Nasa kwarto lang ako, umiiyak. Mahigit isang oras na ako dito. Hindi na rin umiimik si Roven sa labas. Unti-unting bumukas ang pintuan. Pinahid ko ang mga luha ko at tumagilid ng higa. Umupo siya sa kama dahil ramdam kong medyo gumalaw ito.
"Raven," huminga siya nang malalim," I'm sorry,".
Pumikita ako habang tumutulo ulit ang mga luha ko. Mukhang nakasanayan ko nang matulog habang umiiyak ah.
-
Napabalikwas ako nang bangon at tumakbo papuntang banyo. Napahawak ako sa inidoro habang sumusuka. Nagulat ako dahil may biglang humimas ng likod ko.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Roven. Hindi ko siya pinansin.
"Ganito ba talaga pag nagbubuntis?" tanong niya ulit.
Tumayo ako at naghilamos. Lumabas ako ng banyo habang nakasunod siya sa likod ko. May naamoy akong mabango galing sa kusina kaya agad akong tumakbo papunta doon. Humugis puso ang mga mata ko sa nakita ko. Sobrang daming pagkain, halos lahat ata ng mga paborito ko ay nandito.
"Ako ang nagluto niyan. Sana magustuhan mo," wika ni Roven sa likuran ko.
Bigla akong kinalibutan. Ang lapit niya sa'kin. Kahit nakatalikod ako sa kanya ay amoy ko pa rin ang pabango niya.
"Para san 'to?" tanong ko.
"Peace offering?" sagot niya.
Pinaghila niya ako ng upuan, "upo ka. Don't worry, walang lason yan," biro niya.
Dahil sa gutom ko, umupo na ako at nagsimula nang maglagay ng pagkain sa plato ko. Umupo sa harap ko si Roven. Nagsimula na akong kumain at panay titig naman niya sa'kin. Hindi ako komportable.
"M-May dumi ba sa m-mukha ko?" nauutal kong tanong.
"I'm really sorry, Raven. Patawad sa mga nasabi ko kagabi. Pagod at masakit lang talaga ang ulo ko kagabi kaya nasabi ko yun. Lahat ng sinabi ko, hindi ko yun sinasadya," sersoyo niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.
Tumango-tango lang ako at inabala ang sarili ko sa pagkain. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o baka may pinaplano lang siya. Binilisan ko ang pagkain. Tumayo ako.
"Maliligo lang ako," tatalikuran ko na sana siya nang bigla siyang magsalita.
"Raven, ayaw kong nakikitang nag-aaway tayo. Sana mapatawad mo pa ako,".
Nginitian ko lang siya at tinalikuran na. Dumiretso agad ako sa banyo. Pinuno ko ng tubig ang bathtub at lumublub ako dun. Sumandal ako at pinikita ang mga mata. Paano kung may planong masamang plano si Roven? Baka gusto niyang mapalapit ako sa kanya at dahan-dahan niya akong saktan. Dumilat ako at huminga ng malalim.
Sinabunan ko ang sarili ko at nagbanlaw. Pagkatapos ay umahon na ako at nagtapis. Lumabas ako ng banyo. Bigla akong natakam ng chocolates. May natira pang apat na chocolates sa ref kapag ubos na ang mga yun ay magpapabili ako sa sponsor kong si Klaide. Ansarap talaga kapag may mayaman kang kaibigan.
Nagmamadali ako nagbihis. Patakbo akong nagtungo sa kusina. Nakangiti ako habang binubuksan ang ref. Biglang kumulo ang dugo ko dahil wala dun ang mga chocolates. Asan na yun?! Padabog akong nagtungo sa sala at nadatnan ko si Roven na nilalamon ang mga chocolates ko. Para akong naiiyak na ewan.
"ROVEN!"
![](https://img.wattpad.com/cover/311134756-288-k20241.jpg)
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)
RomanceRaven's young heart fell in love with a boy younger than her. After she confessed her feelings,she was immediately rejected. To move on, Raven left. But when she came back, an accident happened that will change Raven's life. A life that she never wa...