Pabebe 101

1.5K 53 13
                                    

Ay naku. Panigurado, late na naman ako sa klase ni Mrs. Tayo. Ihahanda ko na ang sarili ko dahil malamang niyan ay sasabunin na naman niya ako. Kung ano-anong masasakit na salita na naman ang maririnig ko dahil lang nahuli ako sa klase niya. Ewan ko ba 'ron. Dala yata ng pagiging menopause niya. Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung magiging ganoon din ba ako kapag tumanda na. Inihanda ko na kasi ang isipan ko na tatanda akong mag-isa at walang kasama. Pero syempre, nangangarap pa rin ako na may isang taong inilaan para sa akin ang Diyos. Kahit pa sabihin na nagkamali pa siya sa akin, okay na ako 'ron.

Kinakabahan na ako.

Sumabay pa ang pagkakataon dahil wala man lang dumaraan na tricycle kahit isa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mainis. Kamalas-malasan nga naman. 

Kung may daraan man, ayaw akong hintuan. Choosy pa. 

Ano? Dahil pangit ako kaya ayaw nila akong isakay? Aba, akala mo kung sinong mga pogi. Sarap bunutan ng tutsang sa ilong para matauhan. 

Maya't-maya ang tingin ko sa orasan. Pakiramdam ko ay mabilis ang pagpatak ng bawat segundo. 

Alam mo 'yong pakiramdam na hindi ka naman natatae pero ang sakit ng tiyan mo nang dahil sa inip? Utot ka nang utot dahil pakiramdam mo ay nalanghap mo na lahat ng kamalasan.

Ayaw ko talaga ng ganitong pakiramdam. 

Ilang saglit pa ang lumipas ay may isang magarang sasakyan ang huminto sa aking harapan. Napakunot ako ng noo dahil sa dami ng paparadahan, sa harap ko pa talaga. Mukha ba akong parking area?

Naglakad ako at bahagyang lumayo kung saan ako nag-aabang ng masasakyan kanina. Pero nagulat ako nang marahang umandar 'yong sasakyan palapit sa akin. Muli, huminto na naman ito sa aking harapan. 

Kahit na hindi ko makita ang tao sa loob nito ay sumimangot talaga ako at ipinakitang naiinis ako sa ginagawa niya. 

Pero sumagi sa isip ko ang isang ideya. What if?

Biglang nagbago ang mood ko. Para akong transformer at kaagad na nagpalit ng anyo mula sa isang galit na halimaw hanggang sa isang ganda-gandahang prinsesa. 

Kinikilig na ako. Malay mo nahalina siya sa taglay kong karisma habang nakatayo at nag-aabang ng masasakyan. Ganun 'yong mga napapanood ko sa pelikula e. Kung hindi ako nagkakamali, love at first sight ang tawag doon. Kahit na hindi ako maganda. Talented at mabait naman. Baka nakita niya ang kabutihan ng aking puso sa pamamagitan ng aking malamlam na mga mata.

Hinawi ko nang marahan ang aking buhok at nakangiting tumingin sa bumababang bintana ng sasakyan. 

Ano ba 'yan. Kasi naman 'to. Huwag mo nga akong pinapakilig! Ano? Will you marry me agad. 'Wag kang ganyan. Strong 'yong parents ko, parang baliw na bulong ko sa aking sarili.

Walang mapaglagyan ang kilig na nararamdaman ko hanggang sa makita ko ang lalaking may hawak ng manibela. 

Agad na nagsalubong ang aking kilay dahil si Lawrence lang naman ang nasa harapan ko. Diyos ko naman, sa dinami-dami ng taong makakasalamuha ko ngayong nagmamadali ako. Siya pa talaga?

Nakaka-highblood!

Siya lang naman ang dahilan ng lahat paghihirap at pasakit ko sa eskwelahang pinapasukan ko. 

Biruin mo, umuwi akong mabaho nang minsan buhusan nila akong magbabarkada ng tubig na panay tae ng kalabaw. Bawat taong madaraanan ko ay nagtatakip ng kanilang ilong sa sobrang baho ng amoy ko noong panahon na iyon. Pinagtatawanan ako, pinangdidirian, at iniiwasan.

Isipin mo kung gaano kabaho at karumi ang hitsura ko noon. Pangit na nga, bumaho pa.

Isang beses pa, naiwan ako ng bus noong nagkaroon kami ng tour sa Intramuros. Wala akong kapera-pera. Muntik ko nang ibenta ang katawan ko dahil doon. Kaso wala namang may gustong bumili sa aking murang katawan.

Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa  Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon