10 YEARS AFTER
Nakangiti ako habang pababa ng eroplano. Huminga ako nang malalim. Iba talaga ang hangin sa Pilipinas kesa sa Canada. Nakangiti pa rin ako habang naglakakad. Nasa likuran ko sina papa at kuya. Pansin ko panay sulyap sa'kin ng mga lalaking nadadaanan namin. Bigla akong inakbayan ni kuya.
"Baka matunaw ka," biro nito. Umiling nalang ako.
Paglabas namin ay natanaw ko na agad sina mama, Riva, at wait is that Klaide?! Omooo! Tumakbo agad ako papunta sa kanila.
"Mama!" sigaw ko at niyakap siya. "Namiss kita!" dagdag ko pa.
"Anak, ang laki mo na," naiiyak na ani ni mama.
"Ate, lalo ka pong gumanda," wika ni Riva habang nakatitig sa'kin. Tumawa naman ako at nilapitan siya para yakapin.
"Kakadating lang namin, binobola mo na agad ako," biro ko. Nakatitig pa rin si Riva sa'kin. Manghang-mangha siya. Seriously?
"Welcome back," wika ng isang baritong boses. Napalingon ako kung san nanggaling yun. Napangiti ako, it's Klaide's voice. May dala siyang bouquet of flowers.
"Klaide!" sigaw ko at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik.
"Namiss kita," rinig kong sabi niya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.
"Wait a minute, tumangkad ka ata ah!" wika niya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Ehem!" tikhim ni kuya. "Uwi na tayo," dagdag pa niya. Nauna siyang sumakay sa sasakyan namin. Haist kuya.
"Hindi na kasya, Raven. Sumama ka nalang kay Klaide," nakangiting ani ni mama. Wow.
Wala naman akong magawa kundi sumakay nalang sa sasakyan ni Klaide. Tahimik lang kami buong biyahe habang ako nakatitig lang sa kanya. Mas lalong gumwapo si Klaide ngayon. Ang kisig na rin ng katawan niya.
"Stop starring at me. Alam kong mas gumwapo ako," biro niya. Tsk ang hangin pa rin!
Nag-iwas ako nang tingin. Nakuha ang atensyon ko sa isang billboard. Larawan ng isang magandang babae. Nakabikini siya, wait....
"Is that Zariyah?" tanong ko sabay turo sa billboard. Tumango lang si Klaide bilang sagot. Grabe kung maganda si Zariyah noon ay mas lalong gumanda siya ngayon.
"Kamusta na siya?" tanong ko kay Klaide.
"Who?" balik niyang tanong.
"You know who, Klaide," ani ko.
"Hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakamove-on?" biro niya. Pinalo ko ang braso niya. Ay ang tigas!
"He's fine. Siya na ang namamahala sa company nila," sagot ni Klaide. Well, only child siya ei. "he's also a model," dagdag pa nito. Ano na kaya ang itsura niya ngayon?
Nakarating na kami sa bahay namin. Bumaba ako at sumunod naman si Klaide.
"Thanks, Klaide. Pasok ka muna," wika ko.
"Huwag na. May gagawin pa kasi ako," ani nito. "Raven, mamaya punta tayong bar. Nagyaya kasi yung mga kaibigan natin," dagdag pa niya.
"Sure," nakangiti kong sabi. Sumakay na siya sa sasakyan niya. Kumaway ako sa kaniya at pumasok na sa loob ng bahay namin.
Finally, I'm home!
![](https://img.wattpad.com/cover/311134756-288-k20241.jpg)
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY PREGNANT (Verdadero Series 1)
RomanceRaven's young heart fell in love with a boy younger than her. After she confessed her feelings,she was immediately rejected. To move on, Raven left. But when she came back, an accident happened that will change Raven's life. A life that she never wa...