'Take care, my wife'
His words are still running inside my head. He called me wife. Nag-init ang mga pisngi ko. No, huwag kang kiligin chaka ka! Tinampal ko ang pisngi ko para matauhan ako.
Nakaupo ako ngayon sa office ko. Mabuti nalang nakakapagfocus pa rin ako sa trabaho ko. Bukas, may pre-pregnancy seminar kami. Roven can't go, pwede naman siguro yun diba? Sasabihin ko ba kay mama?
"Bulaga!" muntik na akong mahulog sa upuan.
"Takte! Klaide naman ei!" napahawak ako sa dibdib ko.
Tumawa siya nang malakas kaya sinapak ko na.
"Aray naman!" reklamo niya pero tumatawa pa rin.
"Magpapacheck up ka? Upo ka dito dali," biro ko.
"Wow ha! Ganyan na ba ako kahayop?" drama niya sabay hawak sa bandang dibdib niya.
I rolled my eyes.
"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Hindi mo ba ako namiss?" he pouted.
"Miss na miss kita," ani ko at pinanggigilan yung pisngi niya.
Ngumiti siya," namiss din kita,".
"Nga pala, ano ba yang iniisip mo ha? Ang lalim kasi," tanong niya.
"May pre-pregnancy kami bukas,"
"Oh tapos?" umupo siya sa harap ko.
"Busy si Roven kaya wala akong kasama,"
"Ako nalang," aniya.
"Talaga?!" napangiti ako.
"Oo naman,"
"Yes!" tumayo ako at niyakap siya. "Thank you, Klaide! Baka kasi ako lang yung wala kasama bukas at magmukha pa akong tanga," kumalas na ako sa pagkakayakap.
"Sasamahan kita uy. Mauna na ako, may gagawin pa ako ei," tumayo siya.
Parang pumunta lang to dito para gulatin ako ah! Mga mayayaman talaga puro bulakbol.
"Sige. Ingat ka," kinawayan ko siya.
Maaga akong nagsara at umuwi na. Hindi na ako nasundo ni Roven. Busy nga talaga. 7:30 na pero hindi pa rin umuuwi si Roven. Tapos na akong kumain at nagligpit na. Tinirhan ko nalang ng pagkain si Roven.
Pumasok na ako sa kwarto. Naghalf-bath ako saglit at nagbihis ng pantulog. Humiga ako sa kama at na idlip na.
Paggising ko, walang Roven sa tabi ko. Huminga ako nang malalim at bumangon na. Nagluto ako, kumain, naligo, at nagbihis na. Tumunog ng dalawang beses ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan.
ROVEN
:gising ka na? Sorry maaga akong umalis, may nangyari kasi.
KLAIDE
:I'll be there in 15 minutes.
Nireplayan ko silang dalawa. Naghanda na ako dahil paparating na si Klaide. Dinala ko ang mga importanteng gamit lalo na ang chocolate. Maya-maya pa ay may bumusina sa labas. Lumabas ako at sinirado ang bahay.
"Bilisan mo!" biro niya.
"Ay excited?!" tumakbo ako palapit sa kanya kaya nataranta siya.
"Huy, joke lang!" sinalubong niya ako.
Nauna na akong sumakay sa kotse niya at sumunod naman siya. Nagkwentuhan at nagtawanan lang kami buong biyahe hanggang marating namin yung lugar. Lumabas kami ng kotse. Pinagtitinginan kami ng mga tao ngunit wala kaming pake. Bahala kayo diyan.
Pumasok na kami at nagsisimula na pala sila. Kaya pala kami pinagtitinginan ei! Nakinig lang kami ni Klaide.
Mabilis natapos ang seminar at nagpagpasiyahan naming kumain muna ni Klaide bago umuwi. Habang kumakain kami biglang tumunog yung cellphone ko.
ROVEN
:your clinic's close. Nasa seminar ka pa ba?
:where are you? Susunduin kita.
Nireplayan ko siya
:don't worry. I'm with Klaide.
ROVEN
:Bakit mo siya kasama?
:Umuwi ka na.
:Raven, uwi na.
Sunod-sunod niyang text. Binilisan ko ang pagkain. Mukhang nagets naman agad ni Klaide kaya binilisan niya na ring kumain. Pagkatapos namin kumain ay agad akong hinatid ni Klaide sa bahay namin. There I saw Roven standing near the gate. Nakapamulsa siya habang nakakunot ang noo.
"Galit na galit si mister," biro ni Klaide. Tinampal ko ang braso niya.
"Hindi na ako bababa baka kasi masuntok ako nang wala sa oras," dagdag pa niya.
"Ewan ko sayo. Salamat nga pala," ani ko.
"Ano ka ba! Wala yun," ngumiti siya.
Nginitian ko rin siya at lumabas na. Umalis na rin si Klaide.
"Saan kayo galing?" bungad na tanong ni Klaide.
"A-Ah sa seminar,"
"Bakit siya ang kasama mo?" tanong niya ulit. Reporter ba 'to?
"Kasi wala akong ibang kasama. Yung ama kasi ng batang dinadala ko busy kaya ayun. Buti pa nga si Klaide ei kahit hindi siya yung am-" napahinto ako dahil natauhan ako sa mga sinasabi ko.
Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Roven.
"I'm sorry. I didn't me-"
"Kailan ang next seminar niyo?" tanong niya.
"Ha? N-Next week," sagot ko.
"Sasamahan kita,"
"N-Naku huwag na. Huwag mo nang isipin yung sinabi ko kanina. Naiintindihan naman kita ei. Tyaka nandiyan naman si Klaide," napalunok ako dahil biglang nagdilim ang mga mata niya.
"Stop hanging around with Klaide," aniya.
"W-Why? Klaide is my best-"
"Damn, my wife! I'm jealous. Kaya huwag ka nang sasama sa Klaide na yun. I'm just here, okay?"
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)
RomanceRaven's young heart fell in love with a boy younger than her. After she confessed her feelings,she was immediately rejected. To move on, Raven left. But when she came back, an accident happened that will change Raven's life. A life that she never wa...