CHAPTER 23: CHANGE

16 0 0
                                    

Naging masaya yung pananatili namin sa farm nina lolo't lola. Namasyal kami tapos paminsan-minsan kami yung nagpapakain sa mga hayop. Hanggang sa umuwi kami ay maganda pa rin ang pakikitungo ni Roven. Ito siguro ang tinatawag niyang 'pagbawi'.

"Susuduin kita mamayang lunch," wika ni Roven.

"Hindi ka busy?" tanong ko.

"Nope. Sabay na tayong kumain mamaya," sagot niya.

"Okay. Salamat sa paghatid," ani ko't lalabas na sana ng kotse.

"Mag-iingat ka,"

"Ikaw din," nginitian ko siya at lumabas na.

Kumaway ako sa kanya. Pumasok na ako sa clinic. Itong mga nakaraang araw unti-unting nagbabago si Roven. Hatid sundo na niya ako tas paminsan-minsan kapag hindi siya busy ay sabay kaming kumakain ng lunch. Pinapadalhan din niya ako ng mga chocolates. I don't know why he's acting like that. Baka ito na yung sinasabi niyang babawi siya. Tumunog ang pintuan.

"Good morning, doc"

"Good morning. Have a seat,"

Medyo marami ang mga inaasikaso ko ngayon kaya napagod agad ako. Napaupo ako sa upuan ko. 11:30 na pala. Akala ko wala ng dadating na pasyente pero meron pa pala. A familiar man entered my clinic.

"Omo! Jake!"

"Uy, ikaw pala Raven,"

"Ginagawa mo dito, Lee Min Ho?" I joked.

"Stop calling me that," he laughed. "Pakicheck nga 'tong parrot ko," dagdag pa niya.

"Patingin nga,"

Nilapag niya ang cage sa lamesa. Ang cute! Chineck ko ng maagi kung may something ba pero wala naman.

"Hi ganda" biglang nagsalita yung parrot.

"Tinuruan mo'to 'no?" tanong ko kay Jake.

"Hindi ah! Ganyan lang talaga yan," depensa niya.

"Wala namang problema ei. Siguro yung pagkabolero lang niya nagmana sayo," biro niya.

"Ga-"

"Raven, let's go," Roven said as he entered my clinic.

Nang mapansin niya kung sino ang kausap ko ay biglang hindi maitimpla ang mukha niya.

"What are you doing here?" may diin niyang tanong kay Jake.

"Dude, malamang pinapacheck ko yung alaga ko," sagot ni Jake.

Wait. They know each other?!

"Your parrot's fine, Jake," singit ko.

"Oh, ganun ba?" kinuha niya ang pitaka niya," magkano?"

"Naku, huwag na! Wala naman akong masyadong ginawa," pagtanggi ko.

Tumango siya at bumaling kay Roven.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"I'm here for my wife," Roven answered.

Hinila ako ni Roven at hinapit ang bewang ko.

"Ow, sorry hindi ko alam. Mauna na ako. By the way, thank you," wika ni Jake at umalis na dala-dala yung parrot niya.

"Madalas ba yun dito?" tanong ni Roven.

"Hindi. Nga pala, saan tayo kakain?"

"Puro pagkain talaga laman ng utak mo,"

"Gutom na ako ei," I pouted. I heard him chuckled.

"Dito lang. Bumili ako ng pagkain," aniya habang nililinis ang lamesa ko. "Iwasan mo yung lalaking yun," dagdag pa niya.

"May pa let's go let's go ka pang nalalaman ei dito lang naman din tayo kakain" ani ko.

Inirapan niya ako. Baklang to!

"Bakit? Magkakilala pala kayo?" tanong ko.

"Yes," maikling sagot niya.

"Bakit ko siya iiwasan?"

"Basta,"

"Bakit nga?"

"Raven, ang kulit. Basta iwasan mo lang siya,".

May ganun? Iiwasan ko lang ng walang dahilan.

"Busy ka ba mamayang gabi?" Roven asked.

"Nope, why?"

"Let's have a date," aniya

"Ha? Date? Yung tayong dalawa lang?!" tanong ko.

"May date bang maraming kasama?"

"Meron. Group date,".

Roven glared at me. Oppss!

"Naisip ko lang kasi na hindi pa natin yun naranasan," aniya.

"Hindi ba date ang tawag dito?" tanong ko sabay turo sa mga pagkain.

"I think no. Basta huwag ka ng maraming tanong," iritang sagot niya.

Okay?

ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon