isang chocolate. Nagtungo ako sa sala at umupo sa sofa. Biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko ito.
KLAIDE
:Papunta ako diyan. May dala akong pagkain.
Napangiti ako nang malapad. Pagkain na naman!
ME
: jollibee? hihihihi:>
KLAIDE
: Oo HAHAHA
ME
:Yes! Bilisan mo! Gutom na ako!
KLAIDE
:Otw na nga. Mga buntis talaga HAHAHA
Nilapag ko ulit yung cellphone ko sa lamesa. Pangiti-ngiti ako habang binubuksan ang chocolate.
"Anong nangyari sayo?" nakakunot noong tanong ni Roven. Nakapamewang siya ngayon sa harapan ko.
Hindi ko siya pinansin. Nakangiti pa rin ako habang kinakagat yung chocolate. Nakatitig lang si Roven sa'kin na parang naguguluhan. May bumusina sa labas kaya agad akong napatayo at tumakbo pa labas. My food is here!
"Klaide!" sigaw ko kay Klaide. Nakangiti siya habang bitbit ang mga pagkain.
"Tulungan na kita," ani ko sabay kuha nung 1 bucket jollibee chicken.
"Wow, ang bait naman ni buntis," biro ni Klaide. Inirapan ko nalang siya at nauna nang pumasok.
"Anong ginagawa ng lalaki niyan dito?" tanong ni Roven habang nakasandal sa pintuan.
"Dito siya kakain," sagot ko at nilagpasan siya. Sumunod naman si Roven sa'kin.
"Bakit? Wala ba siyang bahay?" iritang tanong nito. Hinarap ko siya at pinandilatan.
"Sungit," aniya.
Nagtungo akong kusina at nilapag ang bucket chicken. Nagugutom na ako! Dumating si Klaide at tumabi sa'kin. Sumunod naman si Roven na masama ang tingin kay Klaide. Napatingin din si Klaide sa kanya at parehong masama ang tingin.
"Kain na tayo!" basag ko sa katahimikan. Baga magsuntukan pa tong dalawa.
Nilapag ni Klaide ang limang spaghetti, apat na large fries, at apat na burger steak with rice. Umupo na ako at kumuha ng dalawang spaghetti, isang burger steak with rice, dalawang fries, at isang spicy fried chicken. Alam talaga ni Klaide ang mga paborito ko!
"Dahan-dahan. Mauubos mo ba lahat ng yan?" tanong ni Roven. Tumango lang ako dahil nagsimula na akong kumain.
Kumain na rin sila. Panay kwentuhan namin ni Klaide habang tahimik lang si Roven. Tumawa ako at biglang nabilaukan. Nataranta ang dalawa. May dalawang baso ng tubig ang nasa harapan ko ngayon. Agad kong kinuha ang binigay ni Klaide, malamig kasi yung kay Roven at ayaw ko sa mga malalamig na inumin.
"Salamat," ani ko. Padabog na kinuha ni Roven ang tubig na binigay niya at ininum ito.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan.
"May ketchup ka sa mukha," wika ni Klaide.
"Saan?"
"Dito oh," aakmang pupunasan ni Klaide ang mukha ko nang inunahan siya ni Roven.
Para akong kinuryente. Ang lapit ng mga mukha namin. Pagkatapos niyang punasan ay lumayo agad siya.
"Para kang bata," aniya.
Napatingin si Klaide sa relo niya.
"Raven, I need to go. May gagawin pa ako sa opisina," wika nito.
"Ganun ba? Ihahatid na kita," tumayo kami. Nagtitigan ulit sila Roven at Klaide na para bang nanghahamon.
Hinila ko si Klaide. Mahirap na baka magbubugan to.
"Alis na ako," wika nito at hinalikan ako sa noo.
Kinawayan ko lamang siya. Sumakay siya sa sasakyan niya at pinaandar na ito. Nakangiti akong pumasok ng bahay. Bumalik ako sa kusina.
"Ang kapal ng mukhang makikain dito tas hindi man lang tumulong maglinis," rinig kong reklamo ni Roven.
"Raven, I need to go. May gagawin pa ako sa kusina. Tsk, ang sabihin mo ayaw mo lang maglinis" dagdag pa nito.
Napailing nalang ako. Reklamo pa, kala mo naman siya yung laging naghuhugas.
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)
RomanceRaven's young heart fell in love with a boy younger than her. After she confessed her feelings,she was immediately rejected. To move on, Raven left. But when she came back, an accident happened that will change Raven's life. A life that she never wa...