Truth
Akala ko, sa halos dalawang taon kong pagiging malaya at kahit papaano ay pagiging normal ay hindi na ako babalik sa dati kong nakasanayan. Akala ko, kahit papaano ay magiging okay na ang lahat. Na... Tuluyan ng magiging okay ang lahat.
Pero hindi pala. Mas lalo lang palang lumalala.
Pero siguro parusa ko na rin 'to sa paglabag ko sa mga bilin saakin ng mga doctor. Masyado akong naging pabaya at kampante na akala ko hindi na babalik sa dati. Hindi ko inalagaan ang sarili ko, inabuso ko yung katawan ko. Masyado ko ring dinipende ang sarili sa mga gamot na niriseta saakin.
Kung sana.... Kung sana hindi nalang ako nag ditch sa mga check ups ko at theraphy.... Sana inisip ko rin ang mararamdaman nila Daddy kung sakaling bumalik nanaman ang lahat sa dati. Kung sana inisip ko kung ano yung mga magiging consequences ko bago ako kumilos at nag decision hindi sana 'to mangyayare. Hindi sana ulit ako maghihirap lalo... Lalo na rin sila mama.
Inuna ko nanaman kasi ang sarili ko. Hindi ko muna inisip ang mararamdamn nila kapag nakita nila akong bumalik namaman sa dati kong kondisyon. Naging selfish nanaman ako sa pagkakataong ito.
"Kamusta?"
1 week ago napagpasiyahan na i-confined muli ako sa hospital. At sa pagkakataong ito, mas naging mahigpit na sila saakin. Naiintindihan ko iyon, hindi ako pwedeng umangal dahil alam ko na para rin lang din yun sa akin. Ayuko ng sumuway, ayuko ng bigyang pasakit ulit sila mama.
Pero kamusta na nga ba ako? Isang tanong pero bakit parang ang hirap sagutin? Ganun na ba talaga ako kahindi okay para sa kahit sa isang simpleng tanong ay hindi ko kaagad masagot?
"H-hindi ko po alam... Nurse A." pag-aamin ko. Kasi yun naman talaga ang totoo. Hindi ko alam.
Hindi ko masabi kung okay lang ba ako o hindi. Kung sasabihin kong okay lang, parang niloloko ko lang rin yung sarili ko. Kung sasabihin ko namang hindi okay, hindi ko na alam.. Basta ang alam ko lang, nahihirapan na ako sa kalagayan ko.
"I told you to take care of yourself, Zb. Pero hindi mo ginawa."
Taka naman akong napatingin sakaniya.
"How-"
"Mr. Reyes." kaagad niyang bati sabay lingon sa may pintuan ng kwarto ko.
Hindi na ako nag abalang lumingon pa dahil alam ko naman na kung sinong Mr. Reyes ang tinutukoy ni nurse A.
Nandito pa rin yung kahihiyan at guilty na nararamdaman ko simula ng magkasagutan kami, kaya kahit sulyapan man lang siya sa mata ay hindi ko magawa.
Kasalanan ko naman 'to eh.
Kaya naman inabala ko nalang yung sarili ko sa pagkuskos ng mga paa ko sa kama. Sa pagtingin sa labas ng bintana. Sa pagbibilang ng mga kalapati at tupa sa utak ko.
Pambihira naman oh!
"Oh siya! Sige at aalis na rin ako. Tatapusin ko lang yung round ko at nang makapagpahinga na rin." tumatawa niyang sabi.
"Alam mo naman. We're not getting any younger... So yeah. See you two when I see you." nangingiti niyang pagpapaalam.
Kaagad ay nataranta ako.
Nurse A!! Wait. Wag kang umalis nurse A! Sigaw ko sa utak ko. Kunti nalang malapit na akong umiyak sa hindi ko malamang dahilan.
Bago umalis, saglit na lumingon sa gawi ko si nurse A at kaagad ay kaniya akong kinindatan na para bang sinasabi niya na it's your time.