Chapter 27

230 14 0
                                    

"Slow down, beautiful. You will get drunk." bulong ni Val sa akin pagkatapos kong maubos ang isang bote ng beer.

"Isn't that the reason why people drink?" nakangising tanong ko sabay kuha pa ng isang bote.

I've never been drunk before. Mom and dad don't allow us to drink hard liquors. I only tasted wine so everything tonight is new to me. The alcohol tastes horrible. Seriously? Why do a lot of people get addicted to this? It tastes like poison.

Maliban sa nainom kong isang bote ng beer ay nakaubos na din kami ng tatlong na bote ng Bourbon. They all look so normal maliban sa akin na medyo tinatamaan na.

"We should do this a lot. You guys are the best!" halos pasigaw na sabi ni Cole habang nakaakbay kila Benjamin at Elijah.

Or I guess not. Sigurado akong hindi gugustuhin ni Cole na makadikit sila Benjamin kung nasa matino siyang pag iisip.

Aksidenteng napadpad ang tingin ko kay Kaylee. Halos matigil ako sa paghinga nang magtama ang mga mata namin. Agad akong nag iwas ng tingin. I can't handle the intensity of her stares. And why is she looking at me? She made it clear that she doesn't want to be around me. Kinuha ko nalang ulit ang isang bote ng beer at nilagok ang laman nito.

"If you have a problem, drinking is not the answer. You can talk to me about it, Liv." seryosong sabi sa akin ni Val.

Umiling ako sa kanya. "I don't have a problem, Val. Everything is doing well." ngisi ko sa kanya.

"God, you look so cute when you're drunk but I don't think this should happen again. You're grinning from ear to ear like an idiot and you can't even focus your eyes on something." naiiling na sabi niya.

"Cute is for dogs and you're right, younger Parker. She looks so cute." biglang sabat ni Jasmin sa aming usapan.

Sumimangot ako sa kanya. "Do I really look like a dog?" humarap ako kay Val. "Please tell me I don't look like a dog."

Narinig ko ang pagtawa nilang dalawa.

"You're drunk, Olivia. You should sleep." natatawang sabi sa akin ni Jasmin.

Kinuha ko ang nakakalat na takip ng alak at ibinato sa kanya. "I'm not drunk." madiin na sabi ko.

"Yes, yes. You're not." natatawa pa ring sabi niya.

"Let's play a game!" masayang sabi ni Marcial habang iwinawagayway ang isang bote ng beer.

"Oh no no no. I'll pass." iling ni Elijah.

"Me too." mabilis na sabi ni Jed.

"Me three." sabi ko naman.

"No! Everyone will play!" malakas na sigaw ni Jasmin sa tabi ko.

"Spin the bottle, babies." natatawang sabi ni Benjamin.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Elijah at Jed at halos sabay sabay na napatango. Akmang tatayo na kami upang umalis nang mabilis nila kaming pinigilan. Mabilis na pinaupo ni Cole si Elijah samantalang hinila naman ni Mikhael si Jed. Sabay namang hinawakan nila Val at Jasmin ang magkabilang braso ko.

"Everyone will play and that's final. Stop ruining the fun!" inis na sabi ni Jasmin.

Wala na kaming nagawang tatlo. Ang hindi makakasagot ng tanong at hindi magagawa kung ano man ang ipinapagawa ay iinom ng isang shot ng vodka. I swear someone might die due to alcohol intoxication tonight.

All 11 of us formed a circle. Nagsimula nilang paikutin ang bote at tumapat ito kay Marcial. She chose dare.

"Say something dirty to the person on your right." Jasmin giggled.

Bloodlines (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon