Kakapasok ko lang ng bar at may sumipol na agad sa'kin. Nakablack fitted dress lang ako ngayon at 3 inches heels. Nauna na ako kay Klaide ang tagal niya kasi daig pa ang isang babae.
"Raven!" sigaw ni Kylie, isa sa mga kaibigan. Napangiti ako at agad nagtungo sa kanila. Niyakap ko sila isa-isa. Lima kaming magkakaibigan, si Klaide lang ang lalaki. Since birth na ata kaming magbabarkada ei. Simula pa kasi bata kami, magkasama na kami palagi.
"Namiss ko kayo!" naiiyak kong sabi.
"Namiss ka rin naman. Ang tagal mong nawala," wika ni Myne.
Biglang may bumatok sa'kin.
"Aray!" reklamo ko.
"Ba't mo ako iniwan ha?" galit na tanong ni Klaide.
"Ang tagal mo kasi!" iritang sagot ko.
"Ehem LQ!" kutya ng mga kaibigan ko sa'kin. Inirapan ko nalang sila.
"Balita ko vet ka na ngayon, Raven," ani ni Vivian.
"Oo," sagot ko," mahilig kasi ako sa mga hayop," nakangiting dagdag ko sabay tingin sa kanila. Tinignan nila ako nang masama. Nagpeace sign naman ako sa kanila.
"Omoo!" sigaw ni Myne ,"si Roven ba yun?!" dagdag pa niya sabay turo sa lalaking kakadating lang.
Nanayo lahat ng mga balahibo ko. Unti-unti akong lumingon sa lugar na itinuro ni Myne. Pakshet! Mas lalo siyang gumwapo! Ang tangkad niya na, medyo pumuti siya ng konti, ang lakas pa rin ng dating nung mga mata niya, at yung lips niya pulang-pula. Jusq!
"Roven, lika dito!" tawag ni Vivian sa kanya. Sarap sapakin ng babaeng to.
Kunot-noong lumapit si Roven sa'min. Suplado mo niya pa rin pero infairness ang gwapo. Tumingin siya sa gawi ko at agad naman akong nag-iwas ng tingin. Lupa lamunin mo ako!
"Hey!" nanigas ako nung marinig ko ang boses niya.
"Raven, nandito si Roven oh. Diba siya yung crush mo dati?" pilyong tanong ni Kylie. Pag ito sinapak ko, tanggal ulo nito.
"Mga bata p-pa tayo nun," nahihiya kong sagot.
"Ngayon hindi na!" biro ni Myne. Nagtawanan naman sila except samin nina Klaide at Roven. Nakatitig lang si Roven sa'kin.
"Welcome back," walang emosyong sabi niya. Nginitian ko lang siya.
"Dito ka nalang, Roven. Wala ka naman atang kasama," ani ni Vivian. Tumango lang si Roven.
Umoroder na sila ng mga inumin. Pagdating ng order ay dali-dali kong kinuha ang vodka at nilagok ito. Ang pait!
"Dahan-dahan lang, Raven!" saway ni Klaide sa'kin.
"Hehehe," nahihiyang sabi ko. Kumaha pa ako tas nilagok ulit ito. Ang pait talaga! Medyo nahiya ako, hindi naman kasi ako masyadong umiinom.
Napatingin ako sa gawi ni Roven. Nakatitig pa rin siya sa'kin. Anong problema ng isang 'to? May dumi ba sa mukha ko? Tinaasan niya ako ng kilay. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Baklang 'to!
Kalma Raven, kalma.
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)
RomanceRaven's young heart fell in love with a boy younger than her. After she confessed her feelings,she was immediately rejected. To move on, Raven left. But when she came back, an accident happened that will change Raven's life. A life that she never wa...