Ang gatas with a twist, bow.

2.4K 97 17
                                    

Alas-dose na nang gabi pero abala pa rin ako sa paggawa ng assignments. Ang masaklap pa, pati assignments nitong monggoloid kong pinsan, sa akin ipinapagawa. Nakakaasar! Kung marunong lang akong mangkulam, matagal ko nang ginawa sa isang ito. Kanina pa ako inaantok pero wala akong magawa kung hindi gawin ang mga dapat gawin.

"Hoy. Get me a glass of milk naman, o." Aba, ang kapal ng mukha. Inutusan pa ako samantalang wala naman siyang ginagawa bukod sa pagseselfie. Ang sarap lunurin sa gatas.

"Kung maka-HOY naman 'to. May pangalan po ako. Gusto mo ipakita ko pa sa 'yo yung birth certificate ko, e," sagot ko. Ganito madalas ang eksena naming magpinsan. Paano ba naman, napaka-maldita.

"Sumasagot ka na? Gusto mong isumbong kita kay mom and dad para palayasin ka nila rito?" At nananakot pa. Yan ang palagi niyang panakot sa akin para sundin ko ang utos niya. Ang hindi niya alam, wala naman sa aking epekto. Hindi naman kasi masama ang ugali ng parents niya kagaya ng ugali niya. Ewan ko ba kung saan yan nagmana. Pero sinusunod ko pa rin ang lahat ng i-utos niya sa akin dahil na rin gusto kong makabawi sa tulong na ibinibigay ng kanyang mga magulang.

"Eto na nga, ano bang gusto mo. Fresh milk, soya milk, sterelised, condensed, evaporated, coconut milk, lahat ng milk dadalhin ko rito para sa iyo mahal na prinsesa."

"Pinipikon mo ba ako?" bulyaw ni joy.

"Napipikon ka na ba? Ay este, hindi Joy. Love na love kaya kita, bakit naman kita pipikunin?" Ang sarap talaga niyang asarin. Nagiging kamukha niya si Mommy Dionesia sa tuwing magagalit.

"Dalian mo na nga. Ikuha mo na ako ng gatas. Susumbong talaga kita kay mommy kapag hindi ka kaagad bumalik," pagmamaktol niya. Ang arte talaga. Ang sarap batukan sa nipples.

"Dalian mo na nga. Ikuha mo na ako ng milk. Susumbong talaga kita kay mommy. Nyenyenye. Ang arte."

Tumayo na ako upang pumunta sa kusina pero may pahabol pa ang palaka.

"Anong sinasabi mo?" iritang tanong niya sa akin.

"Wala. Sabi ko eto na, kukuha na ng milk. Yung galing sa dodo ng cow."

Chura nito. Feeling maganda. Kamukha naman ng aso niya. Mas cute pa nga yung aso niya eh. 'Di hamak na mas maganda ako sa kanya, bulong ko sa sarili.

Ay. Kung makapag-salita naman ako 'di ba. Parang ang ganda ko rin. Mali pala, 'di hamak na mas pangit siya sa akin, kaunti na lang at mahahawa na ako sa pagiging baliw ng pinsan ko e. Kanina pa ako bulong nang bulong sa sarili.

Dumiretso na ako sa kusina upang kumuha ng gatas pero ewan ko ba bakit biglang napatingin ako sa banyo.

Bright idea!

Makakaganti rin ako sa lahat ng pagpapahirap niya sa akin. Bakit ba ngayon ko lang ito naisip?

Pagkatapos kong itimpla ang gatas with a twist, nangingiti akong bumalik ng sala upang i-abot ito sa kanya.

"Joy, ito na yung gatas mo oh." Inabot ko sa kanya yung gatas. Pinipigil ko ang aking tawa dahil ayaw kong mahalata ang aking ginawa.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" binigyan niya ako ng isang pailalim na tingin. Mukhang makakahalata yata. Sana huwag naman.

"Ha? Loka, hindi naman ako naka-ngiti ah." Sumimangot ako upang hindi niya ako paghinalaan.

Tumingin muna siya sa basong inabot ko.

Inumin mo na! Sa isip-isip ko.

Para bang nag-slow motion ang pag-inom niya sa gatas na itinimpla ko.

Kitang-kita ko ang bawat paglagok niya rito.

Hindi ko mapigilan ang sarili kaya't lumabas ako upang hindi niya ako marinig na tumawa.

Sa labas ako humagalpak ng tawa. Halos maiyak na ako sa tuwing maiisip ko na kalahati sa tubig na ginamit ko upang itimpla ang gatas na ininom niya ay galing sa inidoro.

Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa  Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon