Ang teacher kong negosyante.

1.2K 48 11
                                    

Habang papalapit ako sa aming classroom ay mas lalo akong kinakabahan. Anong rason na naman ang tatahiin ko para lang maniwala si Mrs. Tayo sa akin. Hindi ko alam  kung paniniwalaan pa niya ako sa dami ng mga dahilan na nasabi ko na dati.

Pero kaya ko ito. Ako pa ba?

Bago tuluyang pumasok ay isang malalim na paghinga ang aking ginawa. 

"Good morning, Ma'am! Sorry I'm late!" bungad ko kaagad sa kanya. 

"Late ka na naman! Ano na namang idadahilan mo? Traffic? Basa panty mo?" sigaw ni Mrs. Tayo sa akin. 

"Luma na yang mga dahilan mo! Wala bang mas bago at 'yong mas kapani-paniwala?" Natigil siya sa pagsusulat sa pisara at itinuon ang pansin sa akin. Ganun din ang lahat ng mga kaklase ko. Nakatingin sila sa akin habang pinagagalitan ng matandang dalaga naming guro.

"Ma'am, sorry po. Pero totoo po ito. Nasagasaan po ang pinsan ko ng kotse. Wasak ang mukha," pag-iimbento ko.

Tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Ma'am, seryoso po ako. May trabaho po kasi ang mga magulang niya kaya ako po ang nagbantay sa kanya mula kagabi hanggang kaninang umaga." Nangingilid na ang luha sa aking mga mata. Mabuti na lang at mahilig akong umarte noong bata.

"Ma'am. Hindi ko nga po alam kung mabubuhay pa siya. Masyado kasing malala ang tama sa mukha," malungkot kong pahayag. Kaunti na lang, mukhang mapapaniwala ko na siya.

"Hmmm. Totoo ba 'yang sinasabi mo?" nag-aalala niyang tanong. Success! Naniwala na siya. Ito na 'yong pagkakataong hinihintay ko para patuluin ang mga luha sa aking mga mata.

Yumuko ako at kunwaring humagulgol. Lumapit siya sa akin at binigyan ng isang yakap. 

"Tahan na. Ano ba ang nangyari sa pinsan mo?" 

"Hindi ko nga alam, Ma'am. Hanggang ngayon ay wala pa siyang malay. Ayaw ko na po munang pag-usapan ang nangyari. Masyado pong masakit dito," sabay turo sa aking kaliwang dibdib.

"O sige, maupo ka na," tinatapik-tapik pa niya ang aking likuran. Nakayuko naman akong naglakad papunta sa aking silya na may kasama pang paghikbi.

"Teka, Ms. Baruga." Napatigil ako sa aking paglalakad dahil sa pagtawag niyang iyon. Medyo nanlaki ang aking mga mata dahil mukhang alam ko na ang patutunguhan noon.

"May papel ka ba? May exam kasi tayo mamaya." 

Naku po. Patay na. Wala pa naman akong pera. 

"Ah--eh. Meron po, Ma'am." Sinagot ko ang kanyang tanong nang hindi lumilingon. 

"Ay. Sayang naman. May tinda pa naman akong mga papel. Iba't-ibang kulay. Ang cute kaya. Tingnan mo, baka magustuhan mo." Grabe talaga. Akala ko nakalusot na ako. 

Isa si Mrs. Tayo sa mga guro na mahilig magbenta ng kung ano-ano. Hindi ko naman sila masisisi dahil alam kong hindi sapat ang kanilang kinikita bilang guro upang matustusan ang araw-araw na pamumuhay. 

Pero huwag naman ngayon. Wala akong pera!

"Ballpen? Alam ko, wala kang ballpen." Lumingon na ako sa kanya dahil alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako nabebentahan ng kahit isa man lang sa kanyang mga paninda.

Lumapit ako sa kanya para bumili ng ballpen. Magagamit ko naman iyon kaya okay lang. First time kong bumili ng ballpen ngayong taon. Palagi kasi akong nanghihiram sa mga kaklase ko ng ballpen. Hindi ako kuripot ah, matipid lang talaga.

Noong namimili na ako ng ballpen ay pilit niyang inilalagay ang halos limang ballpen sa kamay ko.

"Sige na, kunin mo nang lahat 'yan. Mura lang 'yan, bente isa," nakangiti niyang pagbebenta sa akin.

Diyos ko naman. Anong gagawin ko sa limang ballpen? Tapos ang halaga, bente? HBW? Bente? 

"Ay, Ma'am. Wala po akong pera ngayon e. Sa susunod na lang, papakyawin ko lahat 'yan," pang-uuto ko sa kanya.

"Ano ka ba naman. Puwede namang hulugan iyan. 'Yong kalahati, ngayon. Tapos 'yong kalahati bukas." Ayaw patinag ni Ma'am. Akala niya hindi ko nahahalata na ilang minuto na ang nakokonsumo namin sa pagbebenta niyang iyon. Mukhang tinatamad magturo.

At anong klaseng hulugan iyon? Dalawang araw lang? Kung isang ballpen nga, wala akong pambili. Lima pa? 

"Ay, Ma'am. Promise talaga, kapag may pera na ako sampu pa ang bibilihin ko," pangungumbinse ko sa kanya.

"Hmm. Sige na nga, basta sa susunod ah." Mukhang nadismaya ang matanda. Pero buti naman at pumayag na. 

Inabot ko ang huling bente sa aking bulsa. Maglalakad na naman ako mamaya. 

"Teka, baka gusto mong umorder ng Tocino at Longganisa? Meron ako, mura lang. Pati pala Peanut Butter." 

Lahat na lang talaga? Grabe na siguro 'yong pangangailangan nitong guro namin. Ayaw magbenta.

"Ang sipag niyo naman, Ma'am. Lahat talaga? E, Panty? Hindi kayo nagtitinda?" pagtanggi ko sa alok niya.

"Ay, gusto mong panty? Meron ako, SO-EN. Ilang box?"

Nanlaki ang mga mata ko. Pati Panty, hindi pinatawad? Narinig ko ang mga kaklase ko na nagpipigil ng tawa nila.

"Biro lang, Ma'am. Baka pati Dildo, nagtitinda kayo ah?" Huling hirit ko bago tuluyang tumalikod.

"Ay bastos kang bata ka!" Pigil ang hagikgik niya. Pero nagulat ako sa ibinulong niya sa akin.

"Pero gusto mo ba talaga? Meron ako sa bahay. Kaso second hand. Ginamit ko noong nangibang-bansa si Mister. Gusto mo? Tatlong beses ko lang nagamit iyon. Bigyan kita ng malaking discount." Kinikilig pa siya habang ibinubulong iyon.

Muntik na akong masuka.

Hindi ko maisip na pati iyon ay magagawa niyang ibenta. At ang malupit, gamit na! 

Ibang level na ang pagiging negosyante ng matandang ito. Gipit na gipit. 

Bago pa niya ako bentahan ng mas malala ay nagmamadali akong nagtungo sa aking silya at umupo. 

Nakita kong nagtatawanan ang mga kaklase ko. Maging ang bestfriend kong si Olivia na katabi ko lang. 

"Kaps. Akting na akting ka kanina ah. Saan mo ba hinugot 'yong mga luha na 'yon? Naisahan mo na naman si Tayo," bulong niya sa akin na may kasama pang pagsiko sa aking tagiliran.

"Huwag kang maingay, gaga. Baka marinig ka." Hindi ko napigilan ang aking kamay na kurutin siya.

"Aray!" Napatingin ang lahat sa kinauupuan namin kabilang na si Mrs. Tayo.

"A--Aray. Ang sakit ng ngipin ko. Kailangan na yatang bunutin. Sorry, Ma'am."

Kagaya ko ay magaling din gumawa ng alibi itong si Olivia. Ewan ko ba, hindi ko alam kung ako ang nahawa sa kanya, o siya ang nahawa sa akin. Pero mukhang parehas lang kami kaya kaagad kaming nagkasundo.

Bumalik sa pagsusulat si Mrs. Tayo at ako naman ay inilabas ang nag-iisang kuwadernong gamit ko sa lahat ng asignatura. Nagsimula kong kopyahin ang lahat ng nakasulat sa pisara.

Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa  Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon