Chapter 12

260 15 0
                                    

"Kaye, smile!" I said as I clicked the camera.

Natawa ako dahil nakabusangot siya sa litrato. Ngayon ang unang araw namin sa Haling Cove High. We're all juniors, except Jed who is now a senior.

"You look good in your uniform." sambit niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

The school's uniform is simple. The cream colored blouse has the school's logo on it and the tie is checkered black and red in color, the same with the skirt. And of course, a pair of black shoes.

"Hey!" daing ko nang bigla niya akong kinunan ng litrato.

"I'm gonna send this to mom and dad." nagsimula siyang magtipa sa kanyang cellphone.

Lumapit ako at dumungaw sa cellphone niya. Napakunot ang noo ko sa ipinadala niyang mensahe kila mom at dad. It says 'Your favorite daughter is ready for school' at naka attach ang litrato kong kinunan niya.

"Kaye, are you jealous of me?" walang pag aalinlangan kong tanong.

Tinignan niya ako ng seryoso pero makalipas lang ang ilang segundo ay tumawa siya. Lalong kumunot ang noo ko. What's funny?

"What? No! Never." naiiling at natatawang sabi niya.

"You keep on making remarks about me being mom and dad's favorite." madiin na sabi ko.

Ngumisi siya sa akin. "Because you are. And not just our parents. You are everyone's favorite and that includes me. I would never be jealous of you. In fact, I'm jealous of them. I want you all for myself."

Umirap ako sa kanya at pilit na itinago ang nagbabadyang ngiti sa aking labi. Inakbayan ko nalang siya at itinapat sa aming dalawa ang camera. We took a lot of pictures to send to our parents until we received a text from Cole that he was waiting outside.

"Take care, girls. And have fun." nakangiting sabi sa amin ni aunt Reya.

Sabay kaming nagpaalam sa kanya bago lumabas ng bahay. Naabutan namin si Cole na nakahilig sa kanyang sasakyan.

"Good morning, wolf sisters. Ready for your first day?" pambungad niya sa amin.

He looks so handsome on his white polo with a tie, the same color as ours, and his black trouser. Well, he's always handsome. Pero madalas kasi ay puro hoodie o sweatshirt ang suot niya kaya naninibago ako.

"Today is your first day too, Collins." bored na sabi ni Kaylee.

"But unlike the two of you, I wasn't homeschooled. I'm simply returning. So… Let's go?"

Napailing nalang ako. Mas mukha pa siyang excited kaysa sa amin ni Kaylee. Their schedules are the same and I only share one class with them: History. Kaklase din namin sa subject na iyon si Val at kaklase ko din siya sa Physics. I have a music class while Kaylee took art. Cole is planning to join the football team. Niyaya niya din kami ni Kaye na sumali but I refused. I don't know if I can control my strength just like him. I don't want to hurt anyone. Si Kaylee naman ay umayaw din dahil ayaw niya daw kasama sa iisang grupo sila Val at Cole. Ewan ko ba sa kapatid ko. It's obvious that she considers them as friends and that she cares for them. Ayaw niya lang ipakita.

Naghihintay sa amin yung magkapatid sa parking lot nang makarating kami. Malapad ang ngisi ni Val nang lapitan niya ako pagkababa ko ng sasakyan.

"Good morning, beautiful. Your uniform suits you." ngiti niya sa akin at kumindat.

Yung totoo? Nakaprogram ba siya para laging kumindat? Kaunti nalang ay iisipin ko nang normal eye movement niya lang iyon.

"Thanks, Val. And good morning to you too." natatawang sabi ko.

Bloodlines (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon