"Do you understand, my wife?" Roven asked.
Because I'm still shocked, I just nodded my head. "Good".
Hinapit niya ang bewang ko at ginaya papasok.
"Have you eaten?" he asked as we entered the house.
"Yes, how about you?"
"No. Hinintay kita kaso kumain ka na pala. Sayang, nagluto pa naman ako," he replied.
My eyes widened a bit at mukhang hindi naman niya napansin iyon. Hinintay niya ako? Bigla akong nakaramdam ng guilt. Nilagay ko ang mga gamit ko sa sofa at hinila siya papuntang kusina.
"Let's eat. I'm still hungry," I said.
Pinaupo ko siya. Hinanda ko ang lamesa. He cooked sinigang na baboy. My favorite! Umupo ako sa harap niya. Kumuha ako ng kanin at ulam. Nagsimula na akong kumain. Sa totoo lang, gutom pa talaga ako. Ei, hindi naman talaga ako nabubusog dahil sa pagbubuntis ko. Dragon ata 'tong dinadala ko. Kumuha rin siya at kumain. Tahimik lang kami habang kumakain. Panay sulyap naman ni Roven sa'kin.
"May problema ba?" takang tanong ko.
"Why are you doing this?" he asked.
"Gutom pa nga ako. Parang ewan 'to," I answered.
He smirked. Inubos ko ang pagkain ko pero gutom pa rin ako. Baby, hindi ka ba nabubusog?!
"Ako na ang magliligpit," aniya.
Tumango ako at tumayo. Nagtungo ako ng sala upang manood ng tv. Patingin-tingin lang ako sa netflix baka may movie pa akong hindi napapanood. Then I saw The Silence. Pinanood ko ito nang tahimik. The Silence nga diba? Feel na feel ko na yung intense ng movie. Hindi rin ako gumagawa ng ingay dahil baka may mukhang paniki rin sa labas at patayin ako kapag gumawa ako ng ingay. Maya-maya lang ay dumating si Roven at umupo sa tabi ko.
"Bitin ending niyan," aniya.
Sinapak ko siya ng unan. Kita niya namang tahimik lang akong nanunuod dito!
"Manahimik ka!"
Tumawa siya. Engot! Na medyo gwapo.
"Alam mo kapag nandiyan ka sa movie na yan, hindi ka makakasurvive. Ang ingay mo kasi," sabi niya.
"Uy, ang tahimik ko kaya! Ikaw yung maingay diyan, nanahimik ako dito. Tas bigla kang dumating. Most behave kaya ako nung elementary ko tas ako naman yung pinakatahimik nung highschool. Kahit tanungin mo pa sila Kylie," depensa ko.
He just scoffed. Dun ko lang napagtanto na ang ingay ko nga. I rolled my eyes on him. He laughed. Mas lumapit pa siya sa'kin at inakbayan ako. Hinawakan niya ang tiyan ko na para bang dinadama niya yung loob nito. Ingat ka, Roven dragon ang nasa loob niyan.
"Sana magmana ka sa'kin," bulong niya "Huwag kang maging madaldal, please lang,".
Tinapik ko ang kamay niya at umurog ako nang konti. Ngunit lumapit ulit siya sa'kin.
"Napakasungit ni mommy, diba baby?" para siyang timang na kinakausap yung tiyan ko.
Hindi ko siya pinansin. Ilang katol kaya ang nahithit ng lalaking 'to? Ang swerte naman ng katol. Hinayaan ko siyang paglaruan ang tiyan ko.
"Dalawa na kayong baby ko," biglang sabi niya.
Yeah, dalawa. Yung nasa tiyan ko at si Zariyah. Ede wow!
"Ikaw," hinawakan niya ang tiyan ko.
Pinisil niya ang pisngi ko gamit ang kabilang kamay niya.
"At ikaw," dagdag pa niya na ngayon ay seryosong nakatingin sa'kin.
Biglang nag-init ang mukha ko. Ngina naman neto! Nanggugulat ei, hindi ako ready!
"Are you blushing?" he asked and chuckled.
"I'm not!" depensa ko.
"Yes , you are baby," mas lalong nag-init ang pisngi ko.
"Kinikilig ka?" biro niya.
Omyghad! This isn't Roven! Espiritung sumasanib kay Roven, lumayas ka! Joke lang, 'wag na pala.
"Ewan ko sayo,"
Hindi ako nakapagfocus sa pinapanood ko. Tatlong movie na ang natapos namin pero niisa walang pumasok sa isip ko. Ito kasing si Roven panay tawag sa'kin ng 'baby'. Tas maya-maya tutuksuin ako. Parang timang lang.
"Ligo lang ako," ani ko at tumayo.
"Sama ako," seryosong sabi niya. Nag- init ang leeg ko hanggang sa pisngi ko. Kinuha ko ang unan at binato sa mukha niya.
"Manahimik ka!" sigaw ko habang nagmamadaling pumunta sa kwarto.
I heard his loud laugh. Bilaukan ka sana!
Nagmamadali akong kumuha ng damit ko at agad pumasok sa banyo. Nakaharap ako sa salamin. Kasing pula ng kamatis ang mukha ko! Pinilig ko ang ulo ko at naligo na. Paglabas ko ng banyo ay nakaupo na si Roven sa kama at nakapantulog na rin. Ang bilis ng nilalang na 'to. Lumapit ako sa kama at humiga. Napalingon si Roven sa'kin nang nakangiti. Ano na naman ba ang sumagi sa utak nito?!
"Good night, my babies," he bent a bit and kissed my tummy.
Pagkatapos ay umayos siya ng upo at tumingin sa'kin. His dark-brown eyes is seducing me! Dahan-dahan niyang nilapat ang labi niya sa noo ko. I can feel my heart beat racing. Oh, God! I think my heart's going to explode. I can't take this anymore!
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)
RomanceRaven's young heart fell in love with a boy younger than her. After she confessed her feelings,she was immediately rejected. To move on, Raven left. But when she came back, an accident happened that will change Raven's life. A life that she never wa...