Alam mo 'yong wait?

774 28 0
                                    

"Hoy! Gising na!"

Ang aga-aga pa. Buwisit naman oh. Ang sarap ng tulog ko tapos bibitinin lang ng kumag na ito? Sarap patayin, e. Well, kung puwede lang naman.

Padabog akong bumangon at tumingin nang masama sa kanya.

"Anong oras pa lang? Hindi pa nga sumisikat ang araw, e."

"Para sa iyo rin naman ito, hindi ba? Kailangan bago sila gumising ay nakapaglinis ka na. Para payagan ka nila sa tour."

"Ano ka ba? Ang tagal pa noon."

"Kahit na. Ngayon pa lang, kailangan mo nang magpakitang-gilas para hindi nila masilip kung nale-late ka man ng uwi. Tutulungan naman kita e, don't worry." Lumuhod siya sa harapan ko. Naawa naman ako kaya pumayag na rin ako sa gusto niyang mangyari. Kahit masakit sa ulo ang mabitin sa pagtulog, okay lang. Matatanggihan ko ba naman ang maamo niyang mukha? Naku. Kung buhay lang siya, baka ako pa ang mapaluhod sa kanya.

"Sige na po. Pero sa tour, hindi ako sure kung papayagan pa ako."

"Bakit?"

"Aba. Nagtanong ka pa talaga, a? Ipapaalala ko lang sa iyo, since hindi mo na naaalala. Naiwan lang naman ako ng bus dahil sa kagagawan mo. Hindi kaagad ako nakauwi kaya pinagalitan nila ako. At lahat ng iyon ay dahil sa pananalbahe mo sa akin noon."

"Talaga? Ginawa ko 'yon? Amazing!"

"At talagang kinalimutan mo, a? Amazing mo mukha mo."

"Joke lang. Sorry na. Hindi pa ako normal mag-isip ng mga panahon na 'yan. I was immature and self-centered."

"Mabuti alam mo."

"Magtatalo pa ba tayo o hihintayin pa natin na 'yong haring araw ang maglilinis?"

"Ito na nga po, Boss. Alam mo 'yong wait?"

***

"Salamat sa pagtulong, a? Napakalaking tulong 'yang pagkanta mo, e."

Inirapan ko siya para malaman niya na hindi ako natutuwa sa ginagawa niyang pagkanta. Mabuti na lang at matatapos na ako sa paglinis at pagluto. Inihahanda ko na lang ang almusal na niluto ko para kina Tito Arthur.

"Choosy ka pa? Ito lang 'yong alam kong way para makatulong. Hindi ba kasi, palaging nakikinig sa radyo ang mga katulong kapag naglilinis? O, ako na 'yong radyo mo."

In fairness sa kanya, may boses. Kaso, bakit ako naging katulong dito?

"Hoy! Hindi ako katulong, 'no!"

"Sino ang kausap mo?"

Nagulat ako nang biglang magsalita si Tito. Kagigising lang niya at napansin kong nagtataka siya sa ikinikilos ko.

"Ah, wala po. Pinapraktis ko lang 'yong line ko sa play namin."

Wala na akong naisip na ibang dadahilan kaya 'yong pinakasimple na lamang.

"Kape po?"

"Sige, ako na. Salamat. Pakigising na lang ang Tita mo at si Joy."

"Sige po. Luto na rin po 'yong almusal."

Pagkatapos kong gisingin ang dalawa ay naligo at nagbihis na ako para makaalis na kami ni Lawrence. Habang nagbibihis ay biglang nagsalita si Lawrence.

"Kailan mo balak magpaalam?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil panty at bra pa lang ang nasusuot ko. Napatili ako nang hindi inaasahan.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi mo ba nakikitang nagbibihis ako?" Hindi ako makaharap sa kanya nang dahil sa sobrang hiya.

"Hindi. Nakatalikod ako e. Tsaka huwag kang mag-alala, hindi kita pagnanasaan. Pangit mo kaya. At alam ko naman na F-F ka, e. Marami na akong nakita na maganda at sexy, kaya huminahon ka."

Aba. Anong F-F ang sinasabi nito? Fokfok? Siraulo 'to, a. Ang sarap hampasin ng tubo.

"F-F?"

"Flat-Flat. Flat na 'yong hinaharap, flat pa 'yong butt. You know. Walang korte."

"Bastos! Lumabas ka nga rito! Kapag ako naasar, hindi kita tutulungan. At saka dapat nga, hindi mo ako inaasar e. Paano kita mapapatawad niyan kung palagi mo akong binubuwisit."

"Napatawad mo na ako 'di ba?"

"Ha? Sino ang nagsabi? Hindi pa 'no."

"Ako. Alam ko. Napatawad mo na ako."

Nagtapis muna ako at humarap ako sa kanya, nakita ko ngang nakatalikod siya.

"E, ako ang magdedesisyon non. Hindi ikaw. Ako ang magsasabi kung napatawad na ba kita o hindi pa."

"May mga bagay na kahit hindi mo sabihin, naipaparamdam mo naman."

Hala. Mukhang seryoso siya sa sinasabi. Sabagay. Napatawad ko na naman siguro talaga siya. Hindi ko naman siya tutulungan kung hanggang ngayon ay may sama pa rin ako ng loob sa kanya. Pero mas minabuti ko nang hindi sabihin para hindi lumaki ang ulo.

"Hindi pa nga. Ang kulit nito."

BIgla siyang humarap at ikinagulat ito. Nakatapis lang kasi ako. Dapat pala nagbihis na ako habang dumadada. Dahan-dahan siyang lumapit habang nakatitig sa aking mga mata. Para akong matutunaw. Hanggang sa ilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha. Halos magkadikit na an gaming mga labi.

"Sige nga, kung hindi mo pa ako napapatawad, halikan mo ako sa labi."

Namula ako sa sinabi niyang iyon. Ano ba 'to? Inaakit niya ako? E may Andrew na ako 'no.

Yumuko ako at tinulak siya.

"Parang baliw 'to. Hindi ako magpapahalik sa patay 'no. Yuck. Tsaka kung may makakahalik man sa birhen kong labi, ang gusto ko si Andrew."

Natawa siya sa sinabi ko, "Seryoso? Wala pang nakakahalik sa iyo?"

"Oo naman, 'no. Hindi ako kagaya ng mga babaeng ikinakama mo."

"Ang sabihin mo, wala lang gustong humalik," sabay tawa ulit niya nang malakas.

"Ang yabang mo talaga, no?"

Inirapan ko siya dahil sa ginagawa niyang pang-aasar. E, ano kung walang gusting humalik? At least nagsisipilyo.

"Tama na nga. Magbihis ka na para makaalis na tayo. May pupuntahan pa tayo. Isa pa, ang sagwa ng hitsura mo kapag nakatapis."

Hobby talaga niya ang insultuhin ako. Pero ayos lang. At least ngayon, alam kong biro lang.

Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa  Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon