CHAPTER 5: NAHIHILO

17 0 0
                                    

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa'min ni Roven kahit dalawang buwan na yung nakalipas. Dama ko pa rin yung mga halik niya. Saulo ko pa ang lahat ng nangyari.

"Raven, nakikinig ka ba?" tanong ni Vivian.

"A-Ahh, oo naman," kinagat ko ang labi ko.

"Ang tagal naman ni Klaide. Sabi niya ililibre niya raw tayo," iritang ani ni Myne.

Natawa nalang ako. Kahit kailan mukhang libre talaga tong si Myne.

"Nandito na pala siya!" nakangiting wika niya sabay turo sa pintuan. Nandito kasi kami ngayon sa isang restaurant. Ang sabi ni Klaide ililibre niya raw kami ng lunch.

"Sorry, I'm late. May ginawa pa kasi ako," umupo si Klaide sa tabi ko.

"Oh my! Is that Klaide?" rinig kong tanong ng isang babae sa kabilang table.

"Oo nga!" tili naman ng kasama niya.

"Pa-picture tayo, dali!"

"Famous ka pala," bulong ko kay Klaide. Tumawa siya nang mahina.

"Hindi naman,".

Inakbayan ako ni Klaide. Medyo naduwal ako dahil sa baho ng pabango niya.

"Klaide, ang baho mo. Lumayo ka nga!" inis na sabi ko. Kunot noo silang napatingin sa'kin. Inamoy ni Klaide ang sarili niya.

"Hindi naman ah," ani nito.

"Basta lumayo ka," irita kong wika.

Unti-unting lumayo si Klaide sa'kin. Medyo naguilty ako sa ginawa ko kay Klaide. Ewan ko ba kung bakit ako nababahuan sa kanya.

"Aaaaaah! Sina Zariyah at Roven ba yun?!" sigaw ng mga kababaihan sa kabilang table.

"Bagay na bagay talaga sila!"

"Alam mo bang inseparable ang mga yan? Simula bata ba ay lagi ng magkasama"

Tumingin ako sa may pintuan. Nakita kong papasok sina Zariyah at Roven dito. Naakbay si Roven kay Zariyah. May kung anong kumurot sa puso ko. So, hanggang ngayon sila pa rin?

"C-CR lang ako," ani ko at tumayo. Medyo nahilo ako sa pagtayo ko. Pansin ko lang madalas na akong nahihilo. Ewan ko kung bakit.

Muntik na akong matumba ngunit mabilis akong nasalo ni Klaide.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Y-Yeah. Medyo nahilo lang," sagot ko. Pinaupo ulit ako ni Klaide.

"Guys!" rinig kong may sumigaw sa likuran ko. Lumingon ako sa likuran at nakita kong papalapit sina Zariyah at Roven sa'min. Oh no!

"Nandito rin pala kayo," nakangiting ani niya. Pansin kong hindi maipinta ang mga mukha ng mga kaibigan ko.

"Ah oo," ani ni Kylie at kunwaring tumawa pero palihim namang umirap.

"Oh my God! Ate Raven!" tili ni Zariyah. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Mas lalo kang gumanda!" dagdag pa nito.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Napatingin ako sa gawi ni Roven na seryosong nakatitig sa'kin.

"Zariyah, let's go," malamig na ani ni Roven.

"Dun lang kami sa kabilang table. Gusto kasi akong masolo ni Roven," tumatawang wika ni Zariyah. Hindi kami umimik. Umalis na sila at huminga ako nang mamalim.

"Klaide, ihatid mo ako sa'min please. Nahihilo kasi ako," ani ko. Dumapo ang kamay niya sa noo ko.

"Are you sick?" nag-aalalang tanong niya. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nag-aalala ring tumingin sa'kin.

"I'm not. Nahihilo lang ako," sagot ko.

Inalalayan akong tumayo ni Klaide.

"Raven, are you pregnant?!" medyo malakas ang boses ni Myne kaya halos makuha namin lahat ng atensyon ng mga tao dito sa loob. Napatingin din sa'min sina Zariyah at Roven. Kumunot naman ang noo ni Roven habang nakatitig sa'kin

Lumunok ako,"I'm not pregnant. Nahihilo lang ako,". Nauna na akong lumabas ng restaurant.

ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon