Chapter 21

214 10 0
                                    

"Wow, Liv. Congratulations! You're still alive!" wika ni Cole at niyakap ako nang makalapit ako sa kanila.

Natatawa kong hinampas ang kanyang braso. "I can't be killed easily, Collins." biro ko.

"You'll be dead in a minute or two." bulong niya sa aking tainga bago kumalas sa yakap.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at sinulyapan ko sila Kaye, Val at Jed. Lahat sila ay hindi makatingin sa akin na para bang may masama akong ginawa.

"Cole?" tawag ko sa kanya na parang nagtatanong kung anong nangyayari.

Nagkibit balikat siya. "Good luck, Liv." saad niya at tumalikod sa akin.

Muli kong hinarap yung tatlo. "What's wrong?"

"What's wrong? You're asking us that?" may bahid ng inis na tanong ni Kaylee.

Napalunok ako. Nasa assembly hall kami ngayon at pinagtitinginan na ng ibang mga estudyanteng nandito. Maging sila Jasmin, Marcial, Mikhael at dalawa pang lalaki na kasama din nila noon ay nakatingin din sa amin.

"We sent you like thousands of text messages since last night and you didn't text back, not even once. We wanted to have dinner with you and you didn't come out of your room. You didn't join us for breakfast. And now you're asking us what's wrong?" muling sabi ni Kaye.

Inirapan ako ni Val samantalang si Jed naman ay halos hindi makatingin sa akin. God, we're making a scene here. I mean, Kaylee is making a scene. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng hall hanggang sa makarating kami sa restroom. I immediately locked the door and cast a soundproofing spell.

"Why did you bring me here?" she hissed.

"Because you were making a scene in front of all of the students?" inosenteng sabi ko.

Humalukipkip siya at humilig sa lababo. "Why didn't you come out of your room last night? Why weren't you answering our text messages? And why didn't you join us for breakfast this morning?" magkakasunod na tanong niya.

I gulped. "I was tired, Kaye. And I'm sure you will all just convince me to go to that party. I hate parties. And lastly, I don't want to eat breakfast."

Tumaas ang isang kilay niya. "How can you hate parties when you've never been into one?" sarkastikong tanong niya.

"I hate loud and crowded places." bored na sagot ko.

"You've always wanted to go to the concerts of your favorite bands." madiin na sabi niya.

I shrugged. "That's different."

She sighed in frustration. "Did you eat dinner last night? Please tell me our lunch yesterday wasn't your last meal." madiing sabi niya.

Napaiwas ako ng tingin. Pumuslit kami ni Elijah sa cafeteria nang hating gabi upang kumain. Sabi niya ay lagi niya iyon ginagawa tuwing nakakaramdam siya ng gutom. I ate a lot, kaya naman wala akong ganang kumain ng almusal. They told me to stay away from him. I can't tell them that I'm with him last night. Paniguradong mas lalong sasama ang loob nila sa akin.

I smiled at Kaye. "I ate dinner, don't worry."

She squinted her eyes. "There's something you're not telling me. What is it, Zenielle?" diniinan niya ang pagbigkas sa pangalan ko.

Napalunok ako. She sounded a lot like dad. She can be really scary sometimes. Lalo na kapag ganitong seryoso siya. Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko at nakitang nagtext si Cole.

"We're being summoned, Kaye. The assembly is about to start. We need to go."

We received a notice this morning that classes are cancelled because they will announce something important. Mas lalong nanliit ang mga mata ni Kaylee. Kapag mas lalo pa kaming nagtagal dito ay paniguradong mabubuking ako.

Bloodlines (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon