Kabanata 24

26 3 0
                                    

You and Me

"I do like you..."



"And I'm planning to court you and your whole family, Zhennayah Blaire."

Simula nong isang gabi hindi na mawala sa utak ko yung pag-amin niya sa akin. Biglaan at talagang nakakagulat.




Hayop na yun. Aamin na nga lang sa ganong sitwasyon pa. At mula pa kahapon pagkatapos niang umamin na may gusto siya sa'kin ni presensiya niya hindi ko pa nakikita. Gago talaga baka naman kasi pinagtritripan lang ako ng lokong yun.


9:30 a.m


Tapos na ako't lahat lahat wala pa ring Archer ang nagpapakita.


Loko talaga ang isang yun. Ngayong naiinis ako sakanya, huwag niya lang subukang lumapit sa akin at babatukan ko talaga yun.


"Ahhhh!!!! Talaga!?" sabay na tili nila Ester at Ara na kaagad kong pagtakip ng tenga. Samantalang si Yuki naman ay bahagyang napangiwi habang hinihimias ang tenga.



Sa ngayon ay nandito kaming lahat sa kwarto ni Yuki para tumambay at magkwentuhan sa mga ganap ganap. And for today's menu ako talaga ang ginigisa nila kaya wala akong magawa kundi ang i-kwento sa kanila ang nangyare noong nakaraang gabi.




Tangina naman kailangan pa ba talagang tumili?!



Kwinento ko kasi sakanila yung nangyareng pag-amin sa akin ni Archer nong isang gabi. Kays lang... Mas mabuti pala kung sinunod ko nalang yung instinct ko na huwag sabihin sa kanila. Sana kay Ara nalang muna. My gosh!



"Pwede bang manahimik kayo!? Ang daming pasyente dito na nagpapahinga at baka makaistorbo tayo." suway ko sa kanila.


Pero ang dalawa hindi tumigil sa kakahagikgik.


Bwesit.


Napatingin naman ako kay Ara para humingi ng tulong na patigilin 'tong dalawa at kanina pa maingay. Kapag talaga kami dito sinita...


Nangingiti na napailing nalang si Ara. "Kayong dalawa, tumigil na kayo." natatawang suway niya.


At talagang...


"Ara naman e!!" nagmamaktol kong tawag sakaniya. "Akala ko ba kampi tayo? Akala ko ba ganito tayo?" sabay pakita ko sa naka two peace kong daliri na magkadikit na tila ba pinapakita sakaniya kung gaano dapat kami ka-sanggang dikit.


"Oo nga... Magkakampi tayo." natatawang aniya.

Napa face palm nalang ako sa kaniya.

Wala na. Suko na 'ko. Wala ng pag-asa 'tong grupong 'to. Lahat sila nababaliw na.



"So, after niyang mag confess, ano sabi mo? Ano reaction mo?" excited na tanong noh Ester.


"Ano..."


*Flashback....


"Yes, Zb. Matagal na.. Halos paalis pa lang ako non sa bansa ng magkagusto ako sayo."



Bigla ay natigilan ako sa biglaan niyang anunsiyo.



"....and I'm planning to court you and your whole family, Zhennayah Blaire."


W-what? Bigla ay paraakong nabingi sa mga sinabi niya.


Gusto ko sanang tanungin kung nagbibiro lang ba siya pero nang tumingin ako sa mga mata niya doon ko nasabi na hindi nga siya nagbibiro.

Back To The Ocean [ EDITING ]Where stories live. Discover now