Chapter 37

250 12 0
                                    

Wala na si Kaylee sa loob ng kwarto pagkagising ko. I checked the time. It's already 9 in the morning. Pumunta ako sa banyo para maligo bago lumabas.

"Seriously, why are you acting weird?"

"I'm honestly scared. Did you bump your head into something?"

Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang usapan nila aunt Vera at aunt Riley sa dining room. Agad akong nagtungo doon.

Naabutan ko si Cole na nakapangalumbaba sa mesa habang nakatingin kay aunt Riley, si Val na namumugto ang mga mata habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Jed, at sila auntie Vera at auntie Riley na parehong nakangiwi habang nakatingin sa malapad ang ngising si Kaylee na mukhang nagluluto ng pancakes. Paniguradong nakausap na ni Jed si Val kaya ganito siya ngayon.

"Good morning." bati ko sa kanila at pumasok.

"Good morning, Liv!" masayang sabi ni Kaye at lumapit sa akin upang humalik sa aking pisngi.

Halos sabay sabay na napangisi sila Cole, Val at Jed sa ginawa niya. Lalo namang kumunot ang noo ng mga auntie ko. I gulped. Pasimple kong sinamaan ng tingin si Kaylee pero ngumisi lang siya bago bumalik sa kanyang niluluto.

Napamura ako sa isip ko. I asked her to keep our thing secret and she agreed. What is she doing?

"Your sister is acting weird, little one." wika ni aunt Vera.

"She's creeping me out." saad naman ni aunt Riley. "What's happening?"

Nakibitbalikat lang ako bago umupo sa gitna nila ni auntie Vera. Sinubukan kong umakto ng normal kahit ang totoo ay nagwawala na ang puso ko sa sobrang kaba. Damn, Kaylee Andrea. Mukhang hindi naman pinag isipan ng kung ano nila auntie ang ginawang paghalik ni Kaye sa pisngi ko. Kung sabagay, normal lang iyon dahil magkapatid kami. God, this is driving me crazy.

"Where's mom and dad? And our uncles?" tanong ko.

"They're with Lincoln. There's something important they need to do." sagot ni aunt Vera.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkislap ng kanyang mga mata nang banggitin niya ang pangalan ni Lincoln. Tumango ako at ngumisi sa kanya.

"Pancakes are done!" magiliw na sabi ni Kaylee.

Nagpipigil ng tawa sila Val at Cole samantalang si Jed naman ay ngumingisi. Lumukot ang mukha ko. She's definitely acting weird. And obvious. God.

"Bloody hell. I don't know how long I can take this." mahinang bulong ni aunt Vera.

"Maybe the world is ending." bulong naman ni aunt Riley.

Lumapit si Kaylee sa akin at isiniksik ang ganyang sarili sa pagitan namin ni auntie Riley. Palihim kong kinurot ang kanyang binti sa ilalim ng mesa pero ngumisi lang siya. I wanna strangle her.

Nagsimula kaming kumain at nagpapasalamat akong napunta sa ibang bagay ang usapan. Nagtama ang mga namin ni Val. Ngumisi siya sa akin at kumindat. Siguradong alam nila ang rason kung bakit iba ang inaakto ni Kaylee ngayon. Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya.

Halos mapasinghap ako ng maramdam ko ang kamay ni Kaylee na humaplos sa aking hita. Libo libong boltahe ng kuryente ang gumapang sa aking buong katawan. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero sinamaan niya lang ako ng tingin. What did I do this time?

"Stop flirting with her." matigas na sabi niya umirap.

Pakiramdam ko ay nabingi ako sa kanyang sinabi. Literal na natahimik ang lahat. Makalipas ang ilang segundo ay humagalpak ng tawa sila Cole at Val. Maging ang mga auntie ko ay natawa na din.

"Now that's the Kaylee Andrea I know." natatawang sabi ni aunt Riley.

"Stop ruining your sister's love life, Kaye. I really think you should get a boyfriend." sabi naman ni aunt Vera.

Bloodlines (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon