Chapter 35

243 15 0
                                    

"How did you know about that?" halos nauutal kong tanong.

"I heard mom talking to him on the phone. My dad caught your father lurking around the school. He's with the other witches from his coven when that happened. They've set up traps everywhere for that freaky organization but your dad was caught instead." mahabang paliwanag niya.

I trembled in fear. I'm silent hoping that Isaiah will do what Jassy said. That he won't kill another original. I can't lose another member of my family because of him. Hinding hindi ko siya mapapatawad.

"I need to go to my dad." matigas na sabi ko.

Tumango siya. "I know. We will sneak out. This time, we will use a cloaking spell." ngisi niya sa akin.

Just like what she said, we cast a cloaking spell on ourselves. We crossed the barrier again and we went to the old mill to get the car.

"Are you sure you know how to drive this thing?" kinakabahan kong tanong.

She's wearing a smug look on her face while gripping the steering wheel. Pakiramdam ko ay hindi magiging maganda ang kakalabasan nito.

"Do you trust me?"

Agad akong umiling sa tanong niya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Relax, Olivia. We're going to fly!" ngumisi siya ng malapad sa akin.

Mahigpit akong napakapit sa seat belt nag mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. Sigurado akong namumutla na ako sa sobrang kaba ngayon. Damn, she's so reckless. Ilang beses kaming muntik nabangga sa mga puno pero natatawa lang siya. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at hiniling na sana ay malagpasan ko ito. After a few minutes, bumagal ang takbo ng sasakyan. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong malapit na kami sa mansyon nilang itinuro niya sa akin noon.

"I won't go on a ride with you driving again." nanghihinang sabi ko nang tuluyang tumigil ang sasakyan.

She rolled her eyes. "We're in a rush. It saved us some time."

Lumabas kami ni Jassy ng sasakyan. Tahimik ang bahay at mukhang walang kung sino sa loob.

"Are you sure they're inside?" pabulong na tanong ko sa kanya.

"A hundred percent. Maybe they're in the basement." bulong niya pabalik.

Sinubukan naming buksan ang pinto pero ayaw nito bumukas. It's spelled.

"You're lucky you have a siphon witch on your side." ngumisi siya sa akin.

Inirapan ko nalang siya. She siphoned the magic from the door to lift the spell. One of the perks of being a siphon witch.

Maging ang loob ng bahay ay tahimik nang makapasok kami. Pasimple kong iginala ang mga mata ko sa paligid. There are pictures everywhere. Meron din isang napakaling portrait ng pamilya nila na nakasabit sa pader. It's the same picture as the one on their school flier. Gusto kong tignan ang ilan sa mga litrato ngunit wala kaming oras para doon.

"Why are you helping me, Jassy? Our families are sworn enemies." curious na tanong ko habang tahimik kaming naglalakad papunta sa basement.

Hindi ba niya naisip na maaaring patayin ni dad ang kanyang ama dahil sa ginawa nito kay uncle Harlan?

"Your dad saved me. I owe him. And your family is good to me for some reason." she whispered.

Napalunok ako. Hindi kaya alam talaga ng pamilya ko ang tungkol sa akin? Kaya ba maganda ang pakikitungo nila kay Jassy? Dahil alam nilang kapatid ko ito?

Napailing ako sa aking sarili. Hindi ito ang tamang panahon para isipin iyon. I need to save my dad.

Habang pababa kami ng basement ay may narinig kaming mga palahaw. I immediately recognized that voice. It's my dad's.

Bloodlines (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon