Mission Almost Impossible

1.1K 41 1
                                    

"Ano ba kasing plano mo?" tanong ko kay Lawrence.

"Basta, trust me."

Nandito kami ngayon sa mansyon kung saan nakatira, I mean, dating nakatira si Lawrence. Hindi ko alam kung ano ang plano niya. Tulad nga ng sinabi niya, pagkatiwalaan ko siya. Kaya ito ngayon ang ginagawa ko kahit na halos malaglag na ang puso ko sa sobrang kaba.

"Nasa amerika ang buo kong pamilya. They took a vacation after ng libing ko. Si Manang lang ang tao ngayon diyan dahil linggo ngayon, day off ng tatlo naming katulong."

Kahit na sinabi niya iyon ay hindi ko pa rin siya maintindihan.

"Kailangan mong makuha ang credit cards at atm cards sa kuwarto ko."

"Ay, naku. Tigilan mo ako, Mr. Legarda. Baka mamaya pagbintangan pa ako na magnanakaw!" tutol ko sa naisip niya.

"But we need those cards para matulungan mo akong makatawid. Hindi basta-basta 'yong misyon ko. Working pa rin ang mga cards ko since halos isang linggo pa lang naman ang nakakalipas simula noong mamatay ako. Hindi pa maaasikaso ni Dad 'yong pag-deactivate ng mga iyon."

"Baka kasi gusto mong ipaliwanag muna kung ano 'yong mga misyon mo at kung ano 'yong mga plano mo para naman hindi ako magmukhang tanga. Paano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin sa akin? You told me to trust you. Pero mukhang hindi mo ako pinagkakatiwalaan."

Naiirita na ako dahil ayaw man lang niyang sabihin sa akin kung ano 'yong mga misyon niya. Kung tutuusin, hindi ko naman kailangang gawin ito. Sa dami lang ng mga kasalanan niya sa akin, e. Sapat na dahilan na iyon para hindi ko siya tulungan. Pero ewan ko ba kung bakit nandito ako ngayon at handang ibuwis ang buhay ko para lang makatawid siya sa langit.

"Bakit ba kasi nagmamadali ka? Sasabihin ko rin naman sa iyo sa tamang panahon. It's just that—"

"Tamang panahon? Hello!? Ako lang naman 'yong isasabak mo sa giyera. At ano? Wala man lang akong dalang bala? Puwedeng-puwede kong ipahamak 'to."

Tinalikuran ko siya at nag-walk out. Kung ayaw niyang sabihin, e di wag.

"Where are you going?" sigaw niya.

"Uuwi na ako!"

"Bakit ka uuwi?  Kailangan nating makuha iyon."

"Natin? Huwag ka ngang magpatawa. Ang alam ko, patay ka na. So technically, ako lang ang kukuha noon para sa iyo."

"Magnanakaw lang naman ako ng mga bagay na hindi ko pagmamay-ari. Gets?"

"Pero akin iyon. At may permiso ko na kunin mo iyon."

Hindi niya maintindihan ang punto ko. Ewan ko sa multong ito. Patay na nga, tanga pa. Naglalakad kami sa exclusive village kung saan siya nakatira noong nabubuhay pa. Mabuti na lang at wala masyadong tao dahil iisipin ng mga makakakita sa akin na may saltik ako sa ulo. Nagsasalitang mag-isa.

"Kahit na may permiso mo, Mr. Legarda. Patay ka na."

"At kapag may nakahuli sa akin, iisipin nila na ninanakaw ko iyon. Kaya mo bang sabihin sa kanila na, Uy! ako ang nag-utos sa kanya para nakawin iyan."

Pinipigilan niya akong umuwi pero hindi ko siya sinusunod. Mamatay siya sa kakasunod. Ay, patay nap ala talaga.

"Okay. I'm sorry, sasabihin ko na."

"Now na?" Huminto ako sa paglalakad.

"Oo. Now na."

"As in, now na now na?"

"Oo nga. Ito naman, puro kalokohan," nakasimangot niyang saway sa akin.

Niyaya niya akong umupo sa isang bench na malapit sa playground pero tumanggi ako. May mga naglalaro kasing mga bata at malapit doon ay ang mga yaya nitong nagtsitsismisan. Nakatingin sila sa akin lahat. Malamang ay nakita nila akong nagsasalitang mag-isa at iniip nilang isa akong baliw.

Imbes na umupo ay naglakad pa kami hanggang sa makalayo sa playground. May nakita akong isang kubo at agad akong tumakbo dahil walang tao.

"Game? Tayong dalawa na lang dito." nakangiti niyang tanong sa akin.

"Anong game?" nanlalaking matang tanong ko sa kanya.

"Sasabihin ko na 'yong misyon ko sa iyo. Bakit? Anong akala mo?" natatawa niyang tanong.

"Wala. Ayusin mo kasi." Inirapan ko siya.

"Feeling mo naman! Hitsura nito," sabay tawang muli.

"Sige na! Sabihin mo na."

"Okay. I have three missions. First, kailangang makahingi ako ng tawad sa mga taong nagawan ko ng kasalanan. At syempre kailangan nila akong mapatawad. Kasama ka roon."

"Ha? Bakit ako?"

"Maybe dahil is aka sa mga pinaka-nagawan ko ng kasalanan sa buong buhay ko."

Kinabahan na naman ako. Pakiramdam ko kasi, kailangan ko ring humingi ng tawad sa kanya dahil sa curse na nabanggit ko noong umagang mabunggo siya ng truck.

"Tapos?"

"Second, kailangan kong makahanap ng taong magmamahal sa iyo kahit na ganyan ang hitsura mo. Sa madaling salita, kailangan kitang hanapan ng lovelife."

"Aray. Grabe 'yong tagabantay na 'yan ah! Sumusobra na siya. Feeling ko may galit siya sa akin!"

Bakit ako? At saka, lovelife talaga? Hindi ko naman kailangan noon. Masaya na ako sa buhay ko. Kung may darating man, salamat. Pero hindi na para hanapin pa. Naniniwala kasi ako na ang pag-ibig ay kusang dumarating sa buhay ng isang prinsesang kagaya ko, hindi ito hinahanap. Naniniwala rin ako na ang pag-ibig ay parang pagpitas ng mangga, dapat hinog na para matamis. Dahil kung pipitasin mo nang maaga, kung hindi mapakla, maasim.

"Hindi ko kailangan ng lovelife 'no!"

"Pero ako, kailangan ko. Kailangan kitang bigyan ng lovelife dahil kung hindi, sa impyerno ang bagsak ko."

Ay. Oo nga ano? Kawawa naman siya. Sige na nga, payag na ako. Pero hindi ako malandi, a? Medyo lang.

"E, ano 'yong pangatlo?"

Bigla siyang hindi naka-imik nang tanungin ko iyon. Sa reaksyon ng mukha niya ay para bang may nasabi akong hindi niya nagustuhan. Pero ano naman 'yon? Para tinanong ko lang 'yong pangatlong misyon.

"May nasabi ba akong masama?"

Bigla siyang ngumiti. Nababaliw na 'yata ang isang ito.

"Ah, wala. Okay lang ba kung hindi ko na muna sabihin? Tutal, wala ka namang kinalaman sa pangatlo kong misyon, e."

"Ganun? Por que wala akong kinalaman, hindi mo na sasabihin? Ang daya naman. Confidence ba?"

Biglang napakunot ang kanyang noo. Mukhang may nasabi na naman akong hindi niya nagustuhan.

"Anong confidence?" tanong niya.

"Iyong pangatlong misyon mo. Kung confidence ba. Kung hindi puwedeng sabihin. Ano ba 'yan, tanga."

Bigla siyang tumawa nang malakas, "Ako pa talaga ang tanga, a. Baka ibig mong sabihin, CONFIDENTIAL!"

Napalunok na lang ako ng laway. Kaya ayaw kong nag-iingles e, palaging sumasablay. E, kinakausap kasi niya ako in English kaya nahahawa tuloy ako.

Tumawa rin ako nang malakas, magpapanggap ako na pinapatawa ko lang siya.

"Alam ko 'yon, ano ka ba. Pinapatawa lang kita. Alam mo na, Joker." Hindi na maipinta ang mukha ko sobrang hiya. Ayaw kasing tumigil sa kakatawa ng isang 'to e. Akala mo naman napakagaling magsalita ng ingles. Kainis.

"Talaga lang, a?" pang-aasar pa niya.

"Oo. Kasali nga dapat ako sa Goin' Bulilit e. Kaso nandoon na raw si Kiray."

Mas lalo pa siyang natawa sa sinabi ko. Nakakahawa 'yong pagtawa niya kaya natawa na rin ako. Napuno ng tawanan ang kubo na iyon ng dahil sa katangahan ko sa ingles.

Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa  Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon