Missing: Lawrence/Missing Lawrence

394 13 4
                                    


"Miss?"

"Miss," ika ni Andrew habang tinatapik ako. Hindi ko namalayan na mahaba pala ang naging pagtulog ko.

Wala pa ako sa wisyo kaya't tinitigan ko muna nang maigi ang kanyang mukha. Pakiramdam ko kasi ay panaginip lang ang makatabi siya. Baka nililinlang ako ng kagustuhan kong mapalapit sa kanya.

Ngumiti siya at biglang tumayo sabay sabing, "Sayang ang ganda ng Vigan kung matutulog ka lang riyan."

Napabalikwas ako bigla nang mapagtanto kong hindi ako nananaginip at totoong kanina ko pa kausap si Andrew. Kaagad akong nag-ayos ng sarili at naghandang bumaba upang makasama siya sa pamamasyal sa Vigan. Sayang kaya, minsan lang mangyari sa buhay ng isang tao na makasama ang ultimate crush nila, hindi ko na syempre palalampasin pa. Ayaw ko namang matulad sa iba na namatay na lang nang hindi nakakadikit sa crush nila.

Inayos ko lang saglit 'yong mga gamit ko at kinuha 'yong tubig na ibinigay ni Andrew pero noong lingunin ko siya ay bigla siyang nawala. Nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang dahil buong buhay kong hinintay ang pagkakataong iyon pero mauuwi lang pala sa wala. Naisip ko na lang na baka pinagtiyagaan na lang akong kausapin ni Andrew dahil wala naman siyang magagawa sapagkat magkatabi kami sa upuan. Dahil sa labis na pagkadismaya ay mas ginusto ko na lang magpaiwan at hintayin ang lahat para makauwi na. Uupo na sana ko nang biglang may marinig akong magsalita, "Uy, miss. Kanina pa kita hinihintay rito. Matagal ka pa ba riyan?"

Nagulat ako nang maagtantong si Andrew iyon at tinatawag ako. At take note, kanina pa raw niya ako hinihintay. Oh my gosh. Kinikilig 'yong apdo ko! Nagmamadali akong naglakad palabas ng bus. Noong nasa pintuan na ako ng bus ay parang huminto ang mundo ko nang alalayan niya ako pababa. Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig.

Mula sa pagbaba ng bus hanggang sa paglalakad patungong assembly area ay magkasama kami ni Andrew at nagkukuwentuhan. Ang sarap pala ng pakiramdam na hindi mo lang nakikita ang crush mo, nakakausap at napapangiti mo pa. Iyong tipong malapitan mong nakikita 'yong sungki niya, sobrang heaven. Halos makita ko na rin 'yong tinga niya galing sa sandwich na kinain namin.

"Miss, kanino mo pa ako pinapangiti pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo. By the way, I'm Andrew."

Parang kiniliti ang puso ko sa sinabi ni Andrew. Napapangiti ko siya? Ene be! Naiihi ako sa kilig! Ibang klase rin 'to kung magpakilig, e. Parang nananadya. Kapag ako naihi rito sa tapat niya, ewan ko na lang.

"And you are?" tanong niya. Hindi pa ako kaagad nakasagot dahil sa sobrang kilig. Nakatitig lang ako sa kanya ng ilang segundo. Gusto ko lang namnamin 'yong bawat segundo na nakatingin siya sa akin. Itong pagkakataon na napapansin niya ako at nasa akin lang ang atensyon niya. Feeling ko tuloy, ako si Rapunzel sa sobrang haba ng hair ko.

"Chuchi. I'm Chuchi Marie Baruga."

"Oh, what a nice name, huh?"

"Ano ba, pinag-isipan nang mabuti ng parents ko ang name na 'yan. Kaya alam mo na, terno sa face."

"Oy, hindi, a. Ang ganda kaya ng name mo, unique. Sabagay, your face is one of a kind," nakangiti niyang paliwanag sa akin.

Hindi ko alam kung namemersonal 'tong crush ko, e. Parang nang-iinsulto na ewan. Nangingiti pa. Nakakagigil. Sarap halikan sa lips para matauhan at mahumaling na sa akin.

"Teka? Nang-aasar ka yata, e. Ikaw ha, feeling close ka sa akin," sabay hampas ko sa braso ni Andrew.

"Ouch. Ako pa talaga ang feeling close sa lagay na 'yan, huh," natatawa niyang sagot. "But it's really not my intention to insult you, promise. Mabenta kaya ang mukha mo sa foreigner."

Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa  Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon