"Who's the father, Raven?" seryosong tanong ni Klaide.
Kinagat ko ang labi ko. Kailangan ko nang umalis.
Bumangon ako sa hospital bed at tumayo.
"Salamat, doc," ani ko at nagmamadaling lumabas.
"But, Miss-" hindi ko na pinatapos si Doc at naglakad na ako nang mabilis. Ayaw kong maabutan ako ni Klaide.
"I'm still talking to you," may diing sabi ni Klaide habang nakasunod sa'kin.
Mas binilisan ko ang paglalakad. Mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Hinarap niya ako. Galit siya.
"Sino ang ama?" medyo pagalit niyang tanong.
Hindi ako sumagot.
"Answer me, Raven! Sino ang ama ng dinadala mo?" ulit niyang tanong.
Nagsimula ng tumulo mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.
"Raven, sino?" naging mahinahon ang boses niya nang makita akong umiiyak.
Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
"Si R-Roven" nauutal kong sagot.
Yumuko ako dahil ayaw kong tingnan ang mga mata niya.
"What?!" hindi pa rin ako nakatingin sa kanya," m-may nangyari s-sainyo?" halata sa boses niya ang panginginig.
Dahan-dahan akong tumango. Narinig kong napamura siya.
"Kailan?" tanong niya ulit.
"Nung araw na nagbar tayo," sagot ko.
Suminghap siya. Hinila niya ako palabas ng hospital.
"San tayo pupunta?" takang tanong ko.
"Pupuntahan natin si Roven. Kailan niyang panagutan yan," sagot niya.
"H-Huwag!" nagpupumiglas ako ngunit sadyang malakas talaga siya.
Agad niyang binuksan ang sasakyan niya at pinasok niya ako dun.
"Huwag kang magtatangkang tumakas, Raven," banta niya sa'kin. Nanlamig ako sa kinauupuan ko.
Dumiretso siya sa driver's seat. Agad niyang pinaharurut ang sasakyan.
Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa nakarating na kami sa bahay nina Roven. Nag-aalingan pa akong bumaba. Nauna ng lumabas si Klaide. Huminga ako nang nalalim. Binuksan ko ang pintuan at lumabas na.
"Hihintayin kita dito," malamig na wika ni Klaide at sumandal sa sasakyan niya.
Dirediretso ang lakad ko. Nasa tapat na ako ng pintuan nina Roven.
"T-Tao po!" sigaw ko. Agad bumakas ang pintuan at nakita ko si Roven. Mukhang kakauwi lang niya.
"Anong kailangan mo?" malamig niyang tanong.
"A-Ano kasi," napalunok ako. Paano ko sasabihin?
"Make it fast, you're wasting my time," aniya.
"I'm pregnant," deritsong wika ko.
Nagtagpo ang mga makakapal niyang kilay,"So?"
"And you're the father," nanlaki ang mga mata niya. Naigting ang panga niya.
"Hindi akin yan," malamig niyang ani.
"R-Roven, ikaw pa lang yung nakakagalaw sa'kin," nanginginig kong wika.
"Ipalaglag mo yan. I'm too young to be a father," aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. Nangilid ang mga luha ko. A-Ano?!
"N-No! Hindi ko 'to ipapalaglag! Papalakihin ko 'tong bata mag-isa without your help! Ang sama mo!" sigaw ko, medyo napaos pa ako sa dulo.
Ang sama-sama ng ugali niya! Hindi pa rin siya nagbago, napakaselfish niya pa rin. Sinampal ko muna siya nang napakalakas bago ko siya tinalikuran.
Nanginginig akong bumalik kay Klaide. Napansin niya ang pag-iyak ko kaya agad siyang lumapit sa'kin.
"What happened?" nag-aalalang tanong niya.
"H-Hindi niya pananagutan. Gusto niyang ipalaglag yung bata," umiiyak kong sagot. Nag-alab sa galit ang mga mata ni Klaide.
Aakmang susugurin niya si Roven ngunit pinigilan ko siya," Huwag na,".
Tumingin ako sa mga mata niya. Unti-unting nawala ang galit niya. Sinapo niya ang kaliwang pisngi ko.
"Ako ang tatayong ama ng anak mo," wika niya na ikinagulat ko,"kahit hindi ko yan anak, pananagutan ko siya. Ako ang magiging ama niya," dagdag pa nito.
Bumuhos ang luha sa'king mga mata. Agad ko siyang niyakap. Niyakap naman niya ako pabalik.
"Thank you, Klaide,".
I'm so lucky to have a friend like him.
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)
RomanceRaven's young heart fell in love with a boy younger than her. After she confessed her feelings,she was immediately rejected. To move on, Raven left. But when she came back, an accident happened that will change Raven's life. A life that she never wa...