CHAPTER 6: I'M PREGNANT

17 0 0
                                    

"Salamat, Klaide," ani ko pagdating namin sa bahay.

"Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong niya. Nginitian ko siya at tumango. Lumabas na ako ng kotse niya. Kumaway muna ako bago ko siya tinalikuran.

Pumasok na ako sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko. Napansin ko hindi pala ako niregla last month. Normal naman yung mens ko. Humiga ako sa kama.

"Raven!" sigaw ng mga kaibigan ko at diretsong pumasok sa kwarto ko. Mabilis akong bumangon.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko. Kasama rin nila si Klaide na nakakunot ang noo.

"Nag-aalala kasi kami sayo," sagot ni Myne. Umupo sila sa kama ko. Tumabi na rin si Klaide sa'kin.

"Okay lang naman ako ei," ani ko. Kahit medyo masama talaga yung pakiramdam ko.

"Nga pala, ano yung dream wedding niyo?" biglaang tanong ni Vivian. Kumunot ang noo ko.

Anong pumasok sa mga utak nito at bigla nalang nagtanong ng ganyan? Akala ko ba kaya sila nandito dahil nag-aalala sila sa'kin? O baka naman gusto nilang tumambay sa bahay namin. Jusq!

"Ikaw muna, Raven. Mukha kasing ikaw yung unang ikakasal sa'tin ei," biro ni Kylie sabay tingin sa'min ni Klaide. Here we go again. Ishiship na naman nila kami.

"Hmm... gusto ko yung simple lang. Church wedding tapos dapat mahal ako ng groom. At dapat lahat masaya," sagot ko. Tumili naman sila.

"Mahal ka naman ni Klaide ei. Diba Klaide?" nakangiting asong wika ni Myne. Pumula ang tenga ni Klaide at agad naman siyang nag-iwas ng tingin.

Napahawak ako sa ulo ko. Nahihilo ulit ako.

"K-Kuha lang ako ng tubig," ani ko. Tatayo na sana ako kaso bigla akong natumba.

"Raven!"

"Jusq! Ayos ka lang ba?!"

"Raven, ang putla mo!" sigawan ng mga kaibigan ko. Unti-unti ng dumilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

"Raven, gumising ka na,"

"May nakain ba siyang kakaiba? I mean, wala naman siyang allergy diba?"

"Baka naman panis yung mga pagkain sa restaurant na yun,"

"Sapakin kita diyan! Restaurant yun ni Ninong Roi!"

Nagising ako dahil sa ingay ng mga kaibigan ko. Nasa isang hindi pamilyar na kwarto kami, halos puti lahat. Nasa hospital ata kami.

"N-Nasaan tayo? Anong nangyari?" tanong ko.

"Nasa hospital tayo kasi nahimatay ka," nag-aalalang sagot ni Vivian. Mabilis lumapit si Klaide sa'kin.

"Ayos ka na ba? May masakit ba sayo? Anong gusto mong kainin? Tubig? Nauuhaw ka?" sunod-sunod na tanong niya. Napangiti nalang ako.

"Huwag kayong mag-alala," biglang pasok ng lalaking doctor.

Pogi siya at mukhang mas matanda lang siya sa'min ng ilang taon.

"Normal lang sa pagbubuntis yan," dagdag niya pa na ikinagulat namin.

"Po?!" gulat kong tanong.

"You're 3 weeks pregnant, miss. Congratulations!" nakangiting sagot niya.

No! Hindi ako buntis!

"Who's the father, Raven?" seryosong tanong ni Klaide.

"Hindi ba ikaw?"

Nakakunot noong umiling si Klaide. May halong galit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa'kin.

"I'm sorry, I thought you're the father," nakakunot ang noo ng doctor. Sinapo ko ang noo po.

Oh no! Imposibleng mangyari to! Walang ibang nakakagalaw sa'kin kundi siya lang!

ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon