CHAPTER 12: SAPILITAN

16 0 0
                                    

As usual, maaga ulit akong nagising at nagsusuka na naman. Naghilamos ako at nagtungong kusina. Hotdog at pork tocino lang ang niluto ko kasi mukhang hindi na naman kakain si Roven. Pagkatapos kong magluto ay hinanda ko na ang lamesa. Naglagay ako ng isang plato at kutsara't tinidor.

"Morning," bati ni Roven sa'kin. Nginitian ko lang siya.

Umupo na ako upang kumain. Laking gulat ko nang bigla siya kumuha ng plato't kutsara at umupo siya sa harapan ko.

"Uuwi ako mamayang 6 pm. Dapat nandito ka na ng mga oras yan," aniya.

Tumango lang ako. Hindi ko alam kung anong laman ng isipan niya. May plano ba siyang masama sa'kin o wala.

"Mauna na ako," wika niya at tumayo na.

Naiwan akong mag-isa sa bahay. Dahil bored ako, naisipan ko nalang ang maglinis. Pagkatapos kong maglinis ay napaupo ako sa sofa. Nakatunganga lang ako at wala na namang magawa. Biglang nagring ang cellphone ko. Tumatawag si kuya. Agad ko itong sinagot.

"Hello kuya, napatawag ka?" tanong ko.

"Bunso, yung pinatayo mong animal clinic natapos na," sagot niya.

"Talaga?!" gulat kong ani.

"Hahaha oo. Pwede mo na itong buksan next week," aniya.

"Ba't next week pa?"

"Bibili pa kami ng mga gamit,"

"Ay oo nga pala," ani ko.

"Oh siya, may gagawin pa ako. Mag-iingat ka lagi. Love you," wika niya.

"Love you too, kuya," pinatay ko na ang tawag.

Excited na ako! Ano kayang itsura non? Hindi ko kasi nakita dahil ayaw nila akong papuntahin dun. Gusto raw nilang masorpresa ako.

Tumayo ako. Gusto kong maghanda para sa opening ng animal clinic ko. Nagtungo ako sa kwarto ko at nagbihis. Lumabas ako ng bahay. Buti nalang talaga at may sasakyan ako. Sumakay ako dito at pinaandar ito. Tinuruan din kasi ako ni kuya na magmaneho. Naisipan kong pumunta ng parlor at spa. Gusto kong magkulay ng buhok.

Pagdating ko ay agad akong lumabas ng sasakyan. Pagpasok ko palang ay bulongan agad ang tumambad sa'kin.

"Diba siya yung asawa ni Roven?"

"Oo, siya yun. Pinakasalanan lang daw siya ni Roven dahil aksidenteng nabuntis niya ito,"

"Kawawa naman si Roven sapilitang pinakasalanan ang babaeng hindi niya naman mahal,"

"Ang dami na sigurong nakagamit sa babaeng yan. Najackpot lang siguro yan dahil si Roven ang ama ng batang dinadala niya,"

"Nagulat nga ako dahil sa balitang yun ei. Loyal kasi kay Zariyah si Roven, hindi ko-"

Agad akong lumabas at sumakay ulit sa kotse ko. Naiiyak ako. Hindi ako ganung klaseng babae. Kahit kailan hindi ako nagpagalaw sa kahit kaninong lalaki. Tama sila, alam kong si Zariyah ang mahal ni Roven. Alam ko ring sapilitan lang siyang nagpakasal sa'kin. Kaya ko namang palakihin ang bata kahit walang ama ei.

"Tang*na naman. Ang landi ko kasi"ani ko at tumawa.

Nakatulala akong umuwi sa'min. Lumabas ako ng sasakyan at pumasok na sa bahay. Mapait akong napangiti dahil sa malaking frame na nasa harapan ko. Picture naming dalawa ni Roven nung kasal namin. Pareho kaming hindi nakangiti.

Tumulo ang luha ko. Alam kong hangang ngayon hindi niya pa rin ako kayang mahalin. Si Zariyah ang nagmamay-ari ng puso niya at hindi ko ito maaagaw sa kanya kahit kasal na kami.

Nagvibrate ang cellphone ko. Pinahid ko ang luha ko at pilit na ngumiti.

ROVEN:

I'll be home by 6

Tumayo ako at nag-unat. Kailangan kong magluto. Nagtungo akong kusina. Lahat ng hinanakit ko ay inilabas ko sa pamamagitan ng paghihiwa. Minsan nga ay nadudurog na ang mga hinihiwa ko.

Ang aggressive ko naman masyado.

Nagring ang cellphone ko at sinagot ko ito agad.

"What's up, buntis!" bungad ni Kylie.

"Anong kailangan mong bruha ka?" tanong ko.

'Wow! Hindi ba pwedeng tumawag dahil namiss lang kita?" ani niya. Tumawa nalang ako.

"Nanganak na ba is u?" tanong niya.

"Baliw ka ba?" irita kong sabi.

"Sabi ko nga hindi pa. Babosh!" nagmamadali niyang sabi at pinatay ang tawag.

Baliw. Ipapamental ko na talaga yung babaeng yun.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Hindi ko alam kong masarap ba 'tong niluluto ko. May halong sama ng loob kasi.

ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon