Saintess Ivory Doll Montefalco
Parang sirang plakang tumunog sa utak ko ang sinabi ni Kuya kahapon. Simula rin non hindi na ako nito tinapunan ng tingin. Tinuring ako nitong multo.
Sinusubukan kong gumawa ng usapin dito pero hindi ako nito iniimikan. Na sa malayo ang isip nito at alam ko na agad kung kanino nakatuon. Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi bago napalunok. I felt like crying but I can't because Silverado is keeping his eyes on me
Hindi kagaya ng sinabi ni Kuya walang oras na hindi ako binabantayan ni Silverado. Dahil na pansin nitong hindi ko na kayang matulog ng walang kasama sinasamahan niya ako sa kwarto.
Hindi ko na din pinapasara ang pinto dahil natatakot akong makulong sa kwarto. Na aalala ko kasi ang ginawa kong pagtatago sa opisina ni Kuya para lang mailigtas ang buhay ko.
Nakasimangot na linapag ko sa kama ang binabasang magazine bago tumingin kay Silverado na nakaupo sa sofa dito sa kwartong ginagamit ko.
"Gusto ko ng mangga Silv," I seriously said because I felt like eating it without a reason.
Taas kilay na tumingin naman ito sa akin bago binaba ang dyaryong binabasa. Wala ngayon si Kuya dahil umalis na naman ito ng walang paalam kaya kami lang dalawa ni Silv ang naiwan dito sa penthouse.
"It's still morning my lady. You will hurt your stomach if you eat mangoes this time." Hindi ko mapigilang sumimangot bago kunot noong tinitigan ito.
"Gusto ko ng mangga na may alamang Silv. Kagaya noong napanod natin dati sa TV, and I want it now!" I hissed because I can already feel my mouth salivating when I remembered the video we watched.
Huminga naman ito ng malalim bago tumayo. Akala ko ikukuha na ako nito pero nagkamali ako.
"I will just make you an avocado toast my lady. You can have mangoes later," seryosong sagot nito bago naglakad palabas ng aking kwarto. Naiwan naman akong tulala habang gigil na nakahawak sa aking unan.
"Pero gusto ko ng mangga," mahina kong bulong bago yumuko.
Minsan talaga nakakainis ang pagiging nanay ni Silverado. Napakahigpit kasi nito pag dating sa mga pagkain ko. Ilang minuto ang lumipas at pumasok na rin sa kwarto ko si Silv bitbit ang isang tray na may plato na may lamang avocado toast at orange juice.
Nagbukas sara naman ang labi ko nang maamoy ang aroma ng orange juice. Excited na hinawi ko ang kumot at hinayaang ilapag ni Silv ang tray sa aking mga hita.
"The juice smells good!" I exclaimed as my eyes twinkle in delight.
I heard Silverado snort before handing me the orange juice. "Careful, young lady."
Tumango ako sa sinabi nito bago mabilis na uminom sa juice. Para akong umakyat sa langit ng maglaban ang asim at tamis ng orange juice sa aking bibig.
"Oh my, delicious!" Tuwang-tuwa kong binaba ang baso na kalahati na lang ang laman bago tumingin sa toast.
Napangiwe naman ako nang makitang napaka-bland ng kulay nito. I immediately look at Silv before handing him the toast.
"Lagyan mo ng ketchup Silv. Damihan mo ha?" Turan ko na nagpakunot sa malago nitong kilay.
"K-Ketchup?" Parang nandidiring tanong niya. Ngumite naman ako bago mas pinagtulakan sa kaniya ang plato.
"Yes, ketchup. Kung mayroon ding mayonnaise pakilagyan din Silv. By layer ang gusto ko kaya naman ulitin mo iyang toast ko," seryosong ani ko bago siya binigyan ng maliit na ngite.
Kahit na wiwirduhan sa sinabi ko kinuha pa rin nito ang platito at naglakad palabas ng kwarto. Nakangiteng ininom ko naman ang aking orange juice bago nagbuga ng nasiyahang hangin.
BINABASA MO ANG
Shades of Erotica 3: His Forbidden Property (R-18)✓
RomanceMATURE CONTENT | SPG | R-18 Too much love is vicious, and Saintess learned that the hard way. Daunted by the animalistic and cruel way of Saint Yves that slowly destruct her Saintess still chooses to stay beside him. Her love for him dominates her e...