Save by him
Papungay-pungay pa ang aking mata ng imulat ko ito dahil sa liwanag ng paligid. At habang nag u-udjust ang aking paningin saaking kapaligiran ay doon ko napansin na malambot ang aking hinihigaan at pamilyar rin saakin ang amoy ng silid na kinaroroonan ko.
And when i fully udjust my vission doon ko lang napatunayan na nasa kwarto ko na pala ako.
At sa pagmamasid ko dito ay bigla kong naalala yung huling nangyari saakin kaso ang huli ko lang na naalala ay nagalalakad ako nun sa hallway papuntang canteen tapos bigla ko nalang naramdaman na sumakit ang ulo ko pagkatapos nun nagdugo na ang ilong ko pagkatapos ay bigla nalang akong nawalan ng malay at... Hanggang doon nalang.
Napatingin ako sa may bintana ng kwarto ko at doon ko napansin na paumaga na pala. Ganun ba kahaba ang intinulog ko para hindi mamalayang umaga na? Tanong ko sa sarili ko.
At bago pa lumalim ang pag-iisip ko at mapunta pa kung saan-saan.
Nang biglang bumukas ang pintuan at inuluwa nun si Nurse A na halata sa mukha niya pag aalala saakin. Nang makitang gising na ako ay agad siyang lumapit saakin. At sa laking gulat ko ay bigla nalang siyang humagulgul ng iyak sa harapan ko na ikinagulat at ikinataka ko.
At dahil na rin sa kuryusidad ko at pag-aalala walang pag-aalinlangan ko siyang tinanong kaagad.
"Nurse A a-ano pong n-nangyayari? B-bakit ho kayo umiiyak?" natatarantang tanong ko sakanya ng may paguutal dahil medyo nagpapanic na ako ng maramdaman kong mas hinigpitan niya ang yakap saakin habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Alam mo b-ba kung g-gaano mo ako p-pinagalala ha Zb?! Nung malaman ko yung nangyari sayo s-sobra.... Sobra mo akong tinakot a-akala ko.... Akala ko.." hindi na niya halos maituloy ang sasabihin niya dahil sa pag iyak niya kaya niyakap ko nalamang siya at nang dahil sa ginawa kong yun ay mas lalo naman siyang umiyak
At dahil doon mas naramdaman ko ang pag higpit ng yakap niya mula saakin, sa sobrang higpit akala ko mapipisat na ako. Pero imbis na magreklamo ginantihan ko nalamang siya ng isang mahigpit ring yakap.
"Nurse A, wala pong mangyayari saakin. Wag na po kayong mag alala, maayos na po ang lagay ko kaya tumahan na kayo. Ako nga po itong may karamdaman na dapat indahin pero dinaig niyo pa ako kung makareact." natarawa kong sabi kay Nurse A.
Ngunit imbis na matawa rin siya ay mas sumeryuso pa siya at kita mo sa mukha niya ang hindi maipintang mukha nito na halatang hindi talaga siya natatawa sa sinabi ko.
"Zb, hindi mo ako masisisi. Ito ang unang beses na nangyari yun sayo! Kaya hindi mo maiaalis saakin ang mag aalala sayo, lalo na at kung hindi ka kaagad naagapan. Baka kung ano na ang nangyari doon sayo! Mabuti nalang at may nakakita sayo nung saktong nawalan ka ng malay."
May nakakita saakin? So ibig sabihin siya ang nagdala saakin dito? Tatanongin ko sana kung sino ngunit mabilis na iniba ni Nurse A ang pinag-uusapan namin.
"Gusto mo bang tawagan ko ang pamilya mo? Hindi ko kasi kaagad nasabi sakanila ang nangyari sayo dahil nung makarating saakin ang balita hindi ko na naalala pa na ipaalam sakanila." pag-iiba niya ng usapan.
"Wag nalang po siguro ayaw ko rin naman na mas magalala pa sila. Alam niyo naman po si mama diba?" sabi ko kay Nurse A. Totoo naman kasi kapag nalaman to ni mama panigurado na baka gawin na niyang bahay tong kwarto ko, panigurado na dito na yun matutulog. Ayaw ko naman mangyari yun dahil alam ko na marami rin silang inaasikaso ni daddy.
"Zb magulang mo sila, pamilya kaya dapat malaman nila itong nangyari sayo. Karapatan nilang malaman kung anong nangyayari sayo para maging aware din sila. Kaya dapat lang na malaman nila ito. Hindi pwedeng isekreto ito Zb. Yung nangyari sayo ay siguradong may kinalaman ito sa sakit mo, at para narin makapag desisiyon sila sa gagawin sayo. Pamilya mo sila kaya wag kang maglilihim sakanila, naiintindihan mo naman siguro ang punto ko hindiba?"
