Knight in Shining Armor

2.1K 76 22
                                    

Naglalakad ako sa isang kalsada nang biglang makirinig ako ng sitsit.

"Pssst. Pssst."

Pasimple kong tiningnan ang aking paligid para malaman kung sino iyon nang makita ko ang isang tumpok ng mga okoy, este mga kalalakihan sa tindahan nina Mang Tomas. Ano ba yan, ang haba ng hair ko. Feeling ko ako si Tangled, ay Rapunzel pala. Biruin mo, tinatawag nila ako para makilala. Tapos kukunin nila yung pangalan ko, tapos yung number ko, tapos liligawan nila ako. Kaso ang dami nila kaso wala namang pogi.

Relax, Chuchi. Virgin ka pa. Isa kang babaeng filipina, kaya magpakipot ka! Kung gusto ka nilang ligawan, dapat sa bahay. Bulong ko sa aking sarili.

Dumiretso ako at kunwaring hindi sila nakita. Pero ang totoo, kinikilig ako.

"Ang sungit naman nito," hirit ng isang lalaki na puro tattoo ang buong katawan. Nagtawanan naman ang iba pa nitong mga kasama.

Hala, masungit agad? Nagpapakipot pa nga, e. Hindi pa nga ako handang magpaligaw, e. Ang bata ko pa kaya.

"Buti nga pinapansin ka pa namin kahit ang pangit ng mukha mo, e," hirit pa ng isa.

Aba! Pangit daw ako? Akala naman niya maaasar ako. Hindi kaya ako naaasar. Kasi kapag naasar ako, ibig sabihin totoo. Kalma lang Chuchi. Hindi ka pangit. Slight lang.

Nilampasan ko lang sila at hindi pa rin ako lumilingon. Alam niyo na, mahinhin.

Pero nagulat ako nang biglang may humablot ng aking braso.

Kinilig ako dahil marahas ang pagkakahawak niya. Siguro gustong-gusto niya ako. Kasi sabi nga nila 'di ba, kapag hindi madaan sa santong dasalan, daanin na lang sa santong paspasan.

"Miss. May pera ka ba riyan? Pambibili lang namin ng alak. Nabitin kasi kami, e," lakas loob na sabi nito.

Bigla akong nanlumo. Hindi pa nga kami, nanghihingi na ng pera?

Try mo kaya munang ligawan ako! sa isip-isip ko.

"Paliligayahin kita basta't bigyan mo lang kami ng pambili ng alak. Alam ko naman na walang makakasikmura sa iyo dahil sa hitsura mong iyan. Hinding-hindi ka mabibitin sa akin," sabay pasok ng kamay sa shorts nito.

Aba! Bastos 'to ah, akala ko pa naman nagagandahan siya sa akin. Okay lang sana na sabihan niya akong pangit, e. Matatanggap ko pa, pero yung puri ko at pagkatao. Hindi na puwede iyon.

Binigyan ko siya ng isang malakas na sampal. Yung kagaya ng sampalan nina Amor Powers at Claudia Buenavista.

"Oo pangit ako. Pero wala kayong karapatan na tapakan at insultuhin ang pagkababae ko. Parang wala kayong mga nanay at kapatid na babae kung mambastos kayo, a. Ang lalaki ng katawan niyo pero inaasa niyo yung bisyo niyo sa iba?" Mala-telseryeng bitaw ko ng linya. Akala nila a, idol ko kaya si Nora Aunor.

"Ikaw? Kung insultuhin mong pangit ako, akala mo kung sino kang guwapo. Yung totoo, may salamin ba kayo sa bahay? Yan ba ang depinisyon ng guwapo sa iyo? Kung OO, edi wow!"

Pero 'tila nainsulto ang lalaking amoy alak sa ginawa ko. Namula ang mga mata nito't nagalit.

"Ang yabang mong pangit ka, a," galit na sabi nito't akma akong sasampalin.

Dahil sa takot, wala akong nagawa kung hindi pumikit at hintayin ang mga mababahong kamay ng lalaki na dumampi sa aking abstract na mukha.

"Pre, babae yan. Bakla ka ba? Humanap ka ng katapat mo," sabi ng hindi kilalang lalaki.

Hala? Sino iyon? Nakakakilig naman. Ito na yata ang aking knight in shining armor. Meron pa palang mga lalaking kagaya niyang handa ipagtanggol ang prinsesang kagaya ko.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata upang masaksihan kung paano ilampaso ng baby ko ang mga pangit na iyon. Bumilis ang tibok ng aking puso. Lumuwa ang aking mga mata. Ay, OA na. Basta kinilig ako nang makita ko kung sino yung nagtanggol sa akin. Grabe, pinagpapawisan yung panty ko sa sobrang kilig.

Ipinagtanggol ako ng ultimate crush ko na si Andrew! Ang pogi niya! Kamukha niya yung crush ko sa showbiz. Si Empoy. Grabe. Yung bigote niya, yung makapal niyang nguso. Perfect. Lalagnatin yata ako sa kanya,

"Anong problema mo, bakit ka nakikialam? Gusto mo ikaw na lang," sabi ng lalaki kay Andrew sabay sapak sa mukha.

Hala. Natamaan siya sa nguso. Lalong namaga. Pero mukhang okay lang siya kahit dumura siya ng dugo. Naghubad siya ng t-shirt bago gumanti ng isang suntok. Buti tumama sa kalaban. Ang yummy talaga ng bebe ko. Yung abs niya isa lang pero at least nasa tiyan, 'di gaya ng mabahong iyon. Abot sa mukha.

Gusto ko sanang umawat pero mukhang lamang naman si Andrew. Mamaya na lang kapag dehado na siya. Buti hindi tumutulong ang mga kasama niya.

Go bebe ko! sa isip ko.

Maya-maya ay isang suntok mula kay Andrew ang tumama sa mukha ng tambay at tumumba ito. Knock out ang loko sa bebe ko.

Nagulat ako dahil nagmamadali siyang lumapit sa akin.

"Miss. Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" pag-aalalang tanong ng pogi kong bebe.

"Ah-eh. Ayosh lang eke, ikew?"

"Ako nga pala si Andrew," malambing na sabi nito habang nakatitig sa aking namumungay na mga mata.

"Kilala kaya kita. Ako nga pala si Chuchi. Nakita ko na yung abs mo, eng sherep,"

Ano ba yan! Kung ano-anong lumalabas sa bibig ko sa pagkataranta. Grabe naman kasi ang karismang taglay nitong bebe ko.

"Ano?" natatawang sagot ni Andrew. Mas lalo pa siyang lumapit kay Chuchi.

"Ha? Ibig kong sabihin, nakikita kita madalas sa school kapag nagpapraktis ng basketball," palusot ko.

"A, ganun ba? Sige. Mauna na ako. Mag-ingat ka sa pag-uwi," paalam ni Andrew sa akin. Medyo nalungkot ako pero okay lang iyon, at least kilala na niya ako, at ipinagtanggol pa niya ako.

"Ok, sige. Ingat ka." Iyon lang ang nasambit ko sa sobrang kilig.

"Teka may nakalimutan pala ako." Bigla siyang humarap muli sa akin.

"Ano yun? Nakalimutan mo bang mag-propose? Ikaw talaga bebe ko, tinatanong pa ba yan? Oo yung sagot ko."

Bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi ako nakagalaw. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung may tumigas din ba sa kanya pero malakas ang kutob ko na sasabihin niya ang mga katagang "Will you marry me!".

"May sasabihin ako sa iyo," bulong ni Andrew.

Ayan na. Sasabihin niya na. Tapos aayain niya akong magpakasal. Tapos gagawa kami ng maraming baby. Tapos titira sa isang simpleng bahay. Tapos magsasama nang masaya. Tapos makakakilala siya ng mas bata. Tapos magkakaroon siya ng kabit. Tapos matutuklasan ko. Tapos iiwan niya ako! No!

"Hindi ko kaya!" sigaw ko.

"Ha?" nagtataka niyang tanong.

"Ay wele bebe ke. Ene be yern?" tanong ko. Napapikit na lang ako dahil lalo niyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin. Hinihintay ko na lang na halikan niya ang malambot kong mga labi.

"Yung panty mo, nalaglag. Isuot mo muna bago ka umuwi," bulong ni Andrew.

Dumilat ako at tiningnan ang aking ibaba, nalaglag nga ang panty ko. Pagtingin ko sa bebe ko ay sumakay na ito ng kotse at mabilis na pinaandar.

Bigla akong nakarinig ng sobrang lakas na alarm. Dahil doon ay napabalikwas ako.

"Aysus. Naku naman. Konti na lang, e. Konti na lang. Dadampi na yung mga labi, e," sigaw ko sabay pagalit na in-off ang alarm clock. Pero ayaw tumigil sa pagtunog kaya't ibinato ko ito sa dingding. Pagbagsak sa sahig ay tumigil ito.

Bumalik ako sa pagkakahiga at muling natulog. Umaasa na baka mapanaginipang muli si Andrew at matuloy na ang aming kissing scene.

Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa  Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon