CHAPTER 8: PUWERSAHAN

18 0 0
                                    

Mas pinili namin ni Klaide na isikreto kina mama at papa ang tungkol sa pagbubuntis ko. Simula nung nalaman ni Klaide na buntis ako, lahat ng gusto ko binibili niya. Para siyang tunay na ama ng bata kung umasta. Sana siya nalang yung ama, hindi yung impaktong Roven na yun.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Klaide sa kabilang linya.

Gabi na ngayon at gusto ko na sanang matulog. Napagod kasi ako kakacheck dun sa bagong clinic na pinagawa namin.

"Hmmm. Gusto ko ng langka," sagot ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Klaide.

"Sige, ihahatid ko diyan bukas," aniya. Napangiti ako nang malapad.

"Matulog ka na. Hindi maganda ang magpuyat kapag buntis, makakasama kay baby," dagdag pa nito.

"Opo opo matutulog na, daddy" biro ko at tumawa naman siya. Pinatay ko ang tawag at humiga na.

Nagising ako kinaumagahan dahil nasusuka ako. Tumakbo ako papuntang banyo.

"Ayos ka lang na, anak?" nagulat ako dahil nasa likuran ko na si mama. Nagtataka siyang nakatitig sa'kin.

"O-Opo," sagot ko.

Naghilamos ako at lumabas na ng banyo. Nakasunod lang si mama sa'kin. Lumabas ako sa kwarto ko. Hindi ko kayang tignan si mama.

Dumiretso akong kusina para umimom mg tubig. Bigla akong naduwal dahil sa baho ng pagkain.

"Manang, ang baho!" reklamo ko sa kasambahay namin.

"Ho? Paborito niyo po 'tong niluluto ko," aniya.

Nakakunot pa rin ang noo ni mama habang nakatingin sa'kin. Napalunok ako dahil sa kaba.

"Nak, nandito si Klaide. May dala siyang langka!" sigaw ni papa sa sala.

Ngumiti ako at tumakbo papuntang aala.

"Klaide!" sigaw ko at niyakap siya. "Ang baho mo!" lumayo ako sa kanya.

Tumawa lang siya sa inastas ko.

"May mga mangga rin akong dala," aniya.

Namilog ang mga mata ko. Dali-dali kong kinuha ang mga manga. Tumakbo akong kusina para balatan ito. Kumuha ako ng asin at sili.

"Ang sarap!" wika ko habang kumakain.

"Buntis ka ba?" seryosong tanong ni mama.

Tumigil ako sa pagnguya. Seryoso siyang nakatingin sa'kin.

"Buntis ka ba?" medyo pagalit niya ng tanong. Dahan-dahan ako tumango.

Hinilamos ni mama ang kanyang sa kanyang mukha. Bigla akong nanlamig.

"Klaide, ikaw ba ang ama?" tanong ni papa. "Panagutan mo ang anak ko Klaide! Bukas na bukas ang ikakasal na kayo!" dagdag pa nito.

"No!" tutol ko. Ayokong ikasal si Klaide sa'kin. Ayokong maging hadlang sa mga pangarap niya. Ayokong pagbayaran niya ang kasalanang hindi naman siya ang may gawa.

"Hindi po si Klaide ang ama," diretso kong sabi.

"R-Raven, ako n-"

"Si Roven po," ani ko.

"Alam na ba niya ang tungkol dito?" tanong ni papa.

Tumango ako "Oo pero hindi niya ako pananagutan. Gusto niyang ipalaglag ang bata,".

Huminga si papa nang malalim. Nagmartsa sa palabas ng bahay. Alam ko na kung anong gagawin niya. Tumakbo kami para sundan siya.

"Pa, please stop! Ayoko nang gulo!" sigaw ko pero hindi nakinig si papa.

Sumugod kami sa bahay nina Roven.

"Lumabas ka diyan, Roven!" sigaw niya. Tarantang lumabas si Roven at ang mga magulang niya.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng ina niya.

Imbis na sagutin ni papa ang tanong nito ay agad niyang sinugod si Roven. Sinuntok niya ito sa mukha. Binunot niya ang baril sa gilid niya.

No! Huwag ganito please!

"Papakasal mo ang anak ko o ididimanda kita!"

Napapikit ako at umiyak. Niyakap naman ako kaagad ni Klaide. Ayoko ng ganito! They can't force Roven to marry me!

ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon