"Sa susunod kasi magpaalam ka. Hindi mapakali yan pagdating niya dito," wika ni mama.
Nasa sala kami ngayon habang sina kuya naman ay nakatayo sa may pintuan, nag-uusap.
"Ate, ang gwapo talaga ni Kuya Roven no?" ani ni Riva.
Napatingin ako sa gawi nina Roven. Nag-uusap sila ni Kuya at Papa ng kung ano. Talagang gwapo siya.
"Gwapo rin naman si Klaide ah!" sabat ni mama.
Bumuntong hininga ako. Ewan ko sa mga 'to. Parehas namang gwapo yung dalawa.
"Gwapo rin si Kuya Klaide tas mas bet ko siya kay ate. Bagay na bagay sila ei," wika ni Riva, "tyaka, matagal na rin silang magkakilala. Si Kuya Roven kasi napakaloyal niya kay Ate Zariyah. Akala ko nga silang dalawa talaga ang magkakatuluyan ei kaso nga lang nabuntis ka ni Kuya Roven, ate," dagdag pa niya.
"Riva!" suway ni papa.
Bigla akong natahimik. Paano kaya kung hindi ako nabuntis ni Roven? Ikakasal kaya sila ni Zariyah? At paano kung hindi niya ako pinagutan? Magkakatuluyan kaya sila?
"Sorry, ate, " nakayukong sabi ni Riva. I only smiled at her.
Alam ng lahat na si Zariyah ang gusto niya. Ei hindi nga ito mapaghiwalay nong mga bata pa ei. Naalala ko nun na ayaw niyang Paglaruin ng tumbang bahay dahil ayaw niya itong matamaan ng tsinelas! Sa school, sa park, kahit sa simbahan ay magkasama sila kaya palaisipan talaga kung bakit ako ang naging asawa niya. Nabalik ako sa'king katinuan nang umupo si Roven sa tabi ko.
"May ipapangalan na ba kayo?" tanong ni Kuya Race na nakatayo sa likuran ko.
Sobrang aga pa para mag-isip ng pangalan para sa baby. Napakaexcited naman masyado ni kuya. Ikaw nalang kaya ang manganak.
"Wala pa,"
"Meron na,"
Sabay na sagot namin ni Roven. Nagulat ako. May naisip na siya? Excited din tong isang to!
"If lalaki, I will name him Ranev," aniya.
"Ranev? San mo nakuha yan?" tanong ko.
"I just flipped the last three letters of your name," he answered.
My cheeks turned red. Gaga! Umayos ka diyan. Ang rupok mong demonyita ka!
"Paano kung babae?" Riva asked.
Bigla akong napaisip. I am pretty sure that he will answer Zarivnah or a name that starts with letter Z. Ang sakit siguro sa damdamin yun. R yung first letter ng name namin tas Z yung sa anak ko. Naku, hindi ako papayag!
"Isabella," Roven answered.
Kumunot ang noo ko at mukhang napansin niya ito.
"Isabelle is your second name, right?" he asked. I nodded.
"That's why I'll name her Isabella and I like your name," my cheeks turned red again.
Calm down, Roven. Pangalan mo lang ang gusto niya, okay? Hindi ikaw kaya ikalma mo yang puso mo.
"Is it okay with you, ate? Magaganda yung nga pangalan na naisip ni Kuya Roven," wika ni Riva.
"Yeah, it's fine," ani ko.
"Wait, pwede ko bang dagdagan yung name ng babae?" tanong ko.
"Sure,"
"Riva. Isabella Riva," wika ko.
"Are you sure, ate?!" naexcite na tanong ni Riva.
"Yes. I want my child to be like you," I answered.
Ngumiti siya nang napakalapad at sabay yakap sa'kin.
Napalingon ako kay Roven na nakatitig din sa'kin. I didn't expect him to think about the names of our future child. Nasa loob ng tiyan ko ang bata ngunit chocolate at pagkain lang ang laging laman ng isip ko. Nakakahiya naman sa kanya yun.
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)
Roman d'amourRaven's young heart fell in love with a boy younger than her. After she confessed her feelings,she was immediately rejected. To move on, Raven left. But when she came back, an accident happened that will change Raven's life. A life that she never wa...