HIS 7

36.6K 907 350
                                    

Saintess Ivory Doll Montefalco

Seryoso kong tinignan ang aking sarili sa harap ng salamin bago dalawang beses na umikot. Namamanghang hinawakan ko ang aking repleksyon sa salamin bago malawak na ngumite.

Suot ko na ngayon ang uniform ng Ravenwood. The white long sleeve polo and coat hug my body perfectly. While the black skirt fit appropriately on my thighs, may suot din akong mahabang itim na medyas.

Samantalang mayroon akong ribbon sa collar ng damit ko na may white diamond pendant. It symbolizes my class and year level—first-year college, class A.

"Ang ganda Silv!" Masaya kong bulalas bago tumingin sa seryosong mukha ni Silv sa salamin. Kakauwi lang nito mula Italy habang nagpaiwan naman doon si Kuya.

Nakasimangot itong nakatayo sa aking likod habang hawak ang gagamitin kong bag na may tatak na LV. Pinadala ito ni Kuya kay Silverado noong malaman nitong pwede na akong pumasok.

Tumango si Silverado sa akin bilang tugon bago lumapit. He held me on my waist before pulling me away from the mirror. Hindi ko napansing yakap-yakap ko na pala ito.

"Your uniform will be wrinkled, young lady," he said full of boredom as he straightens my uniform again, removing the creases that he saw.

Nakangiti ko lang itong pinanood bago ginulo ang buhok niyang nangingintab. Nakasimangot naman itong tumingin sa akin bago hinawakan ang aking kamay para pigilan sa ginagawa.

"Please stop doing that." Humaba ang labi ko bago tumingin muli sa salamin. Napakaseryo talaga ni Silverado sa buhay. Hindi ba siya natatakot na hindi na makapag-asawa?

"I'm excited Silv, I wanted to go right now!" I enthusiastically blurted out before shaking his broad shoulders.

Hindi pa daw kasi ako pwedeng umalis sabi ni Primo dahil masyado pa daw maaga para sa una kong klase. It's just 6:37 in the morning and my first class will start at 8.

"I know you are enthusiastic to attend your class but for now you should eat your breakfast, young lady." Bumaling ang tingin ko sa aking relo na suot bago tumango sa sinabi ni Silv. I'm almost late on my scheduled breakfast time. Mabuti at ipinaalala ito sa akin ni Silv.

"You're right, Silv. Let's go?" Tanong ko dito bago sinuot ang aking customize Louboutin shoes. Matapos nito tumayo na ako.

Tumango naman si Silverado bago ako inalalayan sa paglalakad. Paglabas namin ng kwarto wala na ang mga MIB na datinpalaging nakabantay sa akin. I once asked my brother why our MIB is gone and he said that his four friends are already enough to ensure my safety. Hindi ko alam kung bakit kailangan lagi akong may bantay pero hinahayaan ko na lang ito.

Hindi naman talaga nito tinawag na kaibigan ang tatlo, he calls them the four filthy musketeers. Ginawa ko na lang kaibigan dahil masamang pakinggan kung filthy musketeers ang itatawag ko kanila Aquilo lalo na at sobrang gwapo ng mga ito.

Nang makarating sa dining room hindi na ako nabiglang magulo na naman ito. Halos tatlong araw na kasing wala si Kuya at tatlong araw na ding nakikitira ang apat dito sa mansion kahit na nga ba na ang bahay nila ay metro lang ang layo sa mansion ni Saint.

"Good Morning, baby!" Malakas na bati ng mga ito sa akin. Napangiwe na lang ako dahil iyon na talaga ang itinawag nila sa akin.

Kahit ang mais na si Rogue ganoon na din ang itinawag sa akin. Hindi naman sila mapigilan ni Kuya dahil na sa malayo nga ito. At malaman ko din pala na may pamilya na sila Rogue at Aquilo. Pero heto ang dalawa at nakikitambay sa mansion namin. Napalayas pala ang mga ito dahil late ng umuwi noong nakaraan, buntis pa naman sa pangalawa nilang anak ang asawa ni Rogue kaya sensitibo ito.

Shades of Erotica 3: His Forbidden Property (R-18)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon