New
Pagkatapos kong malaman ang dahilan niya kung bakit sa dalawang taon ay hindi siya nagpakita o nagparamdam ay mistulang parang yelo na unti unting natunaw ang galit man o tampo na nararamdaman ko para sakanya.
At sa pagkakataong 'yon, doon ko hindi mapigilan na sisihin nanaman ang sarili. Palagi lang, tuwing may nagagawa nalang akong mali..
Nagalit ako sakanya ng hindi man lang inaalam kung anong tunay na nangyare sakanya. Hindi ko man lang naisip na baka may alam si nurse A o kahit sinong mga nurse o doctor ang nandito kung anong nangyare at kung nasaan siya.
Masyado akong nabulag sa pagtatampo sakanya. And at this point, wala akong magawa kundi ang magalit para sa sarili, dahil palagi nalang kasi akong nagiging makasarili. Hindi na ako natututo. Pero sana, balang araw bago man lang sana ako bawian ng buhay, gusto kong makabawi sakanilang lahat.
Ngayon, wala na akong panahon para sisihin nalang palagi ang sarili ko, dahil kung gagawin ko lang yun, mauubusan lang ako ng oras para makabawi sakanilang lahat. Kaya naman magmula ngayon, uumpisahan ko ng bumawi sa lahat.
Maski sa sarili ko.
Para kung dumating man ang araw, hindi na ako mahihirapan na umalis dahil nagawa ko naman na ang lahat. No regrets.
"Hindi ko na naisipan pang bumalik pagkatapos mailibing ni papa dahil kay mama." malungkot niyang saad. "Hindi ko kayang iwan si mama sa ganoong kalagayan.."
Tumango nalamang ako rito bilang pagsagot. Naiintindihan ko, dahil kung saakin man nangyare yun, gagawin ko rin kung ano mang ng ginawa niya para sa mama niya.
"Mas lalong hindi ko nagawang makauwi rito agad sa Pilipinas ng ma-diagnose si mama."
Napasinghap ako.
"Na-diagnose?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Malungkot siyang tumango. Archer looked hurt. I can tell it just by looking at his eyes. Kahit na dalawang taon na ang nakakalipas, sigurado ako na sariwa pa ang mga nangyare sakanya.
"Post Traumatic Stress Disorder." he closed his eyes na para bang isang panibagong tinik nanaman yun na tumusok muli sakanya. Na para bang isang panibagong sakit nanaman ang kanyang naramdaman ng sambitin niya ang mga katagang iyon.
"I'm sorry..." tanging nasambit ko. He shookt his head. At nang muli niyang idilat ang kanyang mga mata, muli ay nag-umpisa nanaman ito sa pagluha.
I closed our distance to wiped his tears.
"Naiintindihan ko na lahat. I'm sorry kung kinailangan mo pang sabihin ang lahat ng 'to." my tears started to forming again. "Hindi mo kailangan na sabihin sakin lahat ng 'to kung hindi ka pa ready, okay? Kapag okay ka na. Kapag maayos ka na at satingin mo ay hindi na masakit para sayo na balikan ng lahat, tyaka mo saakin ikwento. Hindi naman ako aalis, e. Magiging bahay ko na ulit 'tong ospital niyo oh!" We both laugh softly while our tears are keep on falling.
Minutes after, nang parehas ay kumalma na kami nagpaalam siya saakin na kailangan na muna niyang umalis saglit para sa iba niyang mga pasyente.
Looking back at old times.. Hindi ko alam na ipagpapatuloy pa rin niya yung pagiging doctor niya. Ang expect ko, magkikita kami sa isang gig or di kaya sa isang concert ng banda niya. Kasi, diba? Nabanggit niya saakin noon na hilig niya ang musika. But then..
Sa dalawang taon syempre marami ng nagbago. Marami na akong nakaligtaan patungkol sakanya.
Nagising ako kinaumagahan ng biglang paghawi ng kung sino sa kurtina kaya pilit akong bumangon.