Closer
"MABILIS na kukumalat ang mga cancer cells sa katawan niya at yun ang nagiging caused kung bakit mas napapadalas na yung pagkaka himatay niya, yung pagsakit ng ulo niya, yung pagdudugo ng ilong niya, yung nararamdaman niyang matinding sakit, at lalo na yung pagkakaroon niya ng mga pasa sa katawan."
"But doc... Is there another way to get rid of the cancer cells right away?"" my dad ask, at sa paraan ng pagsasalita ni daddy mahihimigan mo sa boses niya ang matinding kadesperadohan na malaman kung may mabilis ba na paraan para gumaling ako.
Naiintindihan ko naman yun kasi kahit naman na unti-unti ko ng tinatanggap yung kapalaran ko ay hindi ko pa rin matanggal saakin na baka... Baka balang araw gagaling din ako.
Hindi naman masamang mangarap diba?
"Sa ngayon ang naiisip ko nalang na paraan ay ang pag undergo niya sa operation, kung gusto ninyo na matanggal kaagad ang cancer cells kaylangan siyang operahan sa lalong madaling panahon. But i'm telling you Mr. and Mrs. Villamonte hindi lahat ng cancer cells ay matatanggal, yung mga new grownth lamang ang matatanggal." pag eexplain ng doctor sa mga magulang ko.
"And also Mr. And Mrs. Villamonte sumunod po kayo saakin dahil marami pa akong kailngang i-explain pa sainyo tungkol sa kalagayan ng anak niyo." pagkatapos nun narinig ko nalamang ang mga yabag nila at pagsarado ng pintuan, patunay na nakalabas na sila sa kwarto.
Kaya naman unti-unti ko nang idinilat ang aking mga mata ng masigurong nakaalis na nga sila. Dahan-dahan akong bumangon at umupo habang sapo parin ang aking ulo dahil pakiramdam ko ay naiwan parin yung sakit nang ulo ko kanina.
Pababa na sana ako para kumuha ng tubig dahil sa matinding uhaw na nararamdaman ko nang biglang bumukas ang pintuan. Medyo nagulat pa ako nun kaya napaupo ulit ako sa kama.
"Hindi ba dapat nagpapahinga ka?" nanlaki ang mga mata ko nang bumungad saaking harapan si.....
Archer?.....
P-Paano?...
Nakita kong may bitbit siyang.....mga supot na sa tingin ko ay mga pagkain.
Pero...
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Ginagawa ang responsibilidad ko" casual na sagot niya, ngunit pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi niya. Mahina ko namang binatukan ang sarili ko dahil ganito na nga ang sitwasyon ko nakukuha ko pa talagang lumandi.
"R-responsibilidad?"
"Mm.... Dahil ako ang huli mong kasama sa rooftop bago ka mawalan ng malay so....yeah i'm just doing my responsibility by taking care of you, and also don't worry about your parents. They already know." sagot niya habang diretso ang tingin saakin
"O-okay" sabi ko sakanya.
Pagkatapos nun ay dumiretso siya may mini table at nilagay doon ang mga dala niyang pagkain. At umupo sa gilid ko.
"Here, eat this" he said and gave me the food.
"Ah.... thanks" i said before i grab the food and ate it. Habang kumakain ako hindi ko maiwasang mapatingin sakanya, dahil medyo naiilang ako lalo na at alam kong mariin siyang nakatitig saakin.
Nagtagal pa ang katahimikan saamin habang kumakain ako at medyo nakakaramdam na rin ako ng awkward kaya ako na mismo ang bumasag sa katahimikan na nabubuo sa pagitan namin.
"Anyway pasensiya ka na ha....at nasaksihan mo yung nangyari saakin kanina sa rooftop, actually medyo sinasanay ko na yung sarili ko sa ganoong sitwasyon lalo na at siguradong mas mapapadalas iyon ngayon dahil sa paglala ng sakit ko." mahina at mahabang sabi ko sakanya at ngumiti hanabang nakatingin sakanya atsaka ko ipinagpatuloy ang pagkain ko.