CHAPTER 32

9.5K 141 14
                                    

"Stop right there, Rafael!" Sigaw ko sabay turo sa drive thru na burger king.

Tumawa naman sila sa biglaan kong pag sigaw.

"Okay,Okay.. Calm down, Amary." Natatawang sabi ni Rafael.

Nang matanto ko ang nagawa ay natawa na rin ako. Madaling araw na nagsisigaw parin ako dito.

Hindi pa rin tumitigil kakatawa si Hideo at Vander sa akin kaya inabot ko ang tissue na nakapatong at hinagis sa kanila.

Bakit may tissue sa sasakyan ni Rafael? At nakabungad pa huh?

The tissue was thrown on Hideo's face kaya mas natawa ako. Pero imbes na tumigil sila kakatawa ay mas lalo lang silang humagalpak.

"Burger king is my favourite, hahampasin ko kayo d'yan." Sabi ko, halos hindi na makahinga kakatawa.

They laughed more at me.

"Para kang pumara ng jeep sa sigaw mo, Amary. Pwede ka na sa palengke." Si Hideo.

"Oh? Tapos? anong ibebenta ko?" I sarcastically said at them.

"Pechay." Si Vander.

Natawa naman ako ng malakas sa sinabi n'ya.

"Tang ina hindi ko maimagine sarili ko na nagbebenta ng pechay." I laughed more.

"Yeah, but I can imagine you selling tempered glasses from the street." Hideo teased more.

"Sa ganda kong 'to pag bebentahin n'yo ako ng pechay at tempered glass?" I exclaimed

"Sino ba nagsabing angkop sa ganda 'yon? Sa boses kaya. At ang bunganga mo pwede na pangbenta ng pechay at tempered glass." Si Rafael.

Hinampas ko ang braso n'ya dahil sa sinabi n'ya pero natawa lang s'ya.

"Itong bungangang 'to ang nagdadala sa inyo sa langit 'no!" I exclaimed and laughed.

"Ang kalat mo, Amary!" Si Hideo.

I laughed more.

"What? Totoo naman!" Umirap ako ng pabiro.

We're laughing until we reached the burger king drive thru. Tulad kanina ay nagorder na rin kami ng makakain namin. Dinamihan ito ni Rafael, hindi ko alam kung bakit.

At dahil tumatawa kami, pati ang mga nagtatrabaho sa drive thru ay nakikitawa narin kahit hindi nila alam kung bakit kami tumatawa.

Well, dahil lang naman sa malakas na boses ko iyon.

After giving us our orders, ibinigay kanila Hideo at Vander ang sobrang pinamili at kumuha ng para sa akin.

"So,mags- stroll lang talaga tayo dito?" I asked them.

Nagkibit- balikat lamang si Rafael.

"I don't know either, let's see what will we do here in the city." He said.

Tumango naman ako at nagpatuloy sa pagkain.

Sumulyap ako sa likuran at nakitang kumakain na rin si Hideo at Vander. Si Rafael naman ay patuloy lang sa pagd- drive.

Naisipan kong bigyan ng burger si Rafael kaya't inilapit ko sa bibig n'ya ang burger.

"Have a bite, come on." I urged.

Bumaling naman sa akin si Rafael at ngumiti. He took a bite on my burger dahilan para mapangiti din ako.

"Have a bite, come on? Ano yun snickers?" He teased after having a bite.

Aba'y!

"Inasar mo pa talaga ako, huh?" Hinampas ko ulit ang braso n'ya.

Tumawa naman s'ya sa akin. Maging si Hideo din sa likod na nagmamasid pala.

Amaryllis | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon