Saintess Ivory Doll Montefalco
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata bago umupo sa aking kama. Ang init na nagmumula sa nakabukas kong bintana ay sinalubong ng aking mga asul na mata.
"Good Morning, young lady." Bumaling ang aking atensyon sa nakasimangot na mukha ni Silverado. Nakatayo ito malapit sa gilid ng kama ko.
Hindi ko mapigilang mapasimangot rin. Ilang beses ko na itong sinabihang ngumite dahil lalo itong gumagwapo, pero dahil mas matigas pa ang ulo nito sa gintong pader ng mansion ni Kuya pinabayaan ko na lang.
"Magandang umaga din saiyo Silv!" Nakangite ko nang bati dito bago inilapat ang aking mga paa sa aking nakacarpet na sahig.
Mabilis naman itong dumulog sa harapan ko bago lumuhod. Puno ng pag-iingat nitong sinuot sa akin ang mabalbon kong tsinelas.
"Hindi mo na kailangan gawin ito Silv. I can take care of myself," mahina kong turan bago pinahaba ang aking labi.
Tumunghay naman ang gwapo nitong mukha sa akin bago lalong sumimangot.
"That I can't do, young lady. I still want my head to be intact on my body," seryoso nitong sagot bago tumayo. Napailing na lang ako bago siya hinayaang alalayan ako sa pagtayo.
"The Master is waiting for you in the dining room, young lady. Should I announce that you're awake?" Tumango ako dito bago tinanggap ang tasa ng tsaa na kaniyang hawak.
"Susunod na lang ako sa baba Silv." Tumango ito bago ako tuluyang iniwan sa napakalaki kong kwarto.
Nang makalabas ito maingat naman akong humigop sa aking tasa bago tumanaw sa napakalawak na hardin ni Kuya.
Simula kasi ng mawala si Daddy apat na taon na ang nakakalipas dinala ako ni Kuya dito sa Italy. At dahil walang alam sa mabilis na pagbabago ng aking buhay hindi ko mapigilang matakot kay Kuya noon.
But despite his cold and intimidating aura, he shows how he cares for me. Kahit na lagi itong nakasimangot mainit naman ang mga tingin na binibigay niya sa akin.
Pero isa lang sa hindi ko nagustuhan noong una ay wala akong kalayaan dahil sa loob ng apat na taon, dito lang sa malaking mansion ni Kuya umikot ang mundo ko. Dito na din ako nag-aaral ng lahat ng bagay na dapat kong malaman.
Pero ng tumagal naman nakasanayan ko na ang ganito. Hindi na ako nangahas pa na lumabas ng mansion. Sa pag-aaral lang umikot ang mundo ko kaya wala akong kaalam-alam sa nangyayare sa labas ng mansion namin.
At saka isa pa kung hindi si Kuya ang lagi kong kasama si Silv ang laging nakatingin sa akin. Para ngang bente-kwatro oras laging may nakatingin sa akin. Siguro nag-iingat na si Kuya dahil nga sa nangyare kay Daddy. Napukaw naman ang atensyon ko nang may kumatok sa pintuan.
"Young Lady, the Master is already waiting for you." Maingat kong binaba ang tasa sa aking lamesa bago sumagot dito.
"I'll be right there." Magalang pa itong tumugon sa akin bago ko narinig ang kaniyang pag-alis.
Kumuha na lang ako ng damit sa aking walk-in closet bago dumerestyo sa aking CR. Nagshower lang ako bago sinuot ang aking damit. Matapos maayos ang sarili lumabas na ako ng aking kwarto. A handful of people in their black suits greeted me like I am some kind of princess on a castle.
Ngite naman ang naging tugon ko sa mga ito bago naglakad papuntang dinning room. Nang makarating hindi ko mapigilang mapangite nang makita ang nakasimangot na mukha ni Kuya.
Saint Yves didn't age a bit even though he's already 30 years old. Natatandaan ko pa kung gaano ito kagwapo noong una ko siyang makita.
"Kuya!" I exclaimed before running towards him. Umangat ang tingin nito sa akin bago tumaas ang isa niyang kilay.
BINABASA MO ANG
Shades of Erotica 3: His Forbidden Property (R-18)✓
RomanceMATURE CONTENT | SPG | R-18 Too much love is vicious, and Saintess learned that the hard way. Daunted by the animalistic and cruel way of Saint Yves that slowly destruct her Saintess still chooses to stay beside him. Her love for him dominates her e...