Permission
Sa tanang ng buhay ko, ngayon lang talaga ako kinabahan nang ganito. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kong ang buong pamilya mo nandito?!
Okay lang naman sana kong normal na araw lang ito. Pero hindi iihh!!
Yung kambal ay magkasamang nakaupo sa mahabang sofa pati na rin si mama, habang si daddy naman ay nasa kaliwa ni mama kung saan ang pang isahang upuan. Si Archer naman ay nasa pang isahang upuan din nakatapat kay daddy.
Seryuso lamang ito, kung gaano kaseryuso si Archer, mas seryuso naman si daddy at sa itsura palang nin daddy alam kong hindi siya nasisiyahan sa nalaman niya at lalo na ang kambal. Kung dati rati ay maiingay sila at laging nagbabangayan pero hindi ngayon, lalo na si Zack na ngayon ay sobrang tahimik at seryuso.
Shsss!! Hindi ako sanay... At mukhang hindi talaga ako masasanay na makita silang ganito! Yung mga itsura kasi nila, nakakatakot.
Naiintindihan ko naman sila dahil sa tinagal ko dito sa hospital, ngayon lang ulit ako makakalabas. At ang malupit pa doon ay hindi sila ang makakasama ko kundi itong lalaking ito.
At bilib din ako sa tapang ng lalakung tinitignan ko dahil nakakayan niyang makipagtitigan sa mga lalaki ng buhay ko. Dahil kung ako yan baka naihi na akonsa sobrang takot at kaba!
Actually nauna siya ang unang nakarating dito bago sila daddy at nasabi na rin niya saakin na nakausap na niya yung doctor ko kung ayus lang ba na bumyahe ako mula dito sa Tagaytay papunta sa Bataan.
Tinanong ko naman siya kung ano ang sabi ng doktor pero ang sabi niya mamaya ko nalang malalaman kapag nandito na ang mga magulang ko.
Kaya kahit gustong-gusto ko nang malaman kung ano ba ang sabi ng doktor, kung pumayag ba o ano pero pinilit ko nalang na itikom ang bibig ko, at hintayin sila mama. 8am nang makarating si Archer dito at 9:30 naman sila daddy.
Dito ko na rin naisipang magsabay nalang kami ni Archer na mag-agahan pano ba naman kasi, ito kasing si Archer ang aga-aga!!
"Paano kita pagkakatiwalaan kong ang sabi mo nga ay halos mag lilimang buwan palang kayong magkakilala ng anak ko?" striktong tanong ni daddy kay Archer habang diretsong nakakatitig sakanya.
"Sir, sa maniwala po kayo sa hindi wala po akong balak na masama sa anak po ninyo."
Nang sabihin iyon ni Archer ay kaagad akong napaayos ng upo dahil kaagad na tumingin sa direksiyon ko si daddy, at sa expression palang ng mukha niya ay alam kong hindi talaga siya natutuwa at talagang seryuso siya.
At dahil hindi ko makayanan ang tingin na ipinupukol saakin ni Daddy ay ako na mismo ang pumutol nun at tumingin nalang ako sa kamay kong nasa kandungan ko at pinili nalang na paglaruan ang mga daliri.
Laking gulat ko nang maramdaman ko ang pagbaon ng kabilang bahagi ng kama ko at kasabay nun ang isang kamay na humawak sa nanginginig at nanalalamig kong kamay
At nang tignan ko kung sino ito doon nalamang ako kumalma ng makitang si Mama ito, hindi ko alam kong paano siya nakapunta dito pero nakaramdam ako ng ginhawa ng bigyan niya ako ng isang ngiti.
Ngiti na nagsasabing magiging maayos din ang lahat. Doon lang ako bumalik sa realidad ng marinig kong muli ang boses ni Daddy.
"Let's talk outside" dad said with a strict and stern voice that made me shivered. Actually that's the first time i hear his voice sounds like that.
At nang sabihin niya iyon ay nauna na siyang lumabas ng kwarto without looking back at us.
At dahil doon kaagad akong napatingin sa pwesto kung nasaan si Archer. At siguro naramdaman niyang nakatingin ako sakanya kaya napatingin din siya saakin.