CHAPTER 25: WIFE

19 0 0
                                    

"She's the girl you lo-"

"Shhh," he covered my mouth with his pointy finger, "You're my wife. You're already part of me. There's nothing between me and Zariyah," he said.

Nothing? Paano yung mga narinig ko bago kami ikasal? Yung sa office niya?

"Is this part of your plan?" I asked.

"Plan?" he looked at me with a confused eyes.

I looked away " nothing," I hope not.

"Matutulog na ako," ani ko.

"You should wash yourself first ," wika niya.

I nodded and went to the bathroom to take a half-bath. Nang matapos na ay nagsuot ako ng pangtulog. Lumabas na ako and I saw Roven sitting on the bed drying his hair using his towel. Ginamit siguro niya ang banyo sa guestroom.

Nagtungo ako sa pwesto ko at humiga na.

"Good night," he said.

I slowly closed my eyes. I never thought our first date will end like this. Nagising ako na wala si Roven sa tabi ko. Baka maagang pumasok sa opisina niya. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. May naamoy akong mabango kaya nagmamadali akong pumuntang kusina.

There I saw Roven cooking. Napalunok ako sa nakikita ko. He's only wearing his boxer short and an apron on top. Damn! He's so hot! Natauhan ako dahil tumunog ang cellphone ko kaya napalingon siya. I opened my phone and I saw my mom's message. Pre-pregnancy seminar? Bukas? Bring your partner?!

"Who's that?" Roven asked as he walked towards me.

"Si mama," sagot ko.

Tinaas niya ang kilay niya. Maybe hind pa siya satisfied sa sagot ko.

"May pre-pregnancy seminar daw bukas"

"Tapos?"

"We should bring our partners daw,"

Natahimik siya bigla.

"Wife, I-I have an important meeting tomorrow," nag-aalinlangan niyang sagot.

"It's fine. Mukhang ayos lang naman siguro na walang kasama," ani ko.

"You sure?"

"Yes,"

"Okay. Let's eat. Have a seat,"

Umupo ako at hindi mapakali. Papansin yung biceps ni Roven! Siya ang nagsandok ng kanin ko. Nilagyan niya rin ito ng bacon and egg.

I started eating but I can't stop looking at his biceps. Mas binilisan ko ang pagkain.

"Maliligo na ako," wika ko sabay tayo at nagmamadaling pumasok ng kwarto.

Hinanda ko ang mga damit ko at pumasok na sa banyo. Mabilis lang akong maligo. Nagbihis na rin ako at lumabas na.

"Hatid na kita," aniya.

Tapos na rin siya at mukhang papasok na rin. Tumango ako. Nauna ako sa kotse niya at sumunod naman siya. Tahimik akong sumakay habang siya panay tingin sa'kin. Naging tahimik ang biyahe namin.

Nang marating na namin ang clinic ay bumaba agad ako. Dire-diretso lang ang lakad ko nang bigla akong hilahin ni Roven pabalik. Hinarap niya ako.

"Ba't ka nagmamadali?" tanong niya.

"B-Baka may pasyente na," sagot ko.

"Okay," he kissed my forehead "take care, my wife,".

Natulala ako. Did he just call me wife?

Nakatulala akong pumasok sa aking clinic. Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng pintig nito. Huminga ako nang malalim at humawak sa lamesa. I let out a small scream.

He just called me wife!!!!

"G-Good morning po, doc"

Napatayo ako nang maayos at tumingin.

"Good morning", I greeted back.

Jusq, nakakahiya!

ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon