Not So Good Morning

1.6K 51 4
                                    

"Chuchi!"

Ginising ako ng isang napakalakas na sigaw. Para itong sirena ng ambulansya na nakaririndi sa pandinig.

Ang aga-aga nababaliw na naman ang pinsan ko. Hindi ko ba alam kung bakit napaka-init ng dugo niya sa akin. Kada kibot, Chuchi. Kada utot, Chuchi. Kulang na lang yata pati paghugas ng puwit niya, ako pa.

Hindi pa nga tumutunog ang alarm clock e. Palagi kasi akong advance ng isang oras sa paggising. Gusto ko kasi na maayos na ang lahat bago pa gumising sina Tito at Tita.

Lumingon ako sa dako kung saan ko inilalagay ang alarm clock bago matulog upang tingnan ang oras.

Peste! Naloko na! 

Tsaka ko lang naalala na inihagis ko nga pala ang alarm clock kanina. 

Naku naman. Akala ko panaginip lang.

Kasi namang panaginip yan e, hinabol-habol ko pa. Nalimutan ko na naka-kotse pala siya. Ang ending, binangungot ako. 

Dali-dali akong nagtungo sa kusina upang magluto ng almusal. Hindi na ako nagsipilyo dahil sa pagmamadali. 

Matapos akong makapagluto ng pinritong itlog, hotdog at ham ay dumiretso ako sa lamesa kung nasaan ang pinsan kong pinaglihi sa sama ng loob. Nakabusangot ang mukha nito na parang kasasabak lang sa digmaan. Hindi ko alam kung iyon ba ang natural niyang mukha kasi ganun naman palagi kasama ang kanyang mukha. Kaso parang may kulang? 

Wait. 

Nasaan sina Tito? Naku. Baka kinain na niya yung parents niya. Kaya pala ganyan yung mukha niya dahil kaka-transform lang niya bilang tao mula sa pagiging halimaw. 

"Stop staring at me, idiot!" 

Wow, english. Feeling sosyal talaga 'tong bruha na ito. Tinawag pa akong idiot, akala naman niya masasaktan ako. E hindi ko naman alam ang ibig sabihin n'on.

Isang pang-beauty queen na ngiti lang ang iginanti ko. As usual, inirapan lang niya ako. 

"Nasaan sina tito?" tanong ko kay Joy.

"Obvious ba? Kanina pa sila umalis dahil wala silang kakainin. Sa labas na lang daw sila mag-aalmusal. Feeling Prinsesa ka kasi. Nauuna pang magising yung mga amo mo sa iyo," pagmamaldita niya.

"Excuse me, ang huling pagkakaalam ko mag-pinsan tayo at tito ko ang daddy mo. Tumutulong lang ako dahil pinag-aaral ako ni tito." Hindi ako nagpatalo, nagtaray rin ako at inirapan ko siya.

"Ganun na rin iyon. Katulong ang tawag doon," madiing sabi nito habang umiirap. "Ilapag mo na nga yan. Kanina pa ako nagugutom, hindi ako pwedeng ma-late ngayon." 

Sus. Kunwari ka pa, patay-gutom ka lang talaga. Sa isip-isip ko.

"Eto na nga, Ikaw nga 'tong feeling prinsesa. Hindi marunong magluto ng sariling almusal," bulong ko sabay kuha ng isang hotdog at akmang uupo. Nagugutom na rin kasi ako at hindi rin ako maaaring mahuli sa klase.

"Oh. Anong ginagawa mo? Bakit ka uupo?" tanong ni Joy sa akin. Nakaka-asar pa yung mukha niya habang tinatanong ako. 

"Ano pa. E, di mag-aalmusal. Alangan namang mag-hapunan ako rito, anong oras pa lang. Isip-isip din," pamimilosopo ko sabay subo ng malaking hotdog. 

"Ibig kong sabihin, bakit kakain ka na? Hindi sumasabay ang katulong sa mga amo nila. Unethical kaya yun." Napatingin ako sa tinuran niya. Grabe talaga ang ugali ng bruhang ito. 

"Ay wow. Anong alam mo sa ethics, eh wala ka naman nun," pang-asar kong sagot sa kanya.

"Ewan ko sa iyo, nawalan na ako ng gana. Bago ka pumasok ng school i-lock mo ang bahay. Baka pasukin ito ng magnanakaw.

Oh wait, let me rephrase that. Baka papasukin mo yung mga kaibigan mong magnanakaw. Sige na, at hindi ako pwedeng ma-late." Iyon ang kanyang huling hirit bago tuluyang umalis.

"Hala. Ikaw nga tong malakas mangupit sa nanay at tatay mo eh. Pwede ka ngang maging magna cum laude.

Tingnan mo, umalis na naman ng hindi umiinom ng gamot. Tiyak magwawala na naman mamaya iyon sa school." Napapailing na lang ako sa kung paano niya ako tratuhin.

Minsan hinihiling ko na magkaroon na siya ng lovelife, baka sakaling magbago ang pakikitungo sa akin. Gusto ko siyang makahanap ng prince charming na hahalik sa kanya upang mawala na ang sumpa. Sumpa ng pagiging echoserang palaka.

"Ay. Anong oras na pala. Makaligo na nga," pagmamadali nito.

Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa  Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon